Chapter 37

427 7 0
                                    

Chapter 37

Pag-mulat ng mga mata ko ay sumalubong sa'kin ang hindi pamilyar na kisame, dahang dahang bumangon ako saka pinalibot ang buong tingin sa loob ng hindi pamilyar na kwarto kung nasaan ako ngayon

Halatang luma ang mga gamit ngunit halatang matibay, makapal din ang kortina ng malaking bintana ng kwarto

Habang isa isang pinag-mamasdan at pinag aaralan ang bawat sulok ng kwarto ay unti unting bumalik ang nangyari kahapon sa aking isipin

Unti unting nanlaki ang mga mata ko ng maalala kung sino ang huling nakita ako bago nawalan ng malay dahil sa gulat at halo halong emosyong

Halos gapangin ko ang pagitan ng kamang kinahihigaan ko mula sa pinto sa pag-mamadali ngunit tila nanigas ako sa kinatatayuan ko ng bago ko pa man pihitin ang pinto pabukas ay bumukas na ito ang tumambad sa'kin ang seryosong itsura ni, Prof Lazarus tulad ng dati

"Bakit bumangon kana? How's your feeling? Kailangan mo pang mag pahinga." hindi ko namalayang dumaloy na pala ang luha sa pisngi ko habang naka titig ng maramdaman ang malamig nitong palad sa pisngi ko saka pinunasan ang luha sa pisngi ko

" Why are you crying? May masakit ba sayo? Tell me, Genevieve your making me worry."masuyong wika nito habang hinahaplos ang pisngi ko

" T-totoo ka diba? Ikaw ba talaga yan, Lazarus? H-hindi ako na nanaginip diba? Nandito ka talaga sa harapan ko? Bumalik kana diba? "sunod sunod na tanong ko rito ni hindi ko magawang kumurap natatakot na bigla na lang siyang mawala sa harapan ko

"It's me, Genevieve at tulad ng pangako bumalik ako." tuluyang napa-iyak na ako saka siya mahigpit na niyakap

"Stop crying, Genevieve aren't you happy that I'm here? I miss you so much..." mas humigpit ang yakap ko rito natatakot na baka muli siyang umalis at mawala sa tabi ko

"I miss you, Lazarus sobrang na miss kita.." humihikbing wika ko rito habang pinapakalma ang sarili sa pag-iyak

"Mahal na mahal kita, Genevieve pasensya na kung nasaktan kita ng iwan kita, Walang araw na hindi ako nag-sisi sa desisyon kong iwan ka lalo na sa kaalamang nasasaktan ka ngunit kailangan kong panindigan para sa kaligtasan mo."masuyong wika nito habang hawak nito ang mag kabilaang pisngi ko at titig na titig sa mga mata ko

"Hindi na ulit ako aalis sa tabi mo, Genevieve walang kahit sino pa ang maka pag papahiwalay sa'tin at maraming salamat dahil tinupad mo ang pangakong hintayin ako kahit gaano pa katagal."ngumiti ako rito saka hinawakan ang pisngi nito

"Dahil alam ko sa sarili ko kung hindi ko man tinupad ang pangako ko sarili ko lang din ang lolokohin at pahihirapan ko. Hinding hindi ko na kayang mag-mahal ng iba bukod sayo, Lazarus kahit kailan hindi ko inisip na sumuko na lang sa pag hihintay ko at mag hanap na lang ng iba, Hindi ko kaya."lumuluhang naka-ngiting sambit ko rito

"Kahit sobrang sakit na araw araw , na sa tuwing gusto kitang makasama sa nakalipas na taon na wala ka sa tabi ko ay tiniis ko dahil ganun kita kamahal, mas masasaktan lang ako kung titigil ako sa pag hihintay ko sayo noon at mag hanap na lang ng iba na nandyan pwede kong kasama pero hindi ko naman mahal... na hindi ko magawang maging masaya kahit makita ko lang siya tulad ng sayang nararamdaman ko pag nasisilayan kita."

