2

93 4 1
                                    

Makulit talaga ako. I will never learn how to stop with my feelings towards Hesper kahit ilang beses na niyang sinabi na hindi pwede. Kahit wala ng pasok ay maaga akong nagising. Ilang minuto na akong nakaabang sa labas ng gate namin. Araw-araw tumatakbo si Hesper at gusto kong sumabay sa kanya ngayon.

When I saw him jogging near I almost jump in happiness. Kumaway ako sa kanya, kaagad siyang napailing.

"Sasabay ako."

He slow down but didn't stop. Mabilis niya akong hinagod ng tingin. I am wearing a pink tank top and black under armor split short.

"Stay here. Magpasama ka sa yaya mo maglakad-lakad tsaka kumain ka nga ng marami. Ang payat mo," sabi niya lang at mabilis na tumakbo ulit.

I can try running after him but it's impossible. He has long legs and fast. Bagsak ang balikat ko na pumasok nalang pabalik sa bahay.

What will I gonna do now? Bumalik nalang ako sa kwarto. Naligo at nag-ayos. I set up my camera and laptop sa carpet. Kinuha ko ang gitara sa closet tsaka ako umupo na pasandal sa paanan ng higaan ko.

I started the camera and strum my guitar. I love making song covers pero hindi ko naman 'yon nilalagay sa internet. Mom won't allow me. She wants me to keep my life private because eventually I will run our company.

Combat, I'm ready for combat
I say I don't want that, but what if I do?

I shut my eyes and feel the lyrics. I really love doing the acoustic version of the songs of my favorite artist. I like putting my own flavor to it

Cause cruelty wins in the movies
I've got a hundred thrown-out speeches I almost said to you

After three songs I started editing it. I compile it with the other songs I did before. Napalabas ako sa balcony nang matapos na ako. The sun is already high up. Napatingin ako sa wristwatch. I need to take a bath now— may laro ng archery ngayon si Hesper. His girlfriend will surely be there, manunuod lang ako. They don't have to see me.

"Ate maganda ba?"

Umikot ako ng dalawang beses sa harap ni Ate para ipakita sa kanya ang kabuohan ng yellow dress ko. I have no plans of showing myself to Hesper but if we happen to see each other I want to impress him. Inayos ko ang suot na headband pati ang white prada sling bag ko habang tinitignan ako ni Ate.

"Maganda. May pupuntahan ka?"

"Opo. Manunuod ako ng tournament ni Hesper."

Ate knew about Hesper. She knew more than what my parents know about me. I am comfortable sharing everything with her. Siguro dahil siya naman ang nagpalaki sa akin. Ate Emma is only 18 when she work with my family, she was hired to be my nanny. She had few boyfriends but she didn't able to marry. She's my first friend in my life, too.

"Sige. Magbibihis lang ako."

"Ate, hindi naman kailangan sumama ka pa. I can handle myself."

"Sus, huwag nga ako. Mamaya maligaw-ligaw ka pa doon."

"Kasama ko naman si Kuya Pete."

She smile widely. "Edi mas lalo akong dapat sumama. Para date na rin namin," sabi niya sabay hagikhik. Kuya Pete is my new driver. Wala na kasi si Manong Pedro iyong Papa ni Kuya Pete. Siya na ang pumalit at may pagkakaintindihan na sila kaagad ni Ate Emma.

"Fine. Pero iwan niyo lang ako sa range, ha. Tapos you go on a date. I'll just text you guys if the competition is done na."

It's a bad news if Hesper sees me with my nanny and driver. Mas iisipin niyang bata ako, na I can't handle myself alone. Kaya ko naman. Mabilis lang ako maligaw sa mga hindi ko kabisado na lugar. That's a valid excuse naman.

Sweet Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon