Clarke's POV
I'm still half asleep as I turned around to hug her beside me but the space is empty. Where did she go? I stretched my arms for a second just to wake myself a bit. Baka umalis na nga siya na hindi nagpapaalam sakin?
Dali dali akong tumayo sa kama kahit wala akong suot na kahit ano. This is my house though so walang makakakita sakin bukod sa kanya kung narito pa rin siya.
"Lexa?" I called her name but no one answered so I decided na pumunta sa living room and kitchen to check on her. Paglabas ko ng kwarto naabutan ko siyang papasok ng pinto. So umalis talaga siya.
"Oh my god, Clarke!" Nabigla niyang sabi pagpasok niya ng pinto at muntik na niya mabitawan ang dala dala niya. Umiwas agad siya ng tingin sa akin. "Clarke, please magdamit ka muna." Sabi niya habang nakatingin sa gilid. Iwas na iwas sakin.
"Bakit?" Tanong ko at bigla kong naalala, wala nga pala akong suot na damit! "Ay, sorry sorry! Wait lang." Pagmamadali ko at pumunta na sa kwarto para magbihis.
Akala mo walang nangyari kagabi eh. Ang inosente ng reaction niya. Cute!
××
Lexa's POV
I wake up earlier as I expected. Hindi ako sanay matulog sa ibang bahay unless I get used to it.
I looked at her beside me. Her bare back is facing me. She's sleeping soundly. Halata ang pagod sa paghinga niya, I guess it's work related but I also thought about what happened last night.
I smiled and blush. "Good morning," bulong ko sa likod niya at sabay yakap ko ng dahan dahan sa kanya. How comfortable this is. She never move, still asleep. We were like that for a few minutes until I decided to buy some breakfast before siya magising 'cause I can't really go back to sleep.
Coffee Shop.
I entered the coffee shop, dito ko naisipang bumili because first of all, this is her favorite. Second, this is the nearest from her house so mas mabilis akong makakabalik if ever magising siya. The aroma inside the shop makes me at peace and happy.
I walked to the counter para makapagorder na. Few people started to get inside. Some are noisy in the early morning, some are just casually enjoying their coffee.
"Here's your receipt, Ma'am, please wait over there. I will just call your number." Sambit ng cashier at umalis na ako sa harapan niya para pumunta sa waiting area nang biglang...
"Yes, I'm back! Tell her-" nabigla yung lalaki sa pangyayari maski ako dahil natapon sa akin yung hawak niyang kape.
Bakit kasi hindi tumitingin sa dinadaanan? Jusko, ang aga aga pa para mainis!
"Ouch! Ang init!" Pagrereklamo ko. Biglang napatingin ang iba sa pwesto namin.
"Oh shoot," napatigil siya sa pakikipag-uusap sa hawak niyang cellphone. "Wait, I'll call you later." Sabi niya sa kausap niya.
"I'm sorry miss, hindi ko sinasadya. Napaso ka ba? Bakit ka kasi nakaharang?" Tuloy tuloy niyang sabi sa akin. Nung una okay pa sa akin kaso nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya sa huli.
Bakit parang kasalanan ko?
"Huh? Anong sabi mo? Bakit ako pa sinisisi mo eh ikaw 'tong hindi nakatingin sa daanan?!" Medyo tumaas ang boses ko sa sobrang inis habang pinapagpagan ang damit kong natapunan.
"At saka, waiting area 'to bakit ka dito dadaan eh ang lawak lawak ng daanan sa gilid mo?" Pagdudugtong ko sa inis.
"Hello Ma'am, Sir. Ano pong nangyari?" Biglang may lumapit sa amin. Manager ata ng shop.
![](https://img.wattpad.com/cover/343057877-288-k54408.jpg)
BINABASA MO ANG
HATID (Clexa)
FanfictionClexa Fanfic Story! Clarke and Lexa, also known as Clexa in The 100 TV Series. "Para sa mga nagmamahal ng sobra sobra, pero ang nakuha ay tira tira... Huwag mo habulin, huwag mong pigilan, ihatid mo nalang." ×××××××××× • Main characters: Full name:...