21: Fourth Night of Hell - IV.II

61 4 0
                                    

IV.II

Jayda Everett

Lahat ng mura na alam ko mula sa pinaka-mildest hanggang sa pinakamalutong na mura ay nabigkas ko na dahil sa sobrang takot. Tuloy-tuloy ang pag-angat ng garbage container kung nasaan kami dahil sa giant zombie sa labas na tinakbuhan namin na bumubuhat dito.

Takot na sa pag-angat namin sa ere, mas nadadagdagan pa ang takot ko dahil kila Lancer at Maru na mahinang nananalangin na magkahawak pa yata ang kamay. Pinangungunahan ito ni Lancer na kahit mamatay na kami ay puro kabugukan pa ang sinasabi. "... Ayoko pa pong mamatay, virgin pa po ako..." Dahil sa narinig at kahit takot na ako ay nagkaroon pa ako ng lakas ng loob para batukan siya dahil sa binanggit niyang panalangin.

Dahil sa sobrang inis, masama ko siyang tinignan kahit hindi niya nakikita dahil sobrang dilim sa loob nito kung nasaan kami. "Pwede ba, Lancer? Isantabi mo muna nga ang pagiging manyak mo!"  Pinilit kong hinaan ang boses ko pero sinigurado kong maririnig niya lahat ng gigil sa boses ko.

"Sorry, okay? Takot lang mamatay na hindi nagagamit ang 8 inches ko."

Muli nalang akong napamura nang dahil sa gigil. "Alam mo? Gago ka." Mapapamura ka nalang talaga ng malutong.

Napatigil naman kami ng kuhanin ni Maru ang pansin namin. "Ate, kuya, shhhhhh." Wika nito para patahimikin kami na siya namang ginawa namin. Ramdam kasi namin ang pagtigil ng pag-angat namin pero ramdam namin na tuluyan na ngang nakalutang sa ere ang garbage container kung nasaan kami. "Pakiramdaman niyo po, parang umaangat ang takip ng container." Wika ni Maru na halatang nagpa-panic na.

"Humanda ka'yong um-attack." Madiin kong wika at muling hinawakan ng mahigpit ang dalawang katana ko. "I-ready niyo weapon niyo," Pigil ang paghinga, hindi kami gumagawa ng ingay.

Hindi nagtagal, ramdam namin ang unti-unting pag-angat ng takip na metal ng container. Napatigil kami sa paghinga habang umaangat ito. "Walang gagalaw." Mahina kong wika sa kanila. Ang isa pang naging dahilan para mapigil namin ang paghinga ay ang dalawang malalaking mata na tila nakasilip sa loob ng container kung nasaan kami. Nang tuluyang mabuksan ng giant zombie ang container kung nasaan kami, hindi na namin magawang gumalaw dahil sa nakakadiring itsura ng zombie sa harap namin. Ngayon lang din namin nakita ng buo ang mga mata nitong  sobrang nakakadiri. Nakaluwa na ang isang mata nito at inuuod.

Hindi lang ako makagalaw dahil sa takot maging dahil sa sobrang pandidiri din. Hindi ko din alam kung anong nasa ulo ng walang utak na giant zombie na ito dahil hindi din ito gumagalaw, diretso lang na nakatapat ang nakakadiri nitong mga mata at parang sinusuri ang loob ng container. Lahat kami ay hindi gumagalaw. Nakikiramdam. Para kaming mga tangang nakatingin sa isa't isa na hindi kumukurap. Hindi tumutugtog ang kantang bad and boujee pero para kaming naka-mannequin challenge.

Pigil ang hininga ko habang nakatingin sa nakakadiring tanawin sa harap ko. Hindi ko magawang umiwas ng tingin, ni hindi ko magawang pumikit dahil sa oras na gawin ko 'yon ay baka bigla nalamang na itapon ng giant zombie ang container kung nasaan kami o 'di kaya'y bigla nalang kaming isubo at kainin ng buo.

"Ang pangit.. Nakakadiri. Masusuka ako.." Sobrang hina kong sabi na hindi binubuksan ang bibig. Alam kong narinig 'yon nila Lancer na katabi ko.

"Pigilan mo, huwag ngayon." Rinig kong wika ni Lancer na ginaya ang ginawa kong pagsasalita kanina. Mahina, hindi binubuksan ang bibig.

Nine Nights of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon