Entry #29 : Isang bucket nga!

10 0 0
                                    

Year 2018

Dear diary,

Its been 1 year hindi ako nagupdate. Ngayon ulit lang ako magtatype sa aking cellphone. Hindi ko akalain, magsusulat ulit ako dito.

Well ano nga ba nangyari saakin sa loob ng isang taon?

Una. Single pa rin ako. Yeah right.. Sad to say im still singular till now. Hindi lamang naging plural.

Pangalawa. Manhid na ako sa tanong na bakit single ka pa rin? Nakakamanhid rin pala yan and happily tumatagal, hindi na nila ako ako tinanong yan. Napagod na rin yata sila. Hindi na sila nagtatanong kung bakit ako single..iba na ang tanong nila. .

Kelan ka mag-aasawa?

Sh** noh?!wala naman pinagkaiba sa dating tanong. Naglevel up lang siya.

Hay! Kelan daw ba ako magaasawa?
Kung sinagot ko daw yong guy nagtangkang manligaw saakin, sana daw ikakasal na ako. Ikakasal na kasi yung guy ngaun taon. Im happy for him. Isipin mo, kung pinayagan ko yung guy, sa ngaun hindi pa siya kasal at hindi niya makita ang para talaga sa kanya..

Pangatlo. Sanay na ako sa green. Minsan may point nagiging green ang mga comment nila.. Wag ko daw hayaan malanta at dapat ipadilig ko na daw.. Marami pa yan na green.. Grabe sila. Hindi ko nga pinapakialam ang S-life nila.. And Im proud na ganito pa rin ako.

Pang-apat. Pati parents ko, nagtatanong na sa status ng buhay ko. Kung may plano ba daw ako magAsawa? Ang sagot ko diyan.. Syempre,sadyang mahina lang ang mga lalaki nagtangkang nagligaw saakin..

sabi kasi nila mahirap daw ako suyuin. Mali lang sila paraan kung paano ako i-approach. Im admit, im hardest to love. mahirap suyuin ang isang babae who used to be single for too long. . Isang single na kaya maging independent at self sufficient, it takes extraordinary to convince me kung bakit kailan maging part ng buhay ko.
Kung kaya niya ipakita saakin, well I might considered to accept him.

Pero sadya lang talaga mahirap para sa kanya ipakita saakin ang gusto ko makita o nais.

Hindi sa nilalahat ko ang boys ah. May mga boys kasi may

plan a and plan b.

May subject 1 and subject 2.

May option 1 and option 2. .

Minsan nga lagpas pa sa number 2..

Magpapakita sayo ng interest. Maging sweet sayo. And ikaw naman si assumera, akala mo kaw lang. Hindi mo alam, meron pa palang subject 2..and since, new ka and no knowing sa mga bagay na ito compared sa subject 2, sinubukan mo. Tigtry ko paunti-unti gibain ang walls na pumipigil saakin. Eh sadya ako mabagal at na-inip na. He choose the other option. The other subject. The other plan..

Isang bucket nga..

Bakit ganyan kayo kapag nakita nyo mahirap, nag-give up na? Bakit kailangan magbigay ng interest kung sa huli mawawala at lilipat rin? Bakit kailangan isabay?Hindi ba pwde, isa muna? Bakit ganito dapat ang paraan para sa pagpasok sa isang relasyon?

Ito pala ang feeling. Ang saklap. Kung kailan ready na ako. Kung kailan naka move on na ako. Kung kailan nakalimutan ko na ang past. Karma yata ito. Ganito yata ang feeling sa mga nabasted ko..

Akala ko ang paging friendzone lang ang masakit. Masakit rin pala hindi ka pinursue.

Ano ba dapat ko gawin? Kailangan ko ba magadjust? Kailangan ko ba maging mabilis? Kailangan ko ba maglandi?Ano ba kailangan ko para ako naman?

Isang bucket na muna para sa sawing single. . .

Diary ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon