Entry#10: Single life

35 1 0
                                    

Dear diary,

Its my day off. Kung dati, ayos lang saakin lumabas mag-isa. Jamming myself kung baga..Pero ngayon, feeling ko may nag-iba.

Kung dati hindi ko napapansin ang mga couples sa tabi-tabi,ngayon marami mga lovebirds sa aking daanan. Masarap magsabok ng asin at sabay sigaw "Maghihiwalay rin kayo!"

Kapag kakain ako sa food chain, okay lang saakin kumain magisa basta masarap ang pagkain.Ngayon, I felt alone.

Kapag bibili ako ng groceries, feel na feel ko magbitbit kasi may laman naman ang refrigerator. Ngayon, nakakapagod pala magbitbit.

Ano kaya feeling kapag may BF?

Siguro masaya kapag may pupunta sa bahay at may kajamming ka lumabas.

Siguro nakakainlove kapag may kahawak ka na kamay habang lumalakad.

Siguro masaya kapag may kakwentohan ka habang kumakain sa favorite na food chain.

Siguro maganda may taga-bitbit ng mabibigat na pinamiling groceries.

Nasaan na kaya si Prince Charming?

Natraffic ka lang ba? Pwede pakibilisan ng drive.

O nandito ka na pala pero hindi mo lang ako mapansin.

Magiging Single forever na lang ba ako?Sana naman hindi!

Signing off,
=theNBSB

Diary ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon