Chapter 12

88 5 0
                                    

Lexa's POV


Lunch Break.

Busy pa ako sa pagdutdot ng computer ko, hindi ko na din napansin ang oras sa sobrang busy ko. Hay, ang ganda ganda ko kanina tapos maha–haggard lang pala ako dito sa kinauupuan ko.

Isang buntong hininga ang nilabas ko sa bibig ko.

"Lex, ano ka na dyan? Wag mo masyadong dibdibin yan hindi ikaw ang tagapagmana ng kompanya!" Sigaw ni Anya na papalapit na sa pwesto ko. Rinig iyon ng iba kaya napatawa na lang sila. Kainis.

Hindi ako umimik. Kasi naman, gusto ko na 'to matapos para hindi na ako mamoblema sa mga susunod na araw. At hindi rin ako sanay na mabagal magtrabaho, hanggat kaya kong tapusin, tatapusin ko.

"Alexa Jane! Dinaig mo pa yung ex mong anak ng may ari ng kompanyang ito kung magtrabaho ka! Partida nga yun tagapagmana pero walang ginawa kundi magpaganda lang eh. Eh ikaw? Saan ka dyan sis? Tumayo ka na at nagugutom na ako!" Pagrereklamo ni Anya na ikinatigil ko, sinamaan ko siya ng tingin, yung tipong gusto ko na siyang chop-chopin kasi istorbo siya sa ginagawa ko. Idagdag mo pa yung bibig niyang panay ex ko ang binabanggit at puro paninira ng araw. Mabuti na lang at wala na yon dito. Kairita! Sino ba jinowa non, siya ba? At hindi pa siya makamove on?

"Tsk! Lumayas ka na nga, Anya!" Ayun na lang ang tanging lumabas sa bibig ko dahil wala akong panahon para sa kanya today. Need ko na matapos ito dahil nagpapalakas ako sa boss ko dahil for promotion na daw ako.

"Ititigil mo yan o titilapon yang computer mo ngayon?" Pagbabanta niya sa akin. Aba? Sino ka dyan? Nanay ko?! Ikaw itapon ko sa ilog pasig eh!

Pumikit ako nang marahan para pakalmahin ang sarili ko dahil baka magfriendship over kami kapag pinatulan ko pa siya.

Hay, bakit ba ang kulit ng kaibigan kong 'to? Tapos kapag kakausapin mo na ang cold cold naman!

Humarap ako dito at nakita ko siyang nakapamewang na parang inip na inip na.

"Come on, Lex. Mamaya na yan, di naman yan lalakad eh." Dagdag nito habang seryosong nakatingin sa akin.

"Mauna ka na kung gutom ka na Anya, hindi ko naman hawak yang bibig mo te!" Pag-irap ko dito. "Tsaka wala akong panahon para dyan. Mamaya na lang ako babawi paguwi ko–" nagsasalita pa ako nang biglang magring ang phone ko.

Nang sinilip ko ito, agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. Si Clarke, tumatawag, hihi.

"H-Hello Clarke." Nautal kong pagsagot.

"Ay putang inaaa–" Gulat na parang naubos ang pasensya ni Anya pagkarinig ko sa kanya dahil tumalikod ako sa kanya pagkasagot ko ng call.

Naimagine ko yung itsura niyang nanggigigil hahahaha. Natatawa tuloy ako.

Hi Lex! Naglunch ka na? Di kasi kita nakita kasama nila O.

"Ah, eh, hindi pa eh, nandito pa kasi ako sa office. May tinatapos lang." Sagot ko kay Clarke sa kabilang linya.

Ramdam ko naman ang inis na titig ni Anya sa likod ko pati ang pabalik balik na lakad nito na parang anytime babatukan ako.

May binubulong siya sa sarili niya pero hindi ko naririnig masyado dahil nakatutok ako sa kausap ko sa cellphone.
Pero ramdam kong naiinis siya hehe.

Ganon ba? Yayayain sana kita maglunch kasi kakalabas ko lang din ng office pero kung busy ka–

"Ha, hindi, free na pala ako, Clarke. Tara sabay na tayo–" Hindi ko na natuloy ang sinabi ko kay Clarke dahil naramdaman ko na ang malupit na batok ni Anya sa ulo ko.

HATID (Clexa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon