Binigay ko na lahat. Kaya ko pang pigain ang sarili ko para magbigay pa. Nagsisikap ako. Hindi ko naman kinakawawa ang sarili ko, talagang hindi ko nakikitang kailangan kong bilhan ang sarili ko ng kung ano-ano.
I don't only provide because that's my responsibility- I provide because I understand her needs and wants. I love Liliana, everything about her, even her whims.
Nang tinanggap ko na nahulog na ako sa kanya, tinanggap ko na rin ang kapalaran ko na mahihirapan ako sa kanya. Pero hindi ko naisip na masasaktan niya ako ng ganito.
Sa lahat ng pinaka ayaw ko ang ikumpara ako sa iba, ang gusto akong igaya sa iba. At sa dami ng tao na kilala niya sa lalaki pang gustong ipakasal ng nanay niya sa kanya? Alam manlang ba niya kung anong insecurity ang meron ako sa taong pinagkumparahan niya?
"Finally, you called. Akala ko naman gusto mo na talagang magsarili sa buhay..."
Napahinga ako ng malalim unang bungad pa lang ni ate sa pagsagot sa tawag ko. Wala akong sinasabi kung nasaan ako pero hindi ko naman talaga kailangang sabihin sa kanila- unang linggo pa lang namin ay nahanap na nila kaagad ako.
Uncle Iros found us. Kung paano niya nagawa ayaw ko ng alamin pa. Nagmakaawa lang ako sa kanila na kung wala silang maitutulong sa relasyon namin ni Liliana ay hayaan nalang nila kaming dalawa.
"Magugunaw na ba ang mundo at mukhang kinakain mo na ang pride mo?"
I tsked hearing Ate Talia's voice. I only need to talk to my sister pero mukhang buong angkan namin ang nakikinig sa kabilang linya. They're having a get together again.
"Hindi ko kailangan ng tulong-" klaro ko sa usapan. Hindi ko naman talaga kailangan ng tulong nila.
"You don't need help? What do you want then? Mangungumusta? Ito buhay pa naman ang nanay mo Hesper..." Si Mommy na rinig ko ang gigil para sa akin. She's bugging me everyday asking if I need money- I even blocked her number already. Ako lang naman nag-aya kay Lil na magtanan, ako lang dapat magpakahirap na manindigan.
"Mommy, huwag ngayon, pwede?" Napahinga ako ng malalim. I am heading to the bank. Pera lang naman problema ng spoiled brat kong mahal, ibibigay ko na.
"Ate, please. Magseryoso naman tayo," pakiusapan ko.
"Hindi mo kailangan ng tulong, anong kailangan mo?" Boses na naman ni ate. Mukhang nakuhang desperado na ako.
If I will ask for help I will call Uncle Iros. I know he'll help in a blink. Pero sila pipilitin nila akong umuwi at isauli si Liliana. Hindi pwede. Hangga't gusto niyang kasama ako walang babalik.
"Gusto kong bumili ng bahay. I can't buy one under my name. Too risky baka mahanap kami ng magulang ni Liliana."
"Tulong pa rin hinihingi mo, Hes," linaw niya.
"Tulong na kung tulong. Wala naman akong hihinging pera sa inyo. Ito lang talaga. Tsaka pwede bang ilipat ko lahat ng meron ako sa pangalan mo para libre makapagwithdraw kahit anong oras?"
Bata pa lang ako nagtatrabaho na ako. Laman na kasi ng isip ko na gusto kong ibigay lahat ng gusto ng magiging pamilya ko, ayaw kong umasa sa mabibigay ng mga magulang ko. Lahat ng baon ko iniipon ko, lahat ng napapanalunan ko sa tournament deretso sa ipon ko- kung gusto lang ni Liliana ng maginhawang buhay kaya kong ibigay 'yon ngayon sa kanya.
"Hes, I don't agree with this."
"Pero tutulong ka ba o hindi?"
Kilala ko ang kapatid ko, hindi niya ako kayang tiisin. At sa lahat siya lang ang hindi kayang kalabanin ni daddy. May sa harang pa naman 'yon, ewan ko sa takbo ng utak niya pero gustong-gusto niyang itigil ko na lahat ng ginagawa namin ni Liliana.
BINABASA MO ANG
Sweet Lost Love
RomanceHesper Timothy loathe Liliana Gabriella for leaving him without notice- for disappearing when he's already fallen inlove so deep. Gusto niyang makitang muli ang babae, hindi para mahalin ulit kundi balikan ito sa lahat ng sakit na binigay sa kanya...