Lexa's POV
The sun rays touched my skin. Sweats are all over my body.
I am currently running at the park, exercising. I also want to clear my head as of the moment. The thoughts of Clarke are always bugging me.
I still have no idea of what was going on between us and her own thoughts. Even though I'm happy to be with her. I just want to break the barrier she built to fully know her.
I sighed and felt the numbness of my feet.
I stopped by the bench and sit there for a while as I hydrate myself with water.
I watched as various people are enjoying their day at the park. Most of them are exercising some are just here for the fresh air.
I was about to stand up from the bench after feeling a bit energised again when I suddenly saw a familiar woman not far from where I am.
"Clarke?" Bulong ko sa sarili ko. I thought she's just going to buy our breakfast? Ano ginagawa niya dito?
Pagkagising ko kasi kanina wala siya sa higaan and I saw a note from her bedside table and she said she will just buy our breakfast dahil wala na daw siyang stock sa ref. So I decided to go for a run muna while waiting for her, malapit lang din kasi dito ang park dahil parang village rin itong lugar niya.
"Teka, sino yung lalaking yun?" Napasabi ako sa sarili ko dahil bigla siyang inakbayan nito at binigyan siya ng halik sa pisngi. Nakatalikod lang sila sa gawi ko at naglalakad sa gitna ng park.
Parang kumirot ang puso ko sa nakita ko.
Patuloy ko lang silang sinusundan ng tingin at para bang palapit sila ng palapit sa pwesto ko gayong iba ang direksyon ng tinatahak nila mula sa akin.
Nagulat na lang ako nang biglang may bumungga sa aking bata na may hawak na ice cream. Sinusundan ko pala si Clarke with the unknown guy kaya pala parang ang lapit lang.
"Shi—" hindi ko na natuloy ang pagmumura ko dahil bata pala ang bumangga sa akin at halatang maiiyak na ito, hindi dahil sa pagbunggo sakin kung hindi dahil sa ice cream niyang nalaglag.
"Hey, I'm sorry. Hindi ka kasi nag-iingat eh." I said as soft as it can be para hindi lalong umiyak yung bata kahit na medyo nainis ako na parang kasalanan ko pa.
"Mo-mommy!!!" Nagulat ako sa sigaw ng bata at dali-daling tumakbo papunta sa mommy niya...si Clarke?!
What the fucking hell is going on here?!
"Hey, baby what happened—" naputol ang pagtanong nito nang magtama ang mga mata namin. Tama nga! Si Clarke nga, at bakit may anak na siya?! At sino yung guy na kasama niya? Hindi ko makita ang itsura nito...bakit hindi ko makita? Sino siya?
Clarke, sino siya?
Bakit?
Clarke?!
"Lex,"
"No!" Sigaw ko, no it can't be!
"Lexa, hey?"
"No! Clarke—" patuloy kong sambit at ramdam kong may mainit na likidong dumaan sa gilid ng mata ko.
"Lexa!"
Nagulat ako sa sigaw na dumagundong sa tenga ko. Bigla akong napabangon sa gulat at napasapo sa noo ko dahil sa hilo na sumalubong sakin.
BINABASA MO ANG
HATID (Clexa)
FanfictionClexa Fanfic Story! Clarke and Lexa, also known as Clexa in The 100 TV Series. "Para sa mga nagmamahal ng sobra sobra, pero ang nakuha ay tira tira... Huwag mo habulin, huwag mong pigilan, ihatid mo nalang." ×××××××××× • Main characters: Full name:...
