55: Ninth Night of Hell - IX.III

13 0 0
                                    

IX.III

Hindi nagawang sundan nila Maru, Jetro at Hendrix ang daang tinahak ni Tyrel. Wala silang nagawa nang mawala ang mga ito sa kanilang paningin, even Jayda, they lost them.

Pero kahit gan'on, nagpatuloy sa paglalakad ang tatlo dahil hindi tumitigil ang mga zombies sa pagsunod sa kanila.

Muling nagpaulan ng bala si Hendrix sa direksyon ng mga ito.

"Ano nang gagawin natin?" Hendrix asked.

"We should spread out— No!" Kaagad na pag-kontra ni Jetro sa sarili saniyang sasabihin. "Hindi na tayo dapat maghiwa-hiwalay, sobrang delikado. We should not stop, atleast mag-continue tayo sa paglalakad. Baka maging fortunate tayong matunton ang daang tinahak nila."

Siya nilang ginawa ang sinabi ni Jetro.

Muling umabante ang tatlo sa paglalakad kahit wala silang kasiguraduhan ngayon kung saang direksyon sila dapat pumunta.

Walang katapusan ang mga zombies sa paligid, muling nagtuloy sa pagpatay sina Jetro, Maru, lalo na si Hendrix, sa lahat ng direksyon sa daang tinatahak nila.

"Just keep your eyes open. Hindi naman pwedeng wala tayong kahit makitang kahit anong bakas tungo sa daan nilang pinuntahan." Wika ni Jetro na hindi tumitigil sa paglibot ng tingin sa paligid sa kabila ng pagpatay ng mga zombies. "We need to find them bago pa mahuli ang lahat."

Sa kanilang paglalakad, inililibot ng tatlo ang tingin sa lahat ng direksyon. Kahit na maliit na bakas na tanda ng direksyong tinatahak ni Tyrel ay umaasa silang makakita.

Kahit pa abala sa paghahanap ng kahit anong makatutulong para muling makasunod, alisto pa rin anh tatlo sa mga zombies.

Hindi sila nabigo.

Matapos ang ilang minutong paglalakad, mula sa itaas ng isang puno, nakita nila ang isang nabali na sanga tanda na lumundag d'on si Tyrel.

"Mga kuya, iyon!" Sigaw na nakakitang si Maru.

Mabilis naman nilang tinakbo ang direksyon ng nabaling sanga. Mula roon ay muli nilang nilibot ng tingin ang paligid. Hindi doon tumigil ang clue nilang maaring sundan. Dahil hindi kalayuan, kitang kita ng tatlo ang mga ukit ng isang matulis na bagay sa pader ng isang bahay, sa katabing abandoned na sasakyan ay mayroon ding katulad ng ukit.

Mabilis na tinakbo ng tatlo ang mga ukit sa pader.

"I think it was made from Jayda's katana!" Bulalas ni Jetro matapos itong suriin. "Tara na!"

He's right. Dahil ang mga ukit sa mga bahay na 'yon ay iniwang tanda ni Jayda para masundan sila ng mga ito.

Ngayong alam na nila ang dapat sundan, naging madali na sa tatlo ang sundan ang direksyong tinahak ng mga sinusundan.

"Dito!"

Lumiko sila sa isang malaking puno at nagpatuloy.

Hindi na problema sa kanila ang direction na dapat sundan pero isa muling problema ang dumating sa mga players.

Masyadong nakatutok ang tatlo sa pagsunod sa mga tanda na iniwan ni Jayda. Hindi nila namalayan na nang minsang nagpaulan ng bala si Hendrix sa mga zombie na sumusunod sa kanila, biglang tumigil kalagitnaan ang putok ng kaniyang machine gun.

Ilang beses iyong nangyari.

Napansin lang ito ni Hendrix nang lumingon sa binabaril at masyado nang malapit ang mga zombies sa kanila.

Muling tinututok ni Hendrix sa mga zombies ang machine gun niya at nagpaulan ng bala. Wala namang mali dahil naging abo ang mga zombies na binaril niya.

Nine Nights of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon