47: Seventh Night of Hell - VII.IV

22 1 0
                                    


VII.IV

Mabilis ang ginawang pagtakbo ni Jetro. Nagawa niyang makalayo sa mga zombies na humahabol sa kaniya.

Hindi pa siya nakakabawi sa nangyari kay Levi, hanggang ngayon ay occupied ang kaniyang isip dahil sa nangyari sa kaibigan.

Humihingal siyang huminto para habulin ang hininga. Muli siyang nakaramdam ng lungkot ng magawi ang tingin sa direksyon na pinanggalingan. They are now down to five dahil muling may nabawas sa kanilang mga magkakaibigan na natitira sa laro.

Nakarinig siya ng mga kaluskos tanda ng mga zombies na humahabol sa kaniya kaya't muli na siyang kumilos papalayo.

Pilit na inaalala ni Jetro ang direksyon kung saan niya iniwan si Lancer kay Scott kanina pero mukhang naliligaw siya. Hindi niya ito matandaan.

Naglakad lang ng naglakad si Jetro, sa matataas na damo na siya lang niyang tanda kung saan siya dumaan sa location ni Scott kanina. Alerto siya sa mga zombies na makakasalubong o bubulaga sa kaniya sa lahat ng direksyon.

Sa paglalakad, mga zombies lang ang inaasahan ni Jetro na kaniyang makikita sa kaniyang dinadaanan. Pero nang makalabas siya sa matataas na damuhan, may nakita siyang naglalakad na silhoutte malayo sa direksyon niya. Muli siyang bumalik sa matataas na damo para magtago.

Pero hindi umalis si Jetro, he squinted his eyes, pilit sinisipat ang nakikita.

Sa pagtingin ng maigi dito, kita niyang sa direksyon niya naglalakad ang mga ito. Naghanda siya ng arrow sa kaniyang pana. Pero habang nakakalapit ang mga ito sa direksyon niya, unti-unting napagtatanto ni Jetro na no, those are not zombies. Napuno siya ng pagtataka.

Alam niyang hindi naman siya nakikita ng mga ito, medyo may kalayuan pa rin ito sa kaniya.

Habang papalapit ang mga ito ng papalapit, he confirmed na tama nga na hindi ito mga zombies. Naglalakad ang mga ito ng diretso, hindi katulad ng mga zombies na tila hatak ang bigat ng buong katawan tuwing naglalakad. At sigurado din siyang wala ni isa dito ang sino man sa mga kaibigan niya.

"Kung hindi, sino?" 'Yon ang tumatakbo sa isip ni Jetro.

There are three of them, at magkakamukha ng suot ang mga ito. Familiar. Jetro can't pinpoint where he saw those they are wearing pero alam niyang nakita na niya ang suot ng mga ito.

Palapit ito ng palapit sa direksyon niya kaya't mas lalo siyang nagtago para hindi siya makita. Nakahanda pa rin ang kaniyang weapon.

Nang ilang dipa nalang ang layo nito sa gawi niya, hindi alam ni Jetro ang gagawin nang malaman na normal na mga tao ang mga 'yon dahil naririnig niyang nagsasalita ang mga ito.

He was about to jump out sa kaniyang pinagtataguan dahil sa tuwa na makakita ng normal na mga tao maliban sa mga players nang bigla ay isang kamay nalang ang muling tumakip sa bibig niya at pinigilan siya sa pag-alis sa pagkakatago.

Gulat niya itong tinignan. It's Scott, again.

"They are normal people, yes. Pero hindi sila normal na inaakala mo." Mahinang wika ni Scott, nanginginig ang boses. Tinanggal na rin niya ang nanginginig niyang mga kamay na nakatakip sa bibig ni Jetro.

"What the hell are you saying? Anong normal pero hindi normal?" Takang-takang wika ni Jetro. Pinapanood niya lang kung paanong tila nanginginig sa takot si Scott.

"Just wait and listen!"

Nagtago ang dalawa upang hindi makita na tatlo na papalapit na ng papalapit sa pinagtataguan nila.

Nang naglalakad na ang mga ito sa mismong harapan nila, rinig na rinig ni Jetro ang takbo ng usapan ng mga ito.

"Kanina pa tayo naghahanap and we still can't find where the fuck is Joson! That piece of shit!" Galit na wika ng isa sa mga ito.

Nine Nights of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon