23: Fourth Night of Hell - IV.IV

58 6 0
                                    

IV.IV

Jetro Callihan

"Look at you, fighting with so much confidence." As I caress Naisha's hair, hindi ko mapigil ang sarili na mapangiti dahil sa kaniyang pagligtas sa akin.

I am proud of her. The first time we met in this place, mahina ang loob niya at hindi sanay lumaban pero ngayon, she gained the strenght to fight throughout those past four days. She is fighting for his life at sa pagkakataon na ito, siya pa ang nanguna sa aming dalawa ni Levi.

"I should be the one thanking you, Jetro. From the start, you help me and keep telling me to be strong, to fight for my life." She said, sincere ang bawat salitang binitawan niya.

Ang pag-ngiti nalamang ang nagawa ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. Diretso din siyang nakatingin sa akin nang maramdaman ko nalang ang sarili ko na bigyan siya ng halik sa pisngi. "Thank you for saving me, Naisha." Malaki akong ngumiti lalo pa nang napangiti 'din siya dahil sa ginawa ko.

Bumalik lang kami sa kasalukuyan nang marinig namin ang sigaw ni Levi.

"Jetro, Naisha!? What the hell taking you so long!? Help me over here!" Kapwa nakuha ang atensyon namin ng mga sigaw na 'yon ni Levi, nagkatingin pa kami ni Naisha nang maalalang we have one more giant zombie to take care of.

Nasa ilalim ng sirang counter ng bar si Levi at pilit na lumalayo sa giant zombie sa pamamagitan ng pag-atras dito. Sinusubukan niyang pabagalin ito sa pamamagitan ng pagbaril dito gamit ang sniper rifle niya. "Pakibilis lang kung hindi aagawan ko kayo ng upgrade sa isang 'to!"

"That giant zombie is yours to kill. Let's get an upgrade for your weapon." Wika ni Naisha kaya kaagad akong tumango. "Pero paano natin papatayin ang isang 'yan? Malakas 'yan kasi napatumba niya 'yung isang giant zombie na nakuhanan ko ng upgrade."

"Guys! Paano ba, baka iniwanan niyo na ako, huh! Jetro! Naisha!" Narinig pa naming sigaw ni Levi. Muli pa niyang pinaputukan sa balikat ang giant zombie dahilan para lalo itong magalit, hinampas ng malakas ang sira nang counter dahilan para mas lalong mapasigaw si Levi.

"Tanggalin muna natin ang atensyon ng zombie kay Levi." Wika ko, si Naisha naman ang tumango sa sinabi ko.

Kaagad akong kumuha ng arrow sa quiver ko na iilan nalamang ang laman. I really need an upgrade, maybe unlimited arrows. Mabilis namang pinaulanan ni Naisha ng bagong upgrade niyang handguns ang giant zombie kaya galit nitong nilingat ang atensyon sa amin. Malakas itong sumigaw. Mabilis itong kumuha ng lamesa at ibinalibag sa amin. Mabuti at naging alerto kami ni Naisha at nakaiwas d'on.

Muling kumuha ng nakakalat na lamesa ang giant zombie at muli dapat na ibabalibag sa amin ng paputukan ito ni Levi mula sa likod kaya nalingat itong muli sa kaniya at sa kaniya ibinalibag ang lamesa na gumawa ng malakas na ingay.

"Levi, are you okay!?" Sigaw ni Naisha na nakadapa sa lupa dahil sa pagtalon niya kanina para makaiwas sa lumilipad na lamesa.

"I think so, buhay pa naman." Mabilis na tumayo si Levi, napahawak pa siya sa braso niya at kahit malayo ay kitang-kita namin na mukhang hindi maganda ang pagkakabagsak niya dahil umaagos ang dugo niya mula sa kanang braso.

"Oh my God, you're bleeding!" Nagaalalang sigaw ni Naisha.

Mabilis naman akong kumuha ng arrow sa quiver ko at tinira ang giant zombie likod nito para muling malingat ang atensyon nito paalis kay Levi. Because of that, an idea pop out of my mind.

Nine Nights of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon