"Iniwan ako ng Tatay mo..." Panimula niya. "He doesn't love me anymore. Hindi na daw magwo-work. So we both agreed to stop everything between us... ang lungkot ko n'on, anak. Not until you came."
Mama held my hand. "Binuhay kitang mag-isa."
I smiled bitterly. "Ano ka ba Ma! Okay lang 'yon. Masaya naman tayo ngayon eh!" She embraced me as she noticed my tears started falling. "Thank you, Ma."
For everything...
"Sorry din, third to the last ako sa ranking. Ang tatalino kasi nila eh!" Pag-iiba ko nang usapan. "Pero, may awards naman ako galing sa mga sinasalihan kong contest."
"Saan nga ba 'yon? Moby—?"
"Mobile Legends, po."
Eto na naman siya. Tiningnan niya naman ako sa mata, nang napaka-seryoso.
"Anak, reminder. 'Wag mong e-pursue ang mga bagay na nakapag-papasaya sa'yo o ang mga bagay na hilig mo. Be practical. Kaya kita pinapasok sa HUMSS para sumunod ka sa yapak ko."
'Yan siya, naka-plano na ang future ko sa palad niya. Kulong pero, Mama ko eh, para sa kapakanan ko rin naman 'to.
Siguro?
BINABASA MO ANG
Sino ba naman ako, 'di ba?
Teen Fictiongunitang nilimot series #6 | berenice & aldous the situationship love