"Gising ka na pala..." Mahinang sabi ni Annie na naghahanda ng pagkain. "Breakfast na."
I immediately sat down not saying a word.
We talked last night. It's a good thing na hindi na siya nagtanong nang nagtanong. Pagkatapos naming magkita ni Aldous kahapon ay tinawagan ako ni Annie saka sinabi na sa condo niya na lang ako mags-stay.
Maraming missed calls galing kay Mama, pati na rin kay Gael. I'm sure, nasisiraan na sila ng ulo ngayon. But for me, wala na akong pakialam.
Ako muna... Kahit ngayong araw lang. Sarili ko naman.
"You can tell me, Bere. Makikinig ako," Annie said.
I sighed. "Hindi mo maiintindihan."
Instead of denying her assumptions, my eyes welled up.
"Ano? Pinalayas ka ba?" She guessed.
"T–tama na..." My voice cracked.
She hugged me and unconsciously spit a word.
"I'm adopted..."
BINABASA MO ANG
Sino ba naman ako, 'di ba?
Teen Fictiongunitang nilimot series #6 | berenice & aldous the situationship love