29

107 10 6
                                    

Tahimik akong nakasunod kay Liliana at kay Tavi na magkahawak ang kamay. After eating breakfast in a fast food of Tavi's choice, we went for a grocery shopping. Tatanggi pa sana si Liliana pero wala siyang nagawa nang si Tavi ang inaya ko. I can feel Liliana's hesitation with me—marami rin siyang tanong panigurado pero kapwa kami kumakalma dahil ayaw naming umiyak na naman ang kapatid niya at maging magulo na naman ang lahat.

"Tavi, only the important things. Mahal 'yan," sita niya sa kapatid matapos nitong kunin ang isang chocolate bar. Bagsak naman ang balikat ni Tavi na binalik iyon sa shelf.

"Tavi," tawag ko na dahilan para sabay silang mapalingon. "Get everything you want. Ako naman ang magbabayad."

I saw how Tavi's eyes shines with joy. God. I don’t understand. But I feel like I am in heaven—like every problem that I have is lifted from my shoulder. Masaya ako na kasama ko si Liliana ngayon, pero may kakaiba rin akong nararamdaman para kay Tavi, lalo kapag nakikita ko ang mga mata niyang tila puno ng pag-asa. Parang napupuno ang puso ko—na parang walang mali sa buhay ko.

"A—are you sure?" nanginginig pa ang labi niyang tanong.

"Tavi, hindi pwede," pagbabawal kaagad ni Liliana. "Please stop spoiling my sister. Hahanapin niya iyan mula sa akin sa susunod."

Napanguso ang bata. Dinampot ko ang isang box ng tsokolate habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ni Liliana, nilagay ko iyon sa cart namin. Dinagdagan ko pa hanggang sa pakiramdam ko ay sasakit na ang ngipin naming tatlo kapag naubos naming kainin.

"Wala akong pakialam kung hahanapin niya. Nandito na ako, Lil. Bibilhan ko kayo kung anong mga gusto niyo."

"Bakit mo ginagawa 'to?"

Tipid akong ngumiti. "Spoiling my girls."

Natawa ako ng kaonti nang irapan niya ako tsaka padabog nang hinila ang kapatid. Bakit ba kasi magtatanong pa? Hindi ba halata na gusto ko lang gawin? Kahit maging aso papayag ako basta sa tabi niya lang ako.

Nakipag-away pa siya sa akin nang magbabayad na pero mas mabilis akong maglabas ng ibabayad. Tsaka duda rin naman ako kung may ipambabayad ba siya, nakita ko ba naman na namutla siya nang makita ang lagpas sampung libong bill ng pinamili namin.

"What should I call you?"

Natigilan ako sa pag-aayos ng stocks sa cupboard nang magsalita si Tavi. Nakaupo siya sa mataas na upuan habang nakatingin sa akin na parang nababagot. Ang ate niya ay umakyat saglit sa taas.

"Kuya Hesper?" patanong na sagot ko.

"Do you like my sister?"

Ngiti lang ang sagot ko kahit na nagsusumigaw na sa utak ko na hindi lang pagkagusto ang nararamdaman ko sa ate niya. Baliw na pagmamahal ang meron ako. Tipong kahit pagmukhain akong tanga, nakangiti kong tatangpin ang kahihiyan.

"Are you rich?"

"Sakto lang."

"What do you mean?"

Nilagay ko na ang huling cereal boxes sa cupboard bago ituon lahat ng atensyon sa kanya. Nakamasid siya sa akin na parang inaantay pa rin ang sagot ko.

"Kaya kong suportahan ang ate mo tsaka ikaw. Kaya ko kayong pag-aralin sa magandang eskwelahan. Bilhin lahat ng kailangan at gusto niyo."

"What if we want a vacation abroad? You can afford it?"

"Yeah."

Naningkit ang mga mata niya. "How about a car?"

"Meron naman akong mga kotse, hindi na kailangang bumili. I will also drive wherever you two wants to go."

Sweet Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon