Clarke's POV
Nagulat ako nung sinabe ni Lexa na kasama si Anya sa paglunch out namin. Bigla niyang binaba yung tawag kaya wala na akong magawa kundi huminga ng malalim.
Bakit nga ba ako nahinga ng malalim?
Bukod kasi sa alam kong hindi pa palagay ang loob sa akin ni Anya. Eh, may sasabihin sana akong importante sa babaeng napapalagayan ko na ng loob.
"Ang lalim ha?" Biglang singit ni Raven na ngayon ay nasa harapan ko na at nakatukod ang kamay nito sa kanang pisngi na tila ba'y pinag-aaralan ang mukha ko.
I just rolled my eyes at her. "Wala to."
"Ako pa lokohin mo, Clarke. Wag nga ako." Mahinahon na sabi nito sa akin. Tila alam na nito ang nasa isipan ko.
"Hindi mo pa rin ba nakocontanct si Bellamy?" Dagdag pa nito na ikinabuntong hininga ko ulit bago sumagot.
"Alis na ako, naghihintay na yung dalawa sa akin." Hindi ko sinagot ang tanong niya at tumayo na lang ako sa kinauupuan ko para umalis.
"Sinong dalawa, Clarke?"
"Hoy! Hindi mo man lang sinagot yung tanong ko!"
"Clarke! Sama ako!"
Bago ako makalabas ng office ay nginisian ko ito. "Huwag na. Hindi ka naman papansinin nang crush mo eh!" Pagngisi ko ulit sa kanya at sabay na tumakbo paalis dahil nakita ko itong balak pa akong habulin.
Pagsakay ko sa elevator ay dali dali ko itong sinarado at nakahinga na ako ng maluwag hanggang sa makarating sa ground floor at magtungo sa lobby na hindi nakikitang sumunod si Raven.
Umupo ako sa couch at naghintay ng kaunti. Habang naghihintay ay hindi ko pa rin maiwasan mag-isip about sa isang taong pinipigilan kong makita sa ngayon. Feeling ko hindi pa ako ready na makita siya, or takot lang akong malaman ang sasabihin niya, baka wala na talagang pag-asa sa amin.
Hay, bakit ko ba iniisip ang bagay na yon? Gayong nandiyan naman si Lexa para punan ang pagkukulang niya? Nakakaloka.
Ilang sandali pa na naghintay ako. Kinuha ko muna ang phone ko at agad na chineck ang mga ganap sa social media, particularly sa ex kong biglang bumalik.
Inopen ko ang dump account ko to check it. May mga ilang bagong posts ito and most of it ay sa coffee shop.
May nabasa pa ako sa isang caption niya.
Where are you now? Coz I'm thinking of you.
Bigla naman akong napa-isip. Sino naman kaya iyong iniisip niya? Tsk.
Teka! Ano ba itong ginagawa ko? Para naman akong affected?
"Clarke!" Bigla ko namang narinig ang pamilyar na boses na humahalina sa aking tenga. The way she speaks my name, nawala lahat ng iniisip ko at napalitan na lang iyon ng hinahon at saya.
Her smile after seeing me again is priceless. And oohh! I almost forgot her outfit. I swear everyone around us is drooling including me. Sexy as hell!
I absentmindedly put my phone back in my bag and grab her shoulder with me. Syempre para alam ng iba na, the girl beside me is mine.
Naramdaman ko naman ang matalim na tingin sa akin ng kasama nito.
"Hi, Anya." Binati ko ito at agad din naman itong sumagot pero in her cold response.
Hindi ko na ito binigyan ng pansin dahil wala naman akong magagawa kung ganoon na talaga siya. Kung hindi lang siya mahalaga kay Lexa eh baka tinarayan ko na rin ito.
BINABASA MO ANG
HATID (Clexa)
FanficClexa Fanfic Story! Clarke and Lexa, also known as Clexa in The 100 TV Series. "Para sa mga nagmamahal ng sobra sobra, pero ang nakuha ay tira tira... Huwag mo habulin, huwag mong pigilan, ihatid mo nalang." ×××××××××× • Main characters: Full name:...