19: Fourth Night of Hell - IV

53 3 0
                                    

IV. FOURTH NIGHT OF HELL

Lancer Aleister

After we ate earlier ay napagpasyahan namin na sulitin ang araw na ito para bawiin ang lakas namin at magpa-hinga lang maghapon.

Nagawa ko nang makatulog. Pero dahil sa panibagong maugong na tunog na naririnig ko, naputol ang ginagawa kong pahinga. Bumangon ako sa pagkakahiga at tinignan ang madilim na langit mula sa bintana.

"Fourth night starts now! Good luck, players!"

"Umugong ka nang umugong diyan tanga, magsalita ka nang magsalita. Hindi mo na kami matatakot." Bulong ko habang nakatingin sa bintana. Kasama ko kasi sa kwarto si Maru na mahimbing pang natutulog. Dahil siguro mas bata siya, mas napapagod siya at naaapektuhan sa sitwasyon kung nasaan kami.

Natawa pa ako ng  maalala na malakas lang akong pinagsaraduhan ni Jayda kanina noong biniro ko siya na tabi nalang kami sa kwarto. Mabuti at madaming kwarto sa bahay na 'to. Kami ni Maru sa isang kwarto, magkasama sina Jetro at Naisha at si Jayda naman mag-isa sa isa pang kwarto.

Nang makaramdam ng uhaw, maingat akong tumayo sa kama at naglakad para bumaba sa first floor para uminom ng tubig.

Didiretso na sana ako sa kusina pagkababa ko nang naabutan ko si Jayda na mukhang si Hendrix na nagpupunas ng weapon nito ang pinagbu-buntuan niya sama ng loob.

"Saan nga!? Bwisit naman 'tong lalaki na 'to." Walang pagti-timpi nitong turan.

Tulad ng natural na reaksyon ni Hendrix, humalakhak lamang ito. "Bakit ba?" Tumatawa pa nitong tanong wika kaya mas lalo nahalata ang galit sa mukha ni Jayda.

"Tatanong pa, tatanong pa! Basta sabihin nalang kung paano ka nakapag-upgrade ng sunod-sunod ng weapon mo!" Muling tili ni Jayda habang tatawa-tawa lang akong nanonood. Hindi nila ako napapansin kaya may free live sigawan drama ako.

"Bakit puputok litid mo?" Pangpo-provoke muli ni Hendrix sa magta-transform nang isang murderer na si Jayda.

"Gusto mong maging litid ang nguso mo at paputukin ko?" Halata ang labis na pagti-timpi ni Jayda pero nang muling tumawa si Hendrix ay hindi siya nakapag-timpi at sumabog na. "Alam mo? Gago! May lalabas ba na hologram for upgrade kapag nakapatay ako ng player, gagawin na kitang si Gong Yoo at itatarak ko na ang dalawa kong katana sa dibdib mo!"

"Thap! Thap!" Bago mag-ala Goblin ang mangyayari, ibinuwis ko na ang buhay ko para pigilan ang magaganap na patayan at nagpakita na sa naga-amok na babae at sa baliw na lalaki na deserve naman 'yan ng kaunting saksak ng katana sa dibdib. "Huling huli ka sa camera na nanakot! You're under arrest! Everything you say againts you will be use againts him and to you too--- Huh?" Napahalakhak nalang ako sa sarili dahil sa sinabi ko.

Matalim naman akong tinignan ni Jayda. "Magsama kayong mga kinulang sa mental care!" Tili niya at tumalikod na para umalis.

Natawa nalang ako nang maiwan kami ni Hendrix na dalawa.

"Ganda ng weapon mo, ah. Ilan na upgrade niyan?" Tanong ko kaniya pagkatapos umalis ni Jayda. Ngayon ko lang napagtanto ang agaw pansin niyang weapon.

"Tatlo na." Sagot naman niya. Tumango ako, hindi pa 'din inaalis ang tingin sa weapon niya. Hindi na 'yon katulad ng ibang machine gun, kulay gold na 'yon at halatang upgraded na. "Madami na akong napatay na giant zombies."

Nine Nights of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon