Chapter 15

142 5 0
                                        



Lexa's POV




Ang bilis ng pangyayari. Parang naging flash kami biglang dalawa sa sobrang bilis ng kaganapan. Nagulat na lang ako at nakalabas na kami ng coffee shop ni Clarke.


Higpit nitong hawak-hawak ang isa kong kamay sa wrist part. Feeling ko magkakamarka 'to pagbitaw niya mamaya. Hila-hila ako nito, kaladkad na nga ata hindi na hila. Natataranta siya habang patuloy kaming naglalakad palayo sa coffee shop.


"Clarke," I called her name pero parang hindi niya ako naririnig.

Ramdam ko na naman na lalong humigpit ang pagkapit nito sakin.

"Clarke, teka ang sakit na." Sabi ko dito habang pilit na inaalis ang isa kong kamay sa kanya. Pero parang wala ata siya sa sarili niya.


"C-clarke—" huling tawag ko dito. Muntikan na rin akong matalisod kakamadali namin sa paglalakad sa kawalan kaya pinuwersa ko na ito para mapatigil.



Hinatak ko ang sarili ko para makahinto kaming dalawa sabay piglas ng kamay ko na kanina'y hawak-hawak niya.

"Clarke, ano ba?!" Medyo napalakas ang boses ko rito dahil hindi naman niya ako pinapansin. Nakatalikod pa rin ito sa akin.

"Ano ba ang nangyayari? Bakit bigla na lang tayong umalis doon? Ang saya-saya pa natin kanina ah?" I asked her frustratedly. Wala akong ibang choice kung hindi magreklamo ngayon sa inaasal niya.

"Clarke ano ba—" Hinatak ko ito paharap sa akin at laking gulat ko na lang na puno na ng luha ang mga mata nito. Basa na rin ang kanyang magkabilang pisngi at tsaka siya humikbi pagtingin niya sa akin.

"C-clarke, ano ba ang nangyayari? Okay ka lang ba?"

"Sabihin mo sakin. May problema ka ba?"

"Sorry, dapat hindi na kita pinilit pumunta sa coffee shop kung ayaw mo naman talaga."

Sunod-sunod kong sabi sa kanya at sabay pinunasan ang mga luhang patuloy na pumapatak kasabay ng pagsinghot nito at paghikbi nang bahagya.

She shakes her head. "N-no, it's not your fault. I'm sorry. I just..." she sighed deep na para bang humuhugot ng lakas sa kawalan. "I'm sorry." She said with a solid voice now at biglang inayos ang sarili. Ang bilis ng pagbabago ng mood niya. Ibang klase.

Pinunasan nito ang natitirang luha sa pisngi at gilid ng mga mata niya at inayos rin ang damit nitong medyo nalukot dahil sa pagmamadali.

Ako, ito, pinagmamasadan ang mga kilos niya at nagtataka pa rin. Bakit? Ano ba 'yon?

"Clarke, you need to tell me what's going on." I softly said to her.

Nang makita kong bumalik na ulit ito sa sarili niya ay binigyan niya ako ng ngiti, pero ramdam kong ngiti ito na pilit para pigilan ang mga luha niyang nagbabadyang bumagsak muli.

"I'm sorry," She said it again. How many times will she say it to me that she's sorry without stating any reason?


"For what, Clarke? There's nothing to be sorry about, right? I'm the one who insisted to go here. Kaya dapat ako yung magsosorry." I held her hands while saying it and gently squeezed it and gave her a soft kiss on her forehead.

"Don't cry na." I told her and decided to touch her delicate skin to caress her cheeks with my thumb.


Bigla naman akong natuod sa kinatatayuan ko nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. Sumiksik pa ito sa leeg ko at ramdam ko ang mainit na paghinga nito. Kaya nagsitayuan ang mga balahibo ko at napalunok nang ilang ulit.

HATID (Clexa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon