Chapter 26

330 3 0
                                    

Chapter 26

"P-pwede bang huwag ka na lang umalis? D-dito kana lang sa tabi ko oh? K-kaya mo naman akong p-protektahan diba?"paki-usap ko rito

"Gusto ko mang manatili sa tabi mo, Genevieve hindi pwede dahil mas inilalapit lang kita sa kapahamakan. Oo nga't kaya kitang protektahan pero hindi ko alam kung hanggang kailan. Wala akong tiwala sa sarili ko, natatakot akong baka mawala ka sa'kin dahil mas pinili kong maging maka-sarili kaysa sa isipin ang kapakanan mo." masuyong wika nito

"P-pero sabi mo hindi mo hahayaang masaktan ako ng kahit sino... n-nasasaktan na ako oh... m-mas masakit pa toh kaysa sa kung anong gagawin nila s-sakin.." humihikbing sambit ko rito

"I'm sorry, Genevieve kung nasasaktan kita kahit sinabi kong hindi ko hahayaang saktan ka nino man. Ito na lang kasi ang naisip kong paraan para hindi ka mapahamak eh. Ito lang ang paraan para balang araw makakaya na nating mahalin ng malaya ang isa't isa ng walang iniisip na kapahamakan."ani nito

Walang tigil ang pagdaloy ng mga luha ko at sunod sunod na hikbi ko habang mahigpit na nakayakap rito, Kahit anong gawin kong paki-usap ay hindi ko magawang mabago ang isip nito

Alam ko namang ginagawa niya toh para sa kaligtasan ko pero hindi ko paring mapigilang masaktan at hilingin na lang na huwag niya akong iwan

Parang pinipiga ang puso ko kahit na matagal ko ng alam na darating ang araw na kailangan niyang umalis at iwan ako

"S-sige... p-pero dapat b-bumalik ka, Prof ah."mahigpit ang yakap at basag ang boses dahil sa labis na pag-iyak na paki-usap ko rito

"Hihintay kita...basta mangako kang babalik ka.. babalikan mo ako."pigil ang hikbing wika ko rito

"Babalik ako, Mahal ko... Babalikan kita pangako." sinseryong wika nito habang naka hawak sa pisngi ko at seryosong pinupunusan ang luha ko gamit ang hinlalaki nito

"Babalikan kita, Genevieve kahit anong mangyari babalik ako pangako... Dahil alam kong kahit kailan hindi na ako mabubuo tulad ng nararamdaman ko tuwing nandyan sa oras na mawala ka sa'kin... Mahal na mahal kita... sobrang mahal na mahal kita.." puno ng emosyong wika nito bago inangkin ang labi ko agad kong tinugon ang mga halik nito

Pinag dikit nito ang mga noo noo namin naka pikit lang ako habang hawak ang dalawang kamay nitong naka hawak sa pisngi ko

"Babalik ako pangako. Babalikan kita,tutuparin ko ang pangako ko at hindi na kita hahayaang masaktan," hilam ang luhang tumango tango ako rito

"Huwag kang mag-alala dahil kahit nasa malayo ako at wala sa tabi mo, sisiguraduhin kong nasa ligtas ka. Hindi ko hahayaang mapahamak ka. Hindi ko hahayaang masaktan ka pa."mahinang wika nito habang napa-pikit at magka-dikit ang noo naming dalawa

"Kahit nasaan ka, kahit gaano ka pa kalayo lagi mong tatandaan hahanapin at mahahanap kita.... Walang sino man ang makakalapit sayo para saktan ka, sisiguraduhin ko yan."

" Edi lagi ko na lang ilalagay sa panganib ang buhay ko para makita kita."lumuluhang wika ko rito ngunit umiling lang siya

"Konting hintay at tyaga lang, Genevieve makakasama mo din ako. Hindi mo kailangan ilagay sa kapahamakan ang sarili mo para dun."wika nito saka pinakatitigan ako sa mga mata

"Mahal kita, Genevieve Schuyler Clementine. Mahal na mahal kita, at gagawin ko lahat para sa susunod na mag-kita tayong dalawa maging malaya na tayong mahalin ang isa't isa. Walang iniisip na kahit anong kapahamakan... Walang kahit sinong pwedeng tumutol sa pag-mamahal nating dalawa."wika nito lumuluhang ngumiti ako rito

"Mahal na mahal kita, Lazarus Nikolas Lefevre hihintayin ko ang araw na pag-uwi mo sakin." tugon ko rito muli nitong pinunasan ang mga luha ko

"Ikaw ang nag-iisa at iisang babaeng mamahalin at uuwian ko..." wika nito naka titig lang ako rito sa huling pag kakataon nginitian ako nito..

Tuluyang napa hagulgol ako ng mawala ito sa paningin ko napa luhod na lang ako sa sahig ng kwarto ko, napa-tingala na lang ako habang sunod sunod ang hikbing kumawala sa labi ko

Mariing napa-kagat labi ko habang mahigpit na nakakapit sa tapat ng puso ko umaasang kahit papano ay mababawasan ang sakit na nararamdam ko ngunit walang nangyari

Hindi ko namalayang bumukas na pala ang pinto ng kwarto ko at nakita ko na lang na pumasok si, Mommy, Halos hindi ko na siya masyadong makita dahil sa luhang walang tigil sa pag-tulo mula sa mga mata ko

"M-Mommy...." humihikbing usal ko ng makita itong puno ng pag-alalang mabilis ako nitong dinaluhan at niyakap

"U-umalis na siya, Mommy... A-alam ko namang darating ang araw na toh pero m-masakit pa din...  k-kahit na alam ko ang d-dahilan sobrang sakit pa rin... S-sobra pa ding akong n-nasasakta, h-hindi ko k-kayang t-tanggapin." humihikbing pagsusumbong ko rito naramdaman ko ang masuyong pag haplos nito sa buhok ko

"Ng kinausap kami nito ay alam kong seryoso siya sayo at may tiwala ako sa pangako nitong babalikan ka niya." masuyong wika nito tanging hikbi lang ang naging tugon nito

"Alam kong mahal na mahal ka ng binatang iyon, sapat ng patunay ng harapan niya kaming kausapin ng Daddy mo, ang aminin kung sino siya. Kaya niyang mag-tiis ng hindi ka makasama kahit ang gusto niya lang ay nasa tabi mo siya pero hindi... handa siyang mag-sakripisyo para lang masigurado ang kaligtasan mo." mahinang wika nito

"Naiintindihan namin siya ng Daddy mo kung bakit mas pinili ka niyang iwan, dahil kung kami ant nasa sitwasyon niya, yun din ang gagawin namin. Hindi dahil sa hindi sapat ang pag-mamahal na meron kami para manatili ngunit kundi dahil sa takot naming masaktan at mawala ka ng walang ginagawa kahit na alam namin kung anong dapat at tamang gawin."lintaya nito

" At bilang magulang mo, sangayon kami sa ginawa niya kahit pa alam naming masasaktan ka sa oras na iwan ka niya... mas pipiliin namin ang kaligtasan mo. Dahil ayaw ka naming mawala. Alam kong sobrang sakit ng nararamdaman mo dahil siya ang unang lalaking minahal mo tapos ganito pa ang mangyayari sainyo. Pero tulad ng sinabi mo. Kung para kayo sa isa't isa ang Tadhana mismo ang gagawa ng paraan para mag-katuluyan."

"Basta lagi mong tatandaan nandito lang kami ng Daddy mo para sayo, Kahit anong desisyon mo susuportahan ka namin."mahigpit akong yumakap kay, Mommy habang tahimik na umiiyak at pinapakinggan ang mga sinasabi nito

Na natiling nakayakap lang sa'kin si, Mommy hindi ako nito iniwan habang pinapatahan ako sa pag-iyak

Ilang minuto ang lumipas ng kumalma ako saka ako iginaya ni, Mommy tumayo at inalalayan ako papunta sa higaan ko, at masuyong inihiga sa kama ko

Tahimik na naka-sunod lang ang tingin ko rito habang Inayos nito ang unan ko saka siya na rin ang nag-ayos ng kumot sa pagkakakumot sa'kin bago nahiga sa tabi ko

Agad akong yumakap rito saka sinubsob ang mukha sa katawan nito saka muling pinagpa-tuloy sa pag-iyak hinayaan lang ako nito hanggang sa maka tulog Ako...

My Professor is a Vampire(🌜)Where stories live. Discover now