Entry #1: Crush

142 3 1
                                    

Noong bata pa ako, mahilig ako sa fairytale. Alam mo iyon,may darating na prinsipe at ililigtas ka sa evil witch and they live happily ever after but...

Happily ever after doesnt exist. How can happily ever after exist if there is no prince will come. Yan ang buhay ko. Since birth,no boyfriend at all.

MaGraduate na lamang ako sa college,wala lamang ako naging boyfriend.bakit kaya ganun?maganda naman ako sabi ng magulang ko. Mabait at maunawain naman ako. Bakit?wala pa rin dumadating na lalaki sa buhay ko. May dumating man na lalaki sa buhay ko pero naging part lang sila ng story ko. Kung story lang pag-uusapan, naranasan ko na yata ang lahat na sad ending love story. Simula tayo how i meet my first love. Ang naudlot na love story.

Boy meets girl. Yan naman lagi simula ng lahat na story.Grade four yata ako nun na may boy ako na meet.Siya ang first prince sa lovestory ko. Tawagin natin siyang sa pangalang "Crush". Bakit crush?Kasi crush niya raw ako...

Tinutukso kami ng mga classmate namin kasi may gusto saakin si crush. Sa loob ng classroom, lagi kami tig-pair kasi kami daw ang loveteam sa classroom. Madalas ko pa siya ka seat mate kc hindi nagkakalayo ang simulang letra ng apelyido namin. Kaya lagi kami partner at group mate sa lahat ng activity. Kung may role play, siya ang tatay at ako ang nanay. Kapag classroom election, ako ang na-vote bilang muse at siya ang escort. O di kaya, siya ang president at ako ang vice president. Ang lakas ng trip saamin ng mga classmate namin. Kahit teacher namin nakikisabay sa mga kaklase ko.

Isang araw gusto niya manligaw. Sinabi niya yun sa harap ng classmate namin. Syempre hiyawan naman sila. Ayon nagsimula siyang manligaw. Eh ang inosenteng ako, walang alam-alam dyan. Kaya sinabi ko na tumigil siya kasi gusto ko friends lang kami.

Tumatagal ang pagiging classmate namin hanggang malapit na kami magraduate sa elementary. Sa loob ng taon na iyon, patuloy pa rin ang tukso ng classmate namin hanggang nagugustohan ko na rin siya. The more I denied,the more I like him.Kaso, marami rin nagbago sa loob ng taon na iyon.

Naka move-on na siya. Tumigil na rin siya sa mga ginagawa niya pagsuyo saakin. Tuwing tinutukso kami, wala na siya reaction habang ako,tigkilig. Bumaliktad ang situation namin. Naranasan ko kung pano madeadma ang iyong feelings sa taong gusto mo.

Kapag naiisip ko yong sinabi ko sa kanya noon, gusto kong sampalin ang sarili ko. Pero wala na ako magawa. Kung totoo sana ang time travel, hay!

Kung hindi lamang ako inosente deti eh sana naranasan ko magkaboyfriend. Hindi sana big issue ang NBSB ko.

Ngayon, nakikita ko pa rin si CRUSH. Ang minsan nagkaCrush saakin na naging Crush ko rin.. Not meant to be yata kami ni Crush. Isipin mo yon,elementary hanggang college, magkaCampus o Schoolmate pa yan,wala..Sa liit ng mundo namin walang nangyari...

Bakit kaya? Bakit ko pa siya nakilala?bakit nagkaCrush pa siya sa akin kung i-unCrush niya naman ako kung kailan nagustohan ko na rin siya?bakit ang liit ng mundo namin?Bakit walang happy ever lasting ang nabuo? maraming bakit gusto ko malaman..then...

When questions seemed endless,it suddenly became clear. He came not to love me but to teach me how to love.Then he walked away without any idea how much I've learned and much it hurts..

Signing off,

theNBSB

Diary ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon