I still don't wanna go home but Hesper needs to drive back to Batangas. Tsaka bawal rin akong lumagpas sa curfew na bigay ni mommy kasi madadamay si Ate Emma at Kuya Pete sa mapapagalitan.
Hinatid ako ni Hesper hanggang sa kung saan nakapark ang sasakyan. He opens the backseat for me. Kahit nakasakay na ako hindi pa niya sinara ang pinto. Tinapunan niya ng mabilis na tingin ang dalawa na nasa harap na naglalambingan bago ako.
"I'll text you kapag nasa Batangas na ako. Magpahinga ka ng maaga. Bukas na ako tatawag."
"I can wait—
"Alam ko pero kailangan mong matulog ng maaga."
"But I want to talk to you."
"May bukas pa..." he wet his lips— gazing to the front seat and back to me again. "Sige na."
Isasara na niya sana ang pinto nang pigilan ko ang kamay niya. I scoot closer to him— I felt him stiffened when I kiss him on the cheeks. "Good night. Drive safe."
Hindi siya nagsalita, tumango lang at sinara ang pinto. Nagmaneho na rin kaagad si Kuya Pete. Napangiti ako ng alalahanin ang araw kasama si Hesper— mabilis lang naman kaming magkasama, wala rin kaming ginawa kundi maupo at mag-usap. But I enjoy the day like it thrilled me so much.
I snap back to reality when Hesper's phone beep inside my bag. Magkapalit pa rin kami ng phone, kasi sabi niya kanina we'll only exchange phones back if we're already official. It's like part of our getting to know each other stage— iyong pinapakialaman ang privacy ng isa't isa. So weird of him. Kasi mostly na boys na alam ko ayaw na pinapakialaman ang phone nila.
Uminit ang pisngi ko sa registered name ng number ko sa phone niya.
Princess 💗
Siya naglagay niyan kanina. Pinalitan niya ang nilagay ko kagabi na pangalan ko lang talaga.
Princess 💗:
Iyong sinasabi mong kaibigan lang. May message rito. Inaantay ka raw sa bahay niyo. Pauwiin mo na kaagad. Sabihan mong kailangan mong matulog ng maaga.
I giggle. He sounds like a possessive boyfriend. Maybe he likes me, ayaw niya lang aminin.
Me:
Okay. Take care. Text me when you're home. I miss you already.
Princess 💗:
Pagod na ako. Hindi ko na kayang umuwi ng Batangas. Nakasunod ako sa likuran niyo. Sa Village ako matutulog.
Nilingon ko ang likuran at nakita ko ngang nakasunod ang sasakyan niya. I got alarmed.
Me:
You're texting while driving? Focus.
Princess 💗:
Alrighty, Princess. Sleep early. Jogging tayo bukas ng umaga.
Napairap ako sa reply niya. He's flirting back, huh. Sabihin niyang hindi niya ako gusto— kasi nagsisinungaling siya. Hindi na ako nagreply para hindi na rin siya magtext.
Mauna naming madaanan ang bahay nila pero sumunod pa siya at hinatid talaga kami— nang makapasok sa gate ang kotse ay dumeretso rin siya para umuwi na.
Like what Hesper said, nasa bahay nga si Dash. Masaya silang nag-uusap ni mommy sa living area. Nang makita nila ako ay sabay pa silang napatayo. Binigay ko kay Ate Emma ang mga hawak ko at sinabing iakyat niya sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Sweet Lost Love
RomanceHesper Timothy loathe Liliana Gabriella for leaving him without notice- for disappearing when he's already fallen inlove so deep. Gusto niyang makitang muli ang babae, hindi para mahalin ulit kundi balikan ito sa lahat ng sakit na binigay sa kanya...