53: Ninth Night of Hell - IX.I

19 0 0
                                    

IX.I

HELLIX is now slowly burning with flames. A literal HELL.

Dahil sa sunod-sunod na pagbato ni Scott ng maraming molotov cocktails, kitang-kita na ang epekto nito na nagagawa sa paligid.

It burned down all the zombies na tatamaan ng impact nito, sa mga zombies na papasugod sa tatlo sa ibaba. Dahil din sa apoy na nagagawa nito sa paligid, nakakalikha ito ng separation upang hindi madumog sila Jayda, Lancer at Jetro ng mga ito.

Malaking tulong ang ginagawa ni Scott para sa kanila. Pero dahil din sa mga fire bombs, marami nang bahay, puno at mga bagay sa paligid ang tinutupok ng apoy. Kung kanila lang ay malakas na ulan ang bumuhos sa paligid, malalaking apoy na ang siyang lumalamon sa lugar sa mga oras na 'yon.

With Scott's help, nabawasan na ang dami ng mga zombies na sobrang lapit na sa kanila. At sa mga sumusugod pa sa kanila, nagagawa na ng tatlo na ma-neutralized ang mga ito. Tila takot din kasi ang mga zombies sa mga apoy sa paligid kaya nagagamit nila ito to strike the confused zombies.

Walang tigil ang tatlo sa paglaban, kung kailangan ay kumilos para makahanap ng mas maayos at ligtas na espasyo para sa kanila.

Even the giant zombies got affected dahil sa mga apoy, tila apektado rin ito sa lakas ng apoy na natutupok na mga puno at mga bahay. Natatakot.

Literal na impyerno na ang laro, dahil sa mga demonyong zombies at malalaking apoy na nakapalibot sa kanila.

Pinaramdam na sa kanila ng laro ang aspektong hell ng pangalan nito pero sa gabing 'yon, nanunuot na sa kanilang mga balat ang init ng impyernong kinalalagyan.

Pero hindi nila 'yon alintana.

They managed to be on the upperhand, they are focused on surviving, and they got the right flow sa pagpatay ng mga zombies at giant zombies sa paligid.

Not until bigla-biglang tumigil ang pagpukol ng molotov cocktails sa paligid. Sabay-sabay pang napalingon ang tatlo sa direksyon ni Scott nang mapansin ang pagtigil nito. Just to find out that he is gone. Wala na siya sa ikalawang palapag kung nasaan ito.

"Where the hell did he go?"

Sa kabila ng paglaho ni Scott at pagpukol nito ng mga fire bombs sa mga zombies sa paligid, nagpatuloy ang tatlo sa paglaban.

Nagawa nilang i-maintain ang kanilang momentum sa pagpatay ng mga zombies.

Pero hindi rin yon nagtagal.

Iba pa rin ang position nila kanina noong may back-up silang firebombs mula kay Scott.

"Jetro, sa likod mo!"

Dahil sa sigaw ni Jayda, naging maagap si Lancer as he killed the zombie na aatake sa likod ni Jetro na abala sa pag-aim sa giant zombie.

Ang flow ng kanilang paglaban ngayon is not as smooth as earlier.

Hindi na nila maiwasan ngayon ang mga pagkakataon na hindi na-agrabyado. Ramdam ni Jayda 'yon. "Focus! We just need to focus!"

Pero hindi sapat ang mag-focus lang.

Kulang ang depensya nilang tatlo sa napakaraming zombies na gusto silang tapusin. Kulang na kulang. 

"Ah! Fuck!" Mula sa kaniyang paa, mabilis na itinarak ni Jayda ang kaniyang katana sa zombie na gumagapang ang atake sa kanila.

Nagsunod-sunod na ang butas sa depensa ng tatlo.

Nine Nights of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon