Chapter 14

72 5 0
                                    

Lexa's POV


3 days had passed.


Same routine, gigising sa umaga para magwork then maglunch out kami ni Clarke and friends. Ewan ko ba hindi ko rin masolo si Clarke nitong mga nakaraang araw. Sige sama ang mga kaibigan namin sa amin. Pero hindi naman masama ang loob ko. Sa totoo lang masaya sila kasama. Nakakaenjoy at the same time nakakafrustrate din dahil same feeling pa rin ang nararamdaman ko kapag tumitingin ako kay Clarke. She's like having this wall in front of her. Hesitant to open up herself to me.



I don't know, pero minsan kapag kaming dalawa na lang ay biglang bubuka ang bibig nito at may sasabihin sa akin pero hindi natutuloy.


Sino hindi mapufrustrate sa ganon? I tried talking to her, asking how she is, what she wanted to say, if she's okay. But I always end up with the same answer.

'I'm fine, there's nothing to worry about.'

Dude, are you kidding me?

But then I remembered that I said to wait for her until she's ready.

I'm always here to understand her. Maybe it's a big deal for her.

So I'll wait even if it takes forever.

"Lexa!" Bigkas ni Anya sa pangalan ko sabay yugyog sa katawan ko.

Napatulala na naman pala ako kaka-overthink.

"Yeah, w-what?" I asked clueless.

Nandito pala kami sa Jollibee with Octavia, Lincoln and Anya. Kakain kami today for lunch. We're still waiting for Clarke and Raven to come here too.

"Order na Lex, tulala ka na naman dyan. Huwag mo muna isipin ang problema mo. Isipin mo muna ang kakainin mo ngayon." Singit ni Lincoln na nasa likod ko nakapila para umorder.

Tumingin ako sa kanya para ngitian siya ng maliit. Pansin ko naman ang reaction ni Octavia na nakatabi kay Lincoln, parang may gusto siyang sabihin pero ayaw niya banggitin. Nung nagtama ang mata namin, dali dali siyang tumingin sa menu ng Jollibee sa harapan.

"Ah, eh, Babe. P-parang want ko ng burger steak ngayon tas dagdagan mo na lang ng macaroni soup." Pag-iwas nito sa akin. "Wait ko na lang kayo sa table." At dali-daling umalis para maghanap ng pwesto naming anim.

Napa-iling si Lincoln pero isinawalang bahala na lang niya ito.

"Lex, ano na?" Biglang nagsalita ulit si Anya.

"Ay, sorry. Uhm, spicy chicken joy dalawa with fries and float na lang yung drinks. Para samin ni Clarke." Sambit ko kay Anya dahil siya na ang susunod na oorder. Sinabay ko na rin ang kay Clarke tutal same kami ng inoorder palagi.

Tinarayan naman ako ni Anya. Kakalbuhin ko kilay neto eh.

"Akin na pambayad mo." Sagot nito at nilahad ang kamay niya.

Binigay ko naman ito at tumabi sa gilid niya para mabawasan ang pila. Si Lincoln na ang kasunod nito.

Huminga ulit ako ng malalim out of nowhere.

"Tsk, ayokong nagkakaganyan ka, Lexa." Mahinahong sabi sa akin ni Anya.

"Good afternoon, welcome to Jollibee! What's your order, Ma'am?" Biglang nagsalita ang cashier sa harapan namin at tumugon naman si Anya dito. Buti na lang at sakto ang cashier, wala akong dahilan para ipaliwanag sa kanya kung bakit ako nag-ooverthink.

"Anya and Linc, una na ako sa table ha." Kalabit ko sa dalawa at umalis na.

Habang papunta sa table namin ay tinext ko si Clarke kung nasaan na ito.

HATID (Clexa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon