Chapter 12

473 7 0
                                    

Chapter 12

"Hindi ka ba papasok, Gene?" takang tanong ni, Daddy dahil monday na naman at pasukan pero dahil sa nangyari sa'min ni, Prof hindi ko alam kung dapat bang mag pakita ako sakanya

"Hindi, Daddy masama po pakiramdam ko eh." sagot ko rito

"Are you okay? Gusto mo bang pumunta tayo sa hospital?" nag-aalalang wika nito

"Ayos lang ako, Dad kailangan ko lang mag-pahinga." tipid ngiting wika ko rito

Nag-tatakang naka-tingin ako kay Daddy ng na natiling naka-titig ito sa'kin

"Bakit, Dad? May dumi ba ako sa mukha?" takang tanong ko rito ngumiti ito sa'kin saka umiling

"Wala naman, Gene para lang kasing may iba sayo." sambit nito, hindi ko maiwasang kabahan hindi naman siguro mahahalata kung hindi na ako berhen diba?

"Ano naman yun, Daddy?" kunyaring tanong ko rito

"Your glowing. Kung hindi ko lang alam iisipin kong in love ka." nag-kanda ubo ubo ako dahil sa sinabi nito Daddy sakto pa namang sumubo ako ng pag-kain nabulunan tuloy ako dahil sa gulat

"Are you okay, Gene?" nag-aalalang tanong nito pagkatapos akong abutan ng tubig ni, Daddy

"Don't say bad words kasi, Daddy." naka-simangot at salubong ang kilay na reklamo ko rito saka mabilis na tinapos ang pag-kain ko

"Never akong maiinlove, Daddy tandaan mo yan." masama ang loob na iniwan ko ito sa kusina saka nag-tungo sa salas para manood ng TV

Hindi ko alam kung naka-ilang ulit akong lipat ng Chanel hanggang sa may nahanap akong pwede kong panoorin

"Gene?"Hindi ko pinansin si, Daddy at na natiling nakatutok ang tingin ko sa pinapanood ko  "Sorry na, Gene I won't say bad words again."nag-lalambing na wika ni, Daddy saka umupo sa tabi ko at mahinang sinundot sundot ang pisngi ko

"Daddy!" reklamo ko rito saka lumayo sakanya

"Tampo ka pa rin, Gene? Masyado ka naman defensive, Princess eh." naka-simangot na masamang tumingin ako kay, Daddy halatang inaasar ako nito

"Hindi ako defensive, Daddy nakakainis ka naman eh."

"Wala naman kasi akong sinabing in love ka. Masyado ka lang defensive kaya mali ang pag kakarinig mo ng sinabi kong 'Kung hindi ko lang alam iisipin kong in love ka' see wala akong sinabing in love ka." lalong sumama ang tingin ko kay, Daddy

"Ewan ko sayo, Daddy bakit hindi ka na lang pumasok sa office mo? Late kana po." naka-simangot na sambit ko rito saka iniwan siya sa salas at umakyat sa kwarto ko

Nag-halungkat ako sa mga DVD na nasa stand  para yun ang panoorin. Agad akong napangiti ng makita ng gustong gusto kong Disney Movie na panoorin. Descendants

Kahit papano nawala sa isip ko si Prof Lazarus dahil masyadong naaliw sa panonood si, Mal ang favorite ko tho yung hair ni, Evie ang gusto ko dahil favorite color ay blue pero bagay din naman ni, Mal yung hair niya

Parang gusto ko tuloy mag-pakulay ng buhok yung kagaya niya pero alam kong hindi pwede saka baka masira yung hair ko gustong gusto ko pa man din tong hair ko

"Gene, Dinner is ready baba kana?!" pag-katok ni, Daddy sa pinto ng kwarto ko naka lock kasi yung pinto kaya hindi siya makapasok

"Wala akong ganang kumain, Daddy kayo na lang po?!" sigaw ko habang na natiling naka-higa sa kama ko at naka-titig sa kawalan

"Bumababa ka na lang mamaya kung magutom ka?!"Hindi na ako sumagot dito. Hindi ko alam kung nasa labas pa ba ng kwarto ko si, Daddy o Umalis

Bumangon ako mula sa pagkakahiga saka pumasok sa loob ng bathroom para mag-half bath nag-suot lang ako ng pair na pajamas saka muling humiga sa kama ko habang hawak ang cellphone at may naka salampak na earphones dito

Pumikit na pagkatapos kong iplay yung music. Hindi ko na malayang naka tulugan ko na ang pakikinig sa music

"Hanggang kailan mo ba balak mag-kulong rito sa kwarto mo?!" agad akong nagtalukbong ng kumot ng pumasok si, Mommy sa kwarto ko

"Genevieve Schuyler Clementine." napa-ngiwi na lang ako ng banggitin ni Mommy ang buong pangalan ko

"Ayaw kong pumasok, Mommy!" naiiyak na reklamo ko habang na natiling naka-talukbong ng kumot

"Ano bang nangyari? Simula nung nag Bar ka at umuwi galing sa Condo mo hindi kana lumabas ng kwarto." panenermon nito

"Hayaan niyo na lang po ako."naka ngusong wika ko rito saka inalis ang kumot na naka takip sa'kin

"Hindi pwede! Ipapa-alala ko lang sayo malapit na ang exam niyo kailangan mong pumasok."seryosong wika ni, Mommy

"Pero Mommy."inis na reklamo ko

"Papasok ka sa ayaw at gusto mo."bakas ang autoridad sa boses nito kaya wala na akong nagawa kung hindi mapa nguso na lang

"Dalawang Linggo ka nang hindi pumapasok nag-aalala na ang mga kaibigan mo. Hindi mo daw sinasagot ang tawag nila, ni hindi mo sila hinaharap tuwing pinupuntahan ka nila dito."lintaya nito saka napa buntong hininga bago naupo sa tabi ko

"Umamin ka nga may nangyari ba?" malumanay na tanong nito agad akong nag iwas ng tingin rito

"W-wala po."pag-sisinungaling ko. Hindi pa ako handang sabihin ang nangyari sa pagitan namin ni, Prof Lazarus lalo na't hindi ko alam kung anong magiging reaction ni, Mommy pag-nalaman niya

"Sa'kin ka pa magsi-sinungaling." iiling-iling na wika nito

"Mommy mo Ako, Genevieve alam ko kung kailan ka nagsasabi ng totoo sa hindi. kung hindi ka pa handang sabihin naiintindihan ko." lintaya nito agad na nag-lalambing na yumakap ako rito

"I'm sorry for trying to lie to you, Mommy I didn't regret it, but I feel shamed that's why I can't go to school this past few weeks."mahinang paliwanag ko rito

"If you really didn't regret it then there's no need to be shamed, Gene."turan nito "Kaya habang maaga pa kung ano pa man yang sinasabi mo harapin mo na bago pa mahuli ang lahat."tumango tango na lang ako sa sinabi nito saka tipid na ngumiti

"Sige, Mommy papasok na po Ako bukas."nginitian naman Ako nito saka masuyong hinaplos ang buhok ko

"Something changed at you, but I could say that your happy." turan nito

"Siya iwan na muna kita may meeting pa Ako mamaya eh."turan nito saka tumayo na sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa makalabas siya sa kwarto ko

Hindi ko na alam paano haharapin si Prof Lazarus dahil sa nangyari paano kung Ako lang pala ang may gusto?

Saka hindi ko alam paano ko sasabihin sa mga kaibigan ko sigurado akong mag tatanong sila kung saan Ako pumunta ng gabing yun bakit bigla akong nawala at Hindi na bumalik sakanila lalo na't ang paalam ko ay mag cocomfort room lang ako.

Kasalanan toh ni Prof Lazarus eh Ano bang ginawa niya dun?Paano niya nalaman ang exsaktong lugar na kinakaroonan ko? Nakakainis sinira pa niya yung dress,bra at panty ko eh ang mahal mahal ng mga yun...

Pero willing naman akong bumili ng bagong damit na pupunitin niya hihihi hayt Gene dahil dyan sa kalandian mo  ayan tuloy warak na tsk tsk...

“It is never too late to be what you might have been.”
~ George Eliot

My Professor is a Vampire(🌜)Where stories live. Discover now