Entry#20 : 143

15 1 0
                                    

Dear Diary,

Hindi ko maalis ang ngiti sa aking labi tuwing naalala ko ang nangyari kanina.

Naginterbranch kasi saamin ang ibang branch ng motor. Ako ang nagprocess ng documents sa paginterbranch. Siya naman ang nagprepare ng motor since siya lang available na M.A..Ang iba kasi nasa labas. Since ako ang nagtransact ng motor,sinabi niya saakin ang number..As I transact,hinanap ko yung sinabi nya na number kaso wala..Chassis number pala binigay saakin..I need an engine number kaso nailagay niya na yung motor sa jeep. So tinignan niya ulit ang motor kung ano ang engine number. .

Nakaharap ako sa computer habang hinihintay ang engine number. Maya-maya may narinig ako..

"J, 143"

Lumingon ako sa kanya. .143?
Tama ba narinig ko..Ayy!tigkilig ako.. Crush ko kasi siya.

Naalala ko tuloy noong nagapply pa lang siya sa amin sa branch. Sa unang tingin ko sa kanya,sinabi ko sa sarili ko para siyang totoy (magkaedad lang pala kami. Looks can be deceiving nga naman) and he is cute. Singkit siya at may dimple pa. Isang araw, ngumiti siya saakin,. And BOOm!I like him.. Weakness ko kasi ang killer smile.

Nalaman sa branch na crush ko siya kaya panay tukso sa amin..Sabi nila, bagay daw kami kasi parehas kami singkit. Pagnagkaanak kami,guhit na lang ang mata ng aming magiging anak..Hahaha..ang corny lang ang joke nila noh..

Nakikisabay na lang ako tuwing tigtukso kami at siya ngiti-ngiti nalang..Gusto ko nga sabihin sakanya na tumigil siya sa ngiting-ngiti niya dahil dyan nagkagusto ako sakanya...Hanggang crush lang naman.. kasi may girlfriend na siya. Ayaw ko mafall kasi alam ko talo ako. Oh well,back to the kwento..

So ayun,tinignan ko siya.
"143?" Inulit ko ang sinabi niya. Baka mali lang ang pagkarinig ko. Gusto ko nga dagdagan ng isang number 2..hehehe..

"143.. ang last engine number"

Binalik ko ang aking mata sa computer. Syet!pahiya ako dun. Engine number lang pala iyon. Naman oh! Sa dami ng number,yun pa talaga oh!

Tss..Kailan kaya mawala ang pagkakaCrush ko sakanya. Ilang years na?Hindi pa rin nawawala ang pagkagusto ko sakanya.

Love,
=angASSumerangNBSB

P.S

Nagtataka nga ako kung bakit hindi kami close o nakikipagkwentohan lamang. Lahat kasi na babae dun nakakausap niya at nakikipagkwentohan. Pero bakit saakin hindi?Naawkward ba siya saakin dahil alam niya crush ko siya? Oh well,hope we can be friends...SYET talaga,tigkilig parin ako sa nagyari kanina..

Diary ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon