02: First Night of Hell - I.I

287 12 3
                                    


I.I

Jetro Callihan

Lumipas ang mga sandali na walang nagsasalita sa'ming dalawa. Nanaig ang katahimikan sa pagitan namin, kapwa walang lakas ng loob para ibuka ang mga bibig namin dahil sa labis na takot sa nangyayari sa labas.

Nakayuko lang ang babae na nakaupo sa upuan habang hawak ang baso na iniabot ko sa kaniya. Ako naman ay nakatayo lang sa bandang gilid niya at nakasandal sa pader. Nakatingin lang ako sa kaniya kaya pansin ang gulat niya sa tuwing may kakalabog sa labas ng pinto ng bahay kung nasaan kami. Pansin ko 'din ang paggalaw ng natirang tubig sa baso na hawak niya dahil sa panginginig ng kamay niya.

Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko naman alam kung paano ko siya ico-comfort dahil pati ako naman ay sobra 'din na natatakot. Sobra 'din akong nababalisa.

"Uhh," Pilit akong naghahanap ng mga salita na pwedeng makatulong sa kaniya na kumalma pero walang lumalabas sa bibig ko.

Mas lalong tumindi ang katahimikan sa pagitan namin na dalawa kaya rinig na rinig namin ang bawat sigaw sa labas. Napapapikit nalang sa tuwing makakarinig ako ng malakas na palahaw sa labas. Sinubukan kong ikalma ang sarili ko. Wala naman kaming magagawa para tumulong sa kanila. Ni lakas ng loob nga na gumalaw ay wala kami.

Namalayan ko nalang na nakatitig ako sa gumagalaw na tubig sa baso na hawak ng babae na nakaupo sa gilid. Pilit kong itinutok ang atensyon ko dito para mawala sa isip ko ang nangyayari sa labas.

Pero mukhang hindi maari na pagtatago lang ang gawin mo sa larong 'to.

Nabulabog kaming dalawa sa loob ng bahay nang bigla nalang na may malalakas na katok kaming narinig sa pintuan.

"Tulong! May tao ba diyan!? Pagbuksan mo ako ng pinto!" Sigaw ng boses ng isang lalaki kasunod ng mas malakas pang mga kalabog sa pinto. Puno ng desperasyon ang mga malakakas na katok at sigaw niya.

Mabilis naman kaming nagkatinginan ng babae, nagtatanong ang mga mata namin sa isa't isa kung ano ang dapat naming gawin.

Hahakbang na sana ako patungo sa pinto pero kaagad akong napatigil nang ang mga sigaw ng lalaki sa labas ay naging malalakas na palahaw. Dahil d'on ay napasigaw 'din ang babae na kasama ko sa loob kasabay nang pagbagsak ng baso na hawak niya na nakagawa ng malakas na tunog.

Hindi ko alam ang gagawin ko, napatingin nalang ako sa kumalat na mga bubog ng sa baso sa sahig habang ang malakas na pagkatok ng lalaki sa labas ay napalitan na ng hikbi ng kasama ko.

Bumalik lang ako sa kasalukuyan nang muling kumalabog ang pinto aa harap namin. Mas malalakas ang kalabog nito at maraming mga kamay ang gumagawa n'on.

Nabahala na ako sa puntong 'yon at muling nabuhay ang takot ko. Hindi sila kumakatok, sinisira nila ang pinto.

Kaagad kong kinuha ang weapo kong bow at arrows na inilapag ko kanina noong tulungan ko sa siya. Mabilis kong isinukbit ang quiver ng arrow sa likod ko at kumuha ng isa doon bago ilagay sa bow na hawak ko, para maging handa.

"Ano 'yung weapon na napili mo?" Tanong ko sa babae kasabay ng malalakas na kalabog sa pinto. Bawat segundo ay humihigpit ang hawak ko sa weapon ko.

"H-Huh?" Walang ideya niyang tanong. Nanginginig na ang buong katawan niya dahil sa takot. Hindi pa siya gan'on kumakalma kaya't ang takot niya kanina ay nadagdagan pa.

Nine Nights of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon