66

59 4 3
                                        

"Andito lang 'yon somewhere..."

Nasa room ako ni mama, I opened her drawers pero wala akong makita kahit isang picture ko. May picture naman ako pero I'm already on my 7 years na. Need ko kahit 2 or 3 years old, o kahit 'yong picture habang ini-ere ako ni mama.

"Oh eto, box..."

Kinakausap ko na sarili ko.

Puro papers 'yong laman. May mga work documents niya, kahit 'yong birth certificate nandito rin.

"Ah wala 'to rito..."

I was about to close the box when my eye caught something that made me shiver.

Papers for legal adoption....

"Cianne." It's mom.

My body froze as I read the whole script that was written. It feels like my heart's skips a bit.

I slowly turned my glance at her.

"A–ano 'to?" My voice trembled.

"Anak, I will explain..."

"Malamang? Kasi pinaniwala mo 'ko. Mama, pinaikot mo 'yong ulo ko!"

Hindi ko na namalayan na bumuhos na ang mga luha ko habang kausap siya.

"Ang layo ng Berenice Lucianne, sa pangalang Delaney! Ma, sobrang layo! A–ang lakas ng loob mong pangalanan ako ng pangalan na ang hirap bigkasin, ni hindi mo nga ako anak!"

She tried to come near me but I moved my feet backwards.

"Diyan ka lang... Ma, sinabi mo nalang sana, makakaintindi naman ako. M–ma, oo...last section ako, bobo ako, pero hindi ako tanga. Nirerespeto kita, sinusunod kita kahit sakal na sakal na ako, dahil mama kita. Ginagawa ko 'yong mga bagay ayaw ko pero dahil gusto mo, sige! Putangina, sige!"

Sobrang sakit na...

"Ma, nahihirapan na akong pakisamahan 'yong iba. Ma, pilit kong mag-aral, hindi dahil para sa 'kin. Kundi, dahil sabi mo!"

"Nabuhay lang 'ata ako para...para magdusa..." I cried more.

Sino ba naman ako, 'di ba?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon