15: Third Night of Hell - III.I

63 4 0
                                    

III.I

Lancer Aleister

Hindi na namin nagawang tumakbo ni Jetro pabalik ng bahay nang muling magsimula ang gabi. Dahil nga sira na ang mga dingding ng grocery kung nasaan kami kaya na-corner kami ng mga zombies sa iba't ibang direksyon nang balakin namin na tumakbo.

Now, we're stucked here. Sa likuran nang grocery habang nasa itaas ng nagi-isang stall ng mga condiments na natirang nakatayo. Sapat ang taas n'on para hindi kami maabot ng mga zombie.

"Bakit kasi kinalimutan mo 'yung arrows mo, Jetro!" Paninisi ko sa kaniya habang tuloy ang paghampas ko sa mga zombies na pilit akong inaabot at pilit na umaakyat kung nasaan kami. Dahil nga wala sa'kin ang weapon ko, I had to improvise. Gamit ko ngayon ang sapatos ko sa paghampas sa mga zombie.

I have no choice, ito lang ang weapon na magagamit ko. Pero effective naman. 'Di ko alam kung dahil sa amoy  o sa lakas ng hampas ko kaya umaalis 'yung mga zombie. Ano 'to, garlic sa plants vs zombies? Mabango paa ko, oy! Sapatusin ko kayo, e.

"Said the guy who forgot to bring his weapon too." Sagot ni Jetro. Dahil bigla nalang siyang nagi-english, hindi na ako ulit sumagot at baka ma-nosebleed pa ako, wala akong time.

Habang sapatos ko ang gamit kong  weapon, si Jetro naman ay 1.5 na coke na napulot niya kung saan.

"Bakit ayaw mong gamitin 'yung bow mo?" Tanong ko sa kaniya dahil kagaya namin ay nasa taas lang 'din ng stall ang pana niya at hindi niya ginagamit.

"Ayokong madumihan." Natawa nalang ako sa sagot niya.

Para kaming stripper na dalawa ni Jetro dito sa taas ng stall habang ang mga zombie  sa baba ay nagkaka-gulo para mahawakan at makain kami.

Matagal na kami sa gan'ong sitwasyon, nangawngawit na 'din ang kamay ko dahil sa paulit-ulit na paghampas sa zombies gamit ang sapatos ko.

"Alam kong gwapo ako 'no, pero 'di ko naman inakalang pati mga nakakadiring mga zombie pagkakaguluhan ako." Wika ko sa sarili habang patuloy ang pagsapatos sa kamay at mukha ng mga zombie. "Kung katawan ko lang ang habol nyo, na kung gumiling ay lumiliko, masusunod parin ang puso ko, ng puso na don romantico. Hindi niyo 'to matitikman!"

Dahil kanina pa ganito ang ginagawa namin ni Jetro para makaligtas, alam kong pagod na 'rin siya kagaya ko. Kaya nang matingin ako sa 'di kalayuan ay kaagad akong napangiti at nabuhayan habang nakatingin sa babaeng naglalakad papunta sa lugar kung nasaan kami.

"Jayda!" Malakas kong sigaw para makita niya kami. Napakunot naman ang noo ko nang makitang may kasama niya. Mas lalong napakunot ang noo ko nang makita ang ginagawa ng lalaki. Hindi ko malaman kung anong weapon ang gamit niya na pinanghahampas niya.

"Para kayong mga tanga diyan." Bungad sa'min ni Jayda.

Mabilis naman silang tumakbo para tulungan kami.  Walang tigil na tinabas ni Jayda ang mga ulo ng zombies na parang mga damo gamit ang katana niya nang makalapit sila sa gawi namin. Mabilis ang mga 'yon na naging abo.

"Umaalis kasi na hindi dala ang weapon." Aniya pa at umirap matapos mapatay ang lahat ng zombie kasama ng lalaking nakangisngis na hindi ko alam kung saan niya napulot.

"Thank you." Wika ni Jetro at bumaba na ng cabinet.

Bumaba na 'rin ako kagaya niya. "Thanks Jayda, our knight in.. uhh.." Wika ko, hindi malaman kung ano ang idudugtong sa sasabihin pero inirapan niya lang ako. "Our knight in bad mood." Tumatawa kong sabi. Hindi naman ako pinansin ni Jayda, umirap lang siya sa'kin kaya muli nalang akong natawa.

Nine Nights of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon