"Walang mapupuntahan kahit anong pagpapanggap mo, Liliana..." Sa muli ay sinubukan kong hawakan ang mukha niya pero gaya kanina ay iniwas niya ulit na parang nandidiri siya sa kamay ko.
Sinubukan kong maging marahas, natakot ko siya. Sinubukan kong sakyan ang takot niya, mas matapang pa siya at pinagbantaan ako. Ngayon.... pagmamakaawa. Pero wala. Pinapanindigan niya ang kasinungalingan niya.
"Kung ayaw mo na sa akin sana sinabi mo nalang..."
"Paano ko sasabihin hindi nga kita kilala."
"Lil, tama na please..." Bumalik sa akin lahat. Tangina. Kahit anong tago ko, nasasaktan pa rin ako sa ginawa niya. Lahat ng galit ko tunaw na. Nag-umapaw ulit ang sakit kung paano ako naging tanga— kung paano ako naghintay na kusa siyang babalik.
"K—kung ayaw mo sa akin, hahayan kita..." Pumikit ako ng mariin. Alam kong ngayong nakita ko na siya hindi ko kayang hayaan siya ulit na mawala. Handa na naman akong magmakaawa, sumunod-sunod sa lahat ng pakiusap at utos niya.
Ano bang ginawa niya sa akin at ganito ako ka tanga sa kanya?
Wala naman akong interes sa kanya noon, ah? Siya naman iyong baliw na baliw sa akin.
Paano nahantong sa ganito? Paano bumaliktad ang sitwasyon?
"Paliwanag lang, Liliana. Bakit mo ako iniwan ng ganoon nalang? Minahal kita ng tama. Binigay ko lahat ng makakaya ko...."
Kumislap ang mga mata niya— hindi ko matukoy kung nahabag ba siya o pagtataka ang mayroon sa isip niya.
"Ipaliwanag mo naman sa akin bakit mo ako iniwan ng ganoon? Kaya ko namang ayusin. Kaya kong lunokin ang pride ko. Kaya kong magpakababa. Kahit gusto akong pahirapan ng mommy mo—
"Huwag mong idamay ang mommy ko!" Ang kaninang kinang ng pagtataka sa mga mata niya ay napalitan ng galit. Kahit na hindi niya maalis ang kamay sa pagkakatali ko sa kanya ng seatbelt ay ramdam ko na kaya niya akong sampalin.
"Hindi ko siya dinadamay. Sinasabi ko lang—" natigilan ako nang tumunog ang cellphone sa bulsa ko. Kinuha ko iyon para patayin— there's no more important thing that us right now.
"Wala na akong sasabihin sa nakaraan. Gusto ko lang makarinig ng—" Tumunog ulit ang cellphone, dahilan para matigilan uli ako. Pinatay ko lang ulit ang tawag.
"Liliana— tangina!" Ano bang kailangan neto? Napahilamos ako ng mukha. "Sasagotin ko lang," pinakita ko sa kanya ang cellphone tsaka na ako lumabas. I can't answer it inside the car, kilala ko pa rin ang ugali niya— sisigaw siya at magwawala makuha lang gusto niya. And the last person I want to hear her, and know she's with me is calling.
"May ginagawa ako. Anong kailangan mo?"
"Nakita raw si Liliana. Nagkita kayo?"
Napasandal ako sa kotse. I am with Liliana. But hearing it make it more real. "Hindi naman siya ang nakita..." I don't need to lie, but I still did.
"Buti naman..." Elle chuckled fakely. "Kailan balik mong manila? Kita naman tayo."
"May aasikasuhin pa ako rito..." Si Liliana. I still need answers. And if she's married I will try my best to end it. Meron na ako ng lahat ng gusto niya, kung kulang pa rin pagtatrabahuan ko pa.
"Uh. Punta nalang ako diyan. Samahan kita."
"Huwag na—
"No, hindi. Pupunta ako diyan. Bukas. Sue also invited me para sa Bachelorette party niya...."
BINABASA MO ANG
Sweet Lost Love
RomanceHesper Timothy loathe Liliana Gabriella for leaving him without notice- for disappearing when he's already fallen inlove so deep. Gusto niyang makitang muli ang babae, hindi para mahalin ulit kundi balikan ito sa lahat ng sakit na binigay sa kanya...