PROLOGUE

336 12 4
                                    

"I'm sorry. Hindi po talaga kita kilala."

"Really, huh?"

Napababa ang tingin ko sa braso ko na hawak niya. Napangiwi ako sa higpit niyon. He's hurting me. Kanina pa niya sinasabi na magkakilala kami— na dapat kilala ko siya. Pero hindi ko nga siya kilala, o naaalala. Bakit ba ang kulit niya?

"Sir, pakibitiwan po ako kundi tatawag ako ng bouncer."

"Sir?" He scoffed. Minata niya ako. Para akong nanliit sa suot kong t-shirt at faded jeans.

Wala naman kasi dapat ako rito. Pero si Cecilia, iyong kaibigan ko sa University nagkasakit. Kailangan niya ng kapalit sa banda kaya ako ang pinasok niya. Kailangan ko rin naman ng extra income para sa tuition next sem kaya pinatos ko na.

"You seriously don't know me?"

Sinuyod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Naka-hawaiian polo siya, nakabukas ang tatlong butones kaya aninag ko ang matigas at malapad niyang dibdib. I've seen smoking hot men in tv pati sa University, pwede kong mahilera ang isang 'to baka nga manguna pa siya. Ang kayumanggi niyang balat ay nababagay lang sa kadiliman ng kanyang mga mata.

Everything about this man is perfect. Kaya lang hindi ko talaga siya kilala.

"Liliana Gabriella," banggit niya sa buo kong pangalan dahilan para mangilabot ako.


"Sir, hindi talaga kita kilala..." Malakas kong hinila ang braso palayo sa kanya— nataranta na sa isiping baka stalker siya o ano. Maraming ganoon sa panahon ngayon at ayaw kong magaya sa ibang babae na bigla nalang nawawala at nagtagpuan patay na.

Mabilis ko siyang tinalikuran at halos liparin ko ang distansya ng dalampasigan kung saan kami pabalik ng bistro kung saan ako kumanta kanina bago niya ako hilahin para lang sabihin na bakit bigla akong nawala.

"Gusto mo talaga na ako ang naghahabol, ano? You're fucking enjoying my chase! You want me to be your fucking dog again!"

Mas binilisan ko ang lakad nang maramdaman ko ang pagsunod niya. He's delusional. Kung ano-anong pinagsasabi niya. Napamura ako nang matapilok ako at muntik nang mapasubsob kung hindi nagawang mayakap ako ng mainit na braso mula sa likuran.

"Tangina, Tuazon," gigil niyang mura. "Takbohan mo pa ako nang mapahamak ka."

Nagpumiglas ako pero walang kahirap-hirap niya akong naayos sa pagtayo habang yakap pa rin mula sa likuran.

He's a creep! I don't know him and here he is... Sending me familiar warmth.

"Hindi nga kita kilala! Bitiwan mo ako!" nilakas ko ang boses ko sa pag-asang baka may makarinig. Pero niloloko ko lang ang sarili ko, sa ingay ng party sa bistro kahit butiki hindi ako maririnig.


"Stop fucking pretending! Ginagalit mo lang ako lalo!"

"I am not pretending! Bakit ko naman gagawin 'yon kung kilala talaga kita?" kinurot ko na ang braso niya pero parang wala lang iyon. Napatili ako nang bumaliktad ako bigla at nakasampa na sa balikat niya.

"Tulong! Tulong! Please!" panay ang sigaw ko sa paghingi ng saklolo at ganoon din ang pagmumura niya. Pinagsisipa ko siya pero sinasalag niya lang iyon ng isa niyang kamay.

"Sige saktan mo pa ako! It's fucking nothing, Liliana! Wala lang 'yang ginagawa mo!"

"Ibaba mo nga ako! Hindi kita kilala!"

"Putangina! Huwag mo akong idaan sa ugali mong 'yan! Basang-basa na kita!"

"You're crazy!" Nagpumiglas ako lalo pero nauwi sa tili nang ang kamay niyang nakasuporta sa likuran ng hita ko ay napunta sa pang-upo ko. "Manyakis!"

"Hinawakan ko lang. Wala pa 'yan sa mga nagawa natin!"

Halos kumawala ang puso ko mula sa dibdib ko nang marinig ko ang pagtunog ng kotse. He's abducting me! Kidnapping — hindi! Rape! Manyakis siya! Rape ang gagawin niya!

"Please! Please! No! No! Hindi ako magsusumbong! Pakawalan mo ako!" Nagwala lalo ako nang itapon niya ako papasok sa kotse at itali ang seatbelt sa katawan ko. Para siyang bingi na sinara ang pinto at tumakbo paikot sa driver's seat.


"Ano bang kailangan mo? Hindi nga kita kilala! Pakawalan mo ako! Wala akong pagsasabihan. Pakawalan mo lang ako."

Kung libre lang ang mga kamay ko ay pinaghahampas ko na siya pero taling-tali ako sa kinauupuan ko. Masama niya akong pinukol ng tingin.

"Tigilan mo na 'to—

"Ikaw ang tumigil!" singhal niya. "Years and you still act like a fucking spoiled brat! Seriously? Pretend that you don't know me, just to get away with what you did? Tangina!" 

Natahimik ako saglit. Kinapa ang damdamin sa kung bakit sa halip na matakot ay bigla akong namangha. Parang may pamilyar na bagay sa isip ko na nagsasabing isang bagay lang ang gagawin para kalmahin siya.


"Kailangan ko ng putanginang sagot! Huwag mo akong paandaran na hindi mo ako kilala dahil putangina ipapaalala ko sa 'yo kung anong pinaggagawa nating dalawa kapag hindi ka tumigil."

"P-pero..." Nanginig ang boses ko. "Hindi naman talaga kita kilala..." ngayo'y malamyos ko ng sabi.

"Goddamnit! Paasa ka na nga nagsinungaling ka naman ngayon?"

"H-hindi n-nga—

"Aren't you Liliana Gabriella Tuazon?"

"Oo ako nga pero—

"Then you're the woman I'm searching for."

"Eh hindi nga kita kilala.."

Sinamaan niya ako ng tingin dahilan para mapayuko ako ng bahagya at mapanguso. Dapat ba kilala ko siya? I was involved in an accident. I had a fuzzy memory. But I regain my memory at wala naman siya roon. I don't know him!

"Fuck it. Stop pouting. Hindi na oobra sa akin 'yan. Hindi mo na ako mapapasunod diyan."

"Hindi naman kita sinusubukang pasundin sa akin. Gusto ko lang umuwi."

"Hindi ka uuwi. Mag-uusap tayo."

"Pero kasi—" natigilan ako nang hindi ko makapa kung ano ang pangalan niya. Lalo akong napayuko. "I don't even know your name."

Bumagsak ang ulo niya sa backseat— napatingala habang nakapikit. Napaawang ang labi ko sa maalon niyang pilik-mata at matangos na ilong. His adam's apple move due to his excessive swallowing. Napasinghap ako nang magmulat siya ay dumako kaagad sa akin ang madilim niyang titig.

"I will play your game. But this time I want a fair play. Hindi na kita pagbibigyan..." Inabot niya ang panga ko. Napigil ang paghinga ko nang ilapit niya ang mukha sa akin. Kaagad akong napapikit sa pag-aakalang hahalikan niya ako pero hindi dumating— bahagya niya lang na pinasadahan ng kanyang ilong ang labi ko.

"Damn you, Princess. It's me, Hesper Timothy."

Sweet Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon