Lexa's POV
Weekend.
Nagising ako sa gutom. Time check, it's 9:26 AM. It's too early for me kapag ganitong weekend. Pero before I go back to sleep, I checked my social media accounts if there's anything that will catch my attention and not to sleep anymore.
Upon checking, I noticed that there's a request notification on my messenger.
'Sino naman kaya ito?' Pag-iisip ko.
Kung mga lalaki na naman itong nagha-Hi, auto blocked ko na agad sila, sayang panahon ko sa kanila.
"Shit!" Bigla kong sabi at napaupo ako sa pagkakahiga ko dahilan para mahilo-hilo ako.
---
Chat message: 10:43 PM
Clarke: Hi Lexa, this is Clarke friend ni Octavia. Thank you ulit sa dinner! Ingat paguwi :)
---
Aaahh!! Nagising diwa ko! Bakit parang may butterflies bigla sa tiyan ko?
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. What if...
'Hi, Clarke! Ano, okay lang! Hehe' pagtatype ko pero binura ko din agad. Ang awkward ko.
'Hey! Thank you ingat din!' binura ko din ulit. Anong ingat? Kagabi pa yung message niya. Hay nako!
'Clarke, thank you din! Ikaw naman ang manlibre!😂' Bura! bura! Feeling close nanaman ako agad! Jusko, natataranta ako. Ano na sasabihin ko?
Wala pa akong mai-type na reply, hawak ko lang ang cellphone ko at nagdecide na lang na tumingin sa kisame ng kwarto ko, baka kasi may sagot akong makuha.
"Haayy," Huminga ako ng malalim at nag-isip.
Nakatulala lang ako nang matagal habang nakasandal ang ulo ko sa headboard ng kama ko nang biglang may magnotify sa messenger ko.
Lexa: 👍
Clarke: 👍
"Ay gago!" Sigaw ko sa kwarto. Nakakainis. Ang tanga ko! Napindot ko pala yung like sa messenger. Gusto ko na magpakain sa ilalim ng lupa sa kahihiyan na nagawa ko! My goodness talaga!
Dali-dali akong nagreply sa kanya.
Lexa: Clarke, Sorry! Omg, di ko sinasadya na ilike zone ka. Napindot ko lang accidentally. I'm really sorry. I was about to reply to your message.
By the way, Thank you din kasi sinamahan mo ako magdinner, I'm happy you got home safe!
Kung free ka later, can we have coffee? Pangbawi ko lang sa pang lalike zone ko sayo. Hehe
Clarke: Oh I thought you're a cold person tho, LOL. Pero okay lang, I understand kung napindot mo lang pala.
Sure we can have coffee! I was planning to ask you that if you ever noticed me. Kaya minessage na kita dito. Ang tagal mo kasi magtext. Hahaha joke!
Lexa: Hahaha. I will surely notice you Clarke. Ikaw pa ba?
I didn't expect you to invite me for coffee haha. Pero sure I will go
Clarke: Nice! We can set it later 3 PM if ever you are free
Lexa: I am for sure
Clarke: That's good! Thank you for noticing me idol 🤪
Lexa: Clarke! Hahaha see u!
Clarke: ❤️
---

BINABASA MO ANG
HATID (Clexa)
FanfictionClexa Fanfic Story! Clarke and Lexa, also known as Clexa in The 100 TV Series. "Para sa mga nagmamahal ng sobra sobra, pero ang nakuha ay tira tira... Huwag mo habulin, huwag mong pigilan, ihatid mo nalang." ×××××××××× • Main characters: Full name:...