PROLOGUE:
Naabutan ko siyang nakangiti habang nakatingin sa salamin, napakaganda niya pa rin...
Napansin niya ata akong nakasilip sa pintuan at nagulat siya nang makita niya ako. Hindi kasi niya alam na tutuloy ako, hindi ko sinabi. I just went to the venue in silence. Kaya dali-dali siyang tumakbo papunta sa akin and she gave me a hug. A tight and longing hug that I've missed.
"I'm glad you came," sambit niya habang nakangiti sa akin at halos mababakas pa ang paluha niyang mga mata. Ramdam kong masaya siya na makita ako.
"Me too," sagot ko habang iniaabot ang bouquet ng bulaklak na hawak ko.
"Napakaganda mo pa rin talaga. Nothing has changed." I said out of nowhere kaya pasikreto akong napakagat sa sarili kong dila sa kadaldalan nito. I was just really mesmerized by her beauty in that white dress of hers. It looks good...perfect sana if ako yung papakasalan.
Anyway, let's just move on. Shall we, Lexa?
Inamoy niya yung flowers na binigay ko habang nakangiti pa rin. Hindi matanggal ang ngiti sa mga labi niya. Nakakagaan ng loob. I really missed being this close to her because I can trace my eyes with every detail of her delicate face.
"Salamat! Hindi mo naman kailangang purihin ako, alam ko namang maganda ako." pagbibiro niya pero parang may something sa mga mata niya. Yes, she's smiling but it doesn't reach her eyes.
Her eyes speak something else, pero baka nerbyos lang dahil it's a big day for her. Kaya nagkibit balikat na lang ako at sinakyan na lang ang biro niya.
Sabay kaming tumawa after that, pero ako, heto na naman at nakatitig pa rin sa kanya habang sabay kaming tumatawa. I can't take my eyes off of her. She's glowing and was evidently happy kahit I feel off inside me.
I don't know, masyado na siguro akong nag-ooverthink or hindi ko lang talaga ma-process pa na nangyayari na talaga ito ngayon.
Jeez, Lexa. Kala ko ba moving on na? Last day mo naman nang makita siya so maybe...hope for something delusional just this moment.
I want to hug her again or better yet kis—
"Lexa?" Tawag pansin ni Clarke sa akin while waving her hand in front of my eyes. Natulala na naman ako. Kailan ba ako titigil matulala pagdating sa kanya?
"Oh—yes? Sorry, masyado akong nalunod...sa mga ngiti mo. Ha-ha." Awkward at pabiro kong sinabi sabay kamot nang bahagya sa ulo ko.
Nakakahiya at nakakatanga?
Ngumiti lang siya at umiwas ng tingin sa akin, pilit na itinatago ang pamumula ng kanyang mga pisngi.
Makalipas ang ilang segundong awkward na katahimikan ay tumingin muli ito sa akin. Malalim, nangungusap, mapaghangad...at nagsalita, "Lex, I—"
"Clarke? Ano? Matagal ka pa ba? Kanina pa sila naghihintay." Biglang dumating si Raven sa tapat ng pintuan kung saan kami malapit. "Oh, Hi Lexa! I thought you wouldn't come. I'm glad you're here to witness an epic wedding." Patuloy niya sa pagbati ngunit hindi ko na narinig nang maayos ang mga sinabi niya sa huli.
"Hi Raven, I am glad too." Tipid kong usal at tumango sa kanya habang nakangiti nang maiksi.
"Osya, we'll wait for the two of you. Sabihan ko na rin sila na papunta na kayo." Saad ni Raven. "Clarke," tawag pansin niya sa kaibigan at tumango nang mabilisan habang may tinginan silang sila lang dalawa ang nagkaka-intindihan bago niya kami iwan.
BINABASA MO ANG
HATID (Clexa)
FanfictionClexa Fanfic Story! Clarke and Lexa, also known as Clexa in The 100 TV Series. "Para sa mga nagmamahal ng sobra sobra, pero ang nakuha ay tira tira... Huwag mo habulin, huwag mong pigilan, ihatid mo nalang." ×××××××××× • Main characters: Full name:...