"Ganun kita kamahal, Lazarus sobra sobra."madamdaming wika ko rito, napa-pikit na lang ako ng angkinin nito ang labi ko

"I love you more than what you see, what you feel, what you know. I love you so much." sambit nito sa pagitan ng labi naming dalawa

"Mag-pahinga kana, Alam kong nanghihina ka pa din mula sa nangyari kahapon." masuyong hinila ako nitong muli palapit sa kama saka iginaya pahinga rito

"Pano pag gising ko mamaya wala ka na naman? Pano kung panaginip lang palang nandito kana?"nag-aalalang tanong ko rito habang naka-tingin lang rito habang inaayos nito ang kumot  sa'kin

"Hindi na ako aalis sa tabi mo, Genevieve nandito pa din ako mamaya pag mulat muli ng mga mata mo, Ako ang unang makikita mo mamaya. Hindi ito panaginip, Genevieve dahil nandito na ako, Hindi na kita iiwan ulit, hindi na ulit ako mawawala sa tabi mo." sambit nito saka hinalikan ako sa noo

"Huwag mo akong iwan..." mahinang wika ko rito habang dahang dahang pumikit na ang mga mata ko, gustuhin ko mang manatiling gising at pag-masdan siya ay hindi ko na nagawang labanan ang antok na nararamdaman at tuluyang naka-tulog ako...

Hindi ko napigilan ang ngiting gumuhit sa labi ko ng pag-mulat ng mga mata ko ay bumungad sa'kin ang seryosong mukha ni, Lazarus habang naka-titig sa'kin

"Hindi ka talaga umalis sa pwesto mo?" Hindi ko mapigilang matawa ng mapansing hindi man lang nag-bago ang pwesto nito ng matulog ako at ngayong nagising ako

"Baka kasi magising ka pag-kumilos ako." turan nito, Hindi ko tuloy alam kung nag-bibiro ba siya o seryoso

"Kumusta na ang pakiramdam mo? Maayos na ba?"tanong nito habang inaayos ang buhok ko

"Ayos na ako, bumalik na ang buong lakas ko." sagot ko rito

"Anong oras na? Ilang oras akong natulog? "tanong ko rito

"Buong araw kang tulog kahapon at 7:26 na ng umaga."Hindi ko mapigilang mapanganga sa sinabi nito

" Seryoso ka, Lazarus? Buong araw?"bulalas ko kaya pala sobrang nakakaramdam ako ng gutom Hindi ko lang pinapansin

"Oo, bakit mukha bang nag-bibiro ako? "salubong ang kilay na tanong nito hindi ko tuloy maiwasang napa-ngiwi

"Edi buong araw na ganyan ang pwesto mo? Hindi ka natulog?" nag-aalalang tanong ko rito

"Baka nakakalimutan mong bampira ako at hindi kami natutulog sa gabi dahil mas gising na gising kami pag-wlaa ang araw." paliwanag nito

" Ahh!! "napa-tango tango na lang ako rito " I'm hungry na."naka-ngusong turan ko rito, walang imik na tumayo ito saka lumabas ng kwarto pero bago yun ay hinalikan muna ako nito

Nag-kibit balikat na lang ako saka tumayo balak kong maligo dahil feeling ko nanlalagkit na ang buong katawan ko

Agad kong kinuha ang long sleeve shirt at boxer short nito pag katapos kong buksan ang malaking aparador nito bago pumasok sa banyo

Saktong pag-labas ko ng banyo ay siya naman pag bukas ng pinto kasunod nito ay ang pag pasok ni, Lazarus habang may hawak ng tray na may pag-kain

Dali daling lumapit ako rito dahil mas lalo akong naka-ramdam ng gutom ng makitang sinigang na isda ang ulam at amoy na amoy ko ang masarap nitong aroma

"Ikaw nag-luto?" tanong ko rito habang hinihintay itong matapos sa pag lalagay ng kanin sa plato saka nilagyan ng sabaw

"Hmmm..."

"Marunong ka? Wow!" hindi ko maiwasang bulalas rito

"Inaral kong mag-luto para magawa kitang ipag-luto ng mga pagkaing gusto mo." seryosong wika nito saka ako sinubukan kaya wala na akong nagawa kung hindi tanggapin ito

"Ini-spoil mo ako masyado, Lazarus kaya mahal na mahal kita eh." hindi ko mapigilang turan nito

" Of course, you are my Queen. And my queen should be spoiled by her man."turan nito, mas lumaki ang ngiti ko para tuloy akong ewan na naka-ngiti ng malaki habang sinusubuan ako nito

My Professor is a Vampire(🌜)Where stories live. Discover now