02

102 7 6
                                    

"Ma! Kanina pa kita hinahanap!" Tawag ko sa kaniya.

"Lintek kang bata ka, anong ginagawa mo rito?"

My Mama is a Psychiatrist. She helps people with mental condition like depression and anxiety. Nasa clinic niya ako ngayon.

Maraming naka admit na clients and patients, and I realized, ang hirap pala talaga labanan ang sakit ng dala ng mundo.

"Sabay na tayo umuwi. Matagal ka pa ba?"

"No. I'll just get my bag. Wait for me." She said. "Binibigyan mo talaga ako ng sakit sa ulo, Cianne."

I rolled my eyes. Aburido talaga utak nito palagi. Siguro dahil sa stress.

Pero in fairness, go with the flow si Mama. Parang kapatid ko nga lang e.

"May meeting kasi ako anak e. Babalikan ka namin ng Daddy mo after okay?" I overheard someone having a conversation inside the room I am standing.

"Don't worry, anak... Makakalabas ka rin dito, I promise. Magpagaling ka na."

Sumilip ako nang bahagya sa kwarto saka nakita ang isang lalaking nakayuko ang ulo habang kinakausap ng mga magulang nito.

TWITTER

verynice 🔒
just now

i want a family too

ay ha

may pamilya naman ako

bobo talaga

________

Habang paalis ang parents ng lalaki ay agad akong pumasok sa room kung saan nagbabasa ang napaka-gwapong nilalang.

OH MY. HINDI NA AKO SINGLE! /j

"Hi! Mag-isa ka lang?" Wala sa sarili kong tanong.

"May nakita ka bang kasama ko?"

Ay, masungit?

"Patient ka ba ng Mama ko?" I asked.

"Doctor Bermoje? Maybe, marami akong doctors."

"Yes! She's my Mom! I'm her daughter."

"Obviously."

I pouted. "Bakit ka andito? Ano sakit mo?"

Hindi niya ako pinansin.

"Nakaka-istorbo ba ako?"

"Yes." He said plainly.

"Eh kawawa ka kaya. Wala kang kausap, mag-isa ka pa!"

He looked at me with no emotions. He raised his brow and turned his gaze on his book after.

"I'm Berenice, by the way. You can call me, Bere or Nice. 'Wag lang sa second name ko."

"Ano ba second name mo?"

I smiled. "Lucianne, pronounced as, Lu Shi Yani, diba ang baduy?"

He smirked. "Hi, Luci."

My jaw dropped. "Luci?"

Bigla kong naisip si Mama, baka hinihintay na ako no'n!

"Ano fb mo, para makapag-usap tayo ro'n." Tanong ko.

"I don't use social media."

"Huh, eh halos lahat ng tao ngayon, internet na ang sandigan. Hindi ka ba naiingit sa mga kaklase mong may tech life?"

"I'm homeschooled." He said not giving me a single look.

"Bakit?"

"Because of my condition? My parents won't allow me."

"Pwede ka naman gumawa e. Huwag mo nalang sabihin." I winked at him.

He hand me his phone and I clicked that playstore to download Facebook.

"Sige, gawa ka na. Aalis na ako!"

But I forgot one thing.

"Ano nga pala name mo?"

He looked at me. "Aldous. Aldous Amore."

I nodded. "Add mo ako ha!"

"I won't."

I frowned. "Okay, sino ba naman ako, diba?"


Sino ba naman ako, 'di ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon