Kabanata 24

2.3K 87 2
                                    

"Oh my God!! Prince Zyke!"

Napalingon ako sa babaeng sumigaw at akmang lalapit kay Zyke pero bago pa siya makahakbang mabilis kong kinuha ang kutsilyo sa knife pocket ko at nag-teleport papunta sa kanya sabay tutok ng kutsilyo sa leeg niya. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong.

"Subukan mong lumapit sa fiance ko, pagpipira-pirasuhin ko 'yang katawan mo" seryoso at madiing sabi ko.

Lumayo ako sakanya at agad binalik ang kutsilyo sa knife pocket ko at ngumiti sakanya.

" Nice to meet you"  bati ko at bahagyang niyuko ang ulo ko at agad na inayos ang pagkakatayo ko.  "I'm Scarlet"  pagpapakilala ko sabay lahad ng kamay ko sakanya.

"D-Diana"

"Okay, I remember that name"



"Ladies and gentlemen! Please proceed on the field!!"

Lahat kami napatingin sa itaas nang marinig ang announcement na 'yon, galing kasi sa taas yung boses. Parang speaker lang. 

Agad na kaming lumabas ng kwarto at sabay-sabay na pumunta sa field. Subrang lawak ng field at ang ganda rin dahil sa dulo nito ay mga malalaki at matataas na puno.  Pagdating namin don may isang grupo na ang nauna doon at sumunod kami tapos sunod-sunod na nagsisidatingan ang iba.

Sampung grupo kami at sa isang grupo may benteng member.  Lahat kami nakapila. Parang flag ceremony lang, by grades and section. Babae  at lalaki. Nasa unahan kami ni Zyke at hindi ko din alam kung bakit pero okay lang dahil katabi ko naman siya.

"Good morning! Before we start, suotin niyo muna ang mga uniform na ito"

Bawat grupo may nag-aabot ng box sa amin.  Tapos bigla nalang may sumulpot na pintuan sa harapan namin.

"Pumasok kayo sa loob para makapagpalit ng damit. After five minutes finish or not, babalik kayo dito" 

What if after five minutes, hindi pa nakakapagbihis?

" Your five minutes...Start... Now!!"

Bumuntong-hininga ako at pumasok na sa loob ng pintong nakalaan sa 'min. Sunod-sunod na kaming pumasok. Bukod sa nakapalibot na salamin at mahabang lamesa sa gitna ay wala na akong ibang nakikita kundi ang sarili ko at sila Waien.  Nagsimula na ang ibang magbihis kaya nagsimula na rin ako. Pagbukas ko ng box, bumungad sa 'kin ang kulay black na tela.

"Seriously?"

Napatingin ako sa iba, nagsusuot na sila ng damit ang iba naman ay nagrereklamo sa kulay at desenyo ng damit.  Napailing nalang ako at sinuot nalang yung uniform.

It's black above the knee skirt, white polo long sleeve with black necktie and black sleeveless blazer with three button. Black leather boots na hanggang tuhod ang haba.  I like this outfit.  May kulay white na bilog at may number na nakalagay. 105?

Napatingin ako sa itaas nang may marinig akong malakas na bell at maya-maya lang ay nasa labas na kami. Napatingin ako sa paligid nang marinig ang mga nagkakagulong mga tao, may iba kasi na hindi pa tapos magbihis. Ang iba ay hindi pa nasusuot ang blazer at ang iba ay skirt palang ang nasusuot at hindi pa nabubutones ang mga  polo nila.

Napatingin ako sa mga ka-grupo ko, halos naman sakanila ay maayos ang pagkakabihis ang iba naman ay nagsusuot ng sapatos.  Napatingin ako kay Waien, natataranta siyang sinusuot ang necktie niya. Lumapit ako sakanya at tinulungan siyang ayusin 'yon.

"T-Thank you"

Tumango lang ako at napatingin kay Zyke. Sh*t! Ang gwapo niya, bagay sakanya ang uniform nila. Yung top is pareho lang sa amin and yung bottom is black pants then black leather boots din.  Yung ibang group ay ganun din ang design ng uniform pero ibang kulay.


The Gangster Princess (Isekai Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon