Kabanata 3

3.1K 121 0
                                    

Sunod-sunod ko siyang inatake ng mga fireball, wala akong sinayang na oras o segundo. Habang siya ilag, atake at takbo lang ang ginawa niya at kakatakbo niya napunta na kami sa kagubatan.  Pinapagod niya ako at nag-uumpisa na akong mairita. Tapos ngayon nagtatago pa siya sa mga puno na akala niya ata hindi ko siya makikita.

"Takbo at pagtago nalang ba ang kaya mo? Nasaan ang tapang mo kanina?" Sigaw ko

Tumalon ako sa taas ng puno at doon ko siya hinanap. Habang hinahanap ko siya may narinig akong kaluskos ng mga hulog na dahon, agad kong pinuntahan kung saan ko narinig 'yon. Napangisi ako nang makita ko siyang nagtatago sa isang malaking puno, hingal at bakas sa mukha niya ang takot at kaba.

"Found you"

Palihim akong lumipat sa punong pinagtataguan niya at bumwelo bago tumalon papunta sa harapan niya. Kita ang gulat sa mga mata niya, nanlalaki ang mga mata niya at hindi nakagalaw sa kinatatayuan niya. Tinutok ko ang kutsilyo sa leeg niya at ngumisi.

"I'm tired of this game, let's end this"

Pareho niyang tinaas ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko.

"P-Pag-usapan natin 'to...H-Hindi ko na kayo ulit gagalawin, hayaan mo lang akong umalis"

I tilted my head and I stared at him pokerface. I laughed while tapping his shoulder.

"You're funny!! I mean gawa ba sa semento yang mukha mo? dahil kasing tigas at kapal ng semento ang mukha mo! Grabe!! I can't believe this!"   I said while laughing

Hindi ko alam na may mga ganitong klaseng tao din pala dito, makapal ang mukha. Pagkatapos magmayabang at manakit ng tao, sa huli magmamakaawa lang din pala tapos hindi pa humingi ng tawad!

Tumigil ako at seryoso siyang tinignan.

"You're the worst" Sabi ko at sinaksak siya ng paulit-ulit hanggang sa mawalan siya ng buhay. Hinawakan ko siya sa buhok at nag-teleport papunta sa isang bangin. Sumalubong sa 'kin ang napakalakas na hangin at may mga nagliliparang dahon papunta sa dereksyon ko, pero hindi ko 'yon pinansin patuloy lang ako sa paglakad papunta sa dulo ng bangin habang hila ang walang buhay na katawan. Nang makarating ako sa dulo napatingin ako sa baba, halos hindi ko na makita ang pinakababa nito sa subrang taas at lalim.

Sapat na siguro ang taas nito para madurog ang katawan niya...

Bumuntong-hininga ako bago malakas na tinapon ang walang buhay na katawan sa bangin. Pagkatapos non ay sinunod ko naman ang kutsilyong gamit ko. Pumikit ako at nilasap ang sariwang hangin.

Pakiramdam ko bumalik ako sa dating ako, bilang Hanna Geron. Isa sa kinakatakutang gangster sa buong gangster world, kinikilala bilang isang gangster princess. I miss my life before...

Hanna Geron is just a ordinary girl before, a perfect life with a perfect family. Pero sa isang iglap nawala lahat 'yon nang patayin ng mga pulis ang kanyang mga magulang sa walang kadahilanan. Binaril ng ilang beses ang kanyang ama habang ginahasa at binaril naman ang kanyang ina. 


Walang kapatawaran ang ginawa nila...


Nakilala ko ang isang babaeng nagpakilala bilang isang reyna ng mga gangster. Kinupkop niya ako, inalagaan at tinuruan paano maging matapang at lumaban. Sinanay niya ako at hindi naging madali sa 'kin 'yon dahil dugo at pawis ang naipundar ko bago ako naging si Red...the gangster princess.

Masaya ako sa kung ano ako, hindi dahil pumapatay ako kundi dahil nagagawa ko yung gusto ko. Nakapaghiganti ako sa mga pumatay sa magulang ko at napatay ko ang mga taong walang kaluluwa, mga taong inaabuso ang mga taong mahihina at walang Laban. 

Alam ko iba na ang buhay ko ngayon, pero hindi ko mababago kung ano ako sa past life ko. I'm a gangster and I will be forever, pero simula ngayon kailangan kong limitahan ang sarili ko. May pamilya na akong dapat protektahan, hindi lang sila mama at papa kundi pati ang mga tao dito sa bayan namin.

Pero sa oras na 'to hindi ko alam ang gagawin ko, malaking eksena ang ginawa ko. Sigurado ako na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila lalo na kila mama at papa...


Si papa...


Mabilis akong nag-teleport papunta sa bahay, sa sala ako nag-teleport at nagulat ako nang may mga tao pala doon at pati sa labas ay may mga nakasilip. Nakahiga sa sofa si papa habang naka-unan kay mama habang ginagamot ng isang manggagamot.



"Scarlet anak"  tawag ni mama at kita ang pag-aalala sa mga mata niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at lumuhod.


" Is he okay?"  I asked


" Masyadong malalim ang sugat niya sa tagiliran at malaki din ang natamo niyang sugat sa ulo niya. Madami ng nawalang dugo sakanya kanya kailangan na natin siya madala sa malaking pagamutan" sabi ni aleng Gema na naggagamot kay papa


"Hindi na"   sabi ko


"Scarlet anak, anong sinasabi mo? Ayaw mo ba magamot ang papa mo?"

"Ma relax. What I mean is ako na magpapagaling sakanya"


"A-Ano? Paano?"


"Magpapaliwanag po ako mamaya"


Pinikit ko ang mga mata ko at nag-focus bago ko hinawakan ang kamay ni papa at bumigkas ng spell. First time ko gawin 'to, sa mga hayop ko palang nasusubukan ang healing magic ko so hindi ko alam kung magagamot ko ba si papa. But I hope...


Please...


I'm just holding my father's hand while chanting the spell. My tears came out when I felt there's nothing happened. 


Please...



Ayuko mangyari ulit ang nangyari dati... Ayuko..



Lord please...



"You need to focus..."



I stopped when I heard that familiar voice...



"Remove all your thoughts, focus and chant the magic spell again..."




I did what she said. Nang mabura ko na lahat ng mga iniisip ko sinimulan ko ulit bigkasin ang magic spell. Napamulat ako nang biglang may naaninag akong liwanag, nang buksan ko ang mga mata ko kumunot ang noo ko nang makitang nasa isang maliwanag na lugar ako, purong liwanag lang ang nasa paligid ko at wala akong inaapakan na kahit ano, nakalutang lang ako.



Where am I?



Naiharang ko ang isang braso ko sa mga mata ko nang mas lumiwanag ang buong paligid.



"Scarlet!"



"Scarlet anak"



Dahan-dahan akong napamulat nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Natigil ako nang makitang nakayakap si papa at mama sa akin.



"P-Pa..."




"Anak!"  Gulat na tawag niya sa 'kin at pareho silang humiwalay sa 'kin, gulat na gulat.




"B-Bakit po? Ano pong nangyari?"  Takang tanong ko



"Habang pinapagaling mo siya bigla ka nalang nawalan ng malay, ginigising kita pero hindi ka pa rin nagising hanggang sa magising ang papa mo" paliwanag ni mama


Hindi ko maipaliwanag ang nangyari... Saglit lang naman akong napunta sa maliwanag na lugar na 'yon.


" Pero wag mo na isipin 'yon, ang mahalaga maayos ang lagay mo"  sabi ni papa at niyakap ako   

The Gangster Princess (Isekai Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon