Kabanata 8

2.6K 100 4
                                    

Habang naglalakad kami sa hallway ng palasyo hindi ko mapigilan ang mamangha, maganda sa labas pero mas pinaganda naman nito ang loob. Walang masyadong gamit ang nakalagay, tanging mga painting sa dingding lang ang naroon at sigurado ako hindi basta-bastang painting 'yon. Yung frame palang na nagamit tingin ko mga nasa million na siya.


"Andito na tayo" sabi ni general


Napatingin ako sa harapan, may malaking pinto doon at may dalawang guard ang nandoon nakapwesto sa magkabilang gilid ng pinto, may mga hawak silang spear. Kinausap sila ni general at maya-maya lang ay tumango yung dalawa.  Sabay nilang binuksan ang malaking pinto at bumungad sa amin ang malaki at maluwag na kwarto.


"General Romero Aldames is here! Together with Mr. Darven Dwryzen and his daughter Miss Scarlet Ky Dwryzen!!"



Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumigaw yung isang bantay.



"Scarlet, umayos ka"  bulong ni papa sa 'kin    "Pag-ako pinahiya mo, lagot ka talaga sa 'kin"



" Don't worry pa, hindi ako magsasalita"



" Hali na kayo" sabi ni general



So pumasok na kami, pag-apak palang ng isang paa ko sa loob bigla akong nakaramdam ng hindi ko maipaliwanag. Nang tuluyan na ako nakapasok mas nakakaramdam lang ako ng tensyon, kaba, at pakiramdam ko ang sikip-sikip ng kwarto at hindi ko masyadong makahinga ng maayos. Pakiramdam ko yung puso ko biglang tumigil sa pagtibok. There's something wrong with this room.


Bahagya kong inangat ang ulo ko, pag-angat ko ng tingin nakita ko ang mga taong seryosong nakatingin sa amin. Mga nakahilira sila sa magkabilang gilid ng daanan, siguro mga nasa bente silang lahat. Pero hindi 'yon ang dahilan bakit ako nakakaramdam ng iba, it's a presence of someone... Someone powerful.

Nang tumama ang tingin ko sa isang lalaki, alam ko sa isang tingin palang, na sakanya galing ang tensyon na nararamdaman ko.  He's looking at us intently. Sa unang tingin iisipin mo na masungit siya, at parang ayaw niya sa 'yo. Pero alam ko na gusto niya lang kami ma-tense o matakot sakanya, and yung nararamdaman kong tense at kaba it just his aura. He is really powerful.


Lumuhod si general habang nakayuko. Nakaluhod ang isang tuhod niya at ang isang kamay niya ay nasa dibdib niya at ang isa naman ay nakatukod sa sahig habang hawak ang espada nito. Ganun din ang ginawa ni papa kaya ginawa ko din 'yon.


"General Romero Aldames, bumabati po sainyo kamahalan. Kasama ko po ang tagapamuno ng nayon ng Azurka, Mister Darven Dwryzen at ang kanyang anak si miss Scarlet Ky Dwryzen"



" Bumabati po kami sainyo mahal na hari, at nagpapasalamat sa pag-imbeta niyo sa amin dito sa inyong palasyo" magalang na sabi ni papa

"Nakarating sa 'kin na kayo ang tumulong sa dalawang prinsipe, lubos akong nagpapasalamat sa inyong kabutihan. Bilang pasasalamat at kapalit sa kabutihang iyong ginawa, gagantipalaan ko kayo ng kahit na anong gusto niyo"


" Maraming salamat po kamahalan, ngunit para po sa inyong kaalaman ang pagkaligtas po sa batang prinsipe ay isa lamang aksidente. Hindi po namin batid na isa siyang prinsipe. Nang araw na pong iyon ay nais lang namin maligtas ang mga kasama namin sa nayon.  Mahal na hari, maraming salamat po sa iyong kabutihan ngunit ayaw po namin tumanggap ng isang gantimpala na hindi naman po nararapat sa amin."


Bahagya akong napangiti sa sinabi ni papa, kung ibang tao 'yan hindi sila magdadalawang isip na magsabi ng gusto nila. And I'm proud of what he said.



" Gusto ko ang prinsipyo mo, minsan lang ako makakilala ng isang tulad mo na may malawak na kaisipan. Ngunit para sa iyong kaalaman, mas mahalaga sa akin ang buhay ng mga anak ko kaysa sa kayamanan na meron ako at alam ko ganoon ka din. Kaya sa ayaw at gusto niyo, gagantipalaan ko kayo."



" Kung iyon po ang iyong nais, buong puso po namin tatanggapin iyon"




"At ikaw iha, ikaw ang nagpagaling kay prinsipe Zyke?"



"Opo, ngunit paumanhin po kung uunahan ko na po kayo. Ang pagpapagaling ko po sa prinsipe ay kagustohan po ng batang prinsipe, binayaran po ako ng batang prinsipe para pagalingin si prinsipe Zyke."



" Binayaran? Ano ang ibinayad sa 'yo ng prinsipe?"




" Isang lollipop po kamahalan"



" Isang lollipop? At pumayag ka?"



" Para po sa akin, hindi po mahalaga kung ano po yung ibabayad sa 'kin. Pumayag po ako sa gusto niya dahil nakita ko po kung gaano po nag-aalala ang batang prinsipe sa kuya niya. "  Sagot ko



"For short naawa ka sa batang prisipe, kaya mo pinagaling si prinsipe Zyke?" Tanong ng reyna



"To tell you honestly your majesty, I have no intention of treating the prince. First, because his wound can treat without healing magic. Second, I have no intention helping a person who part of the noble family. And to answer your question, yes you're right. Pinagaling ko si prince Zyke dahil naaawa ako sa batang prinsipe"



Narinig ko ang bulungan ng mga tao habang ako nanatiling kalmado. 


"Paumanhin po kamahalan sa mga nasabi--"



"Paumanhin po sa mga sinabi ko, nagsasabi lamang po ako ng totoo. Hindi ba't nasa batas niyo na bawal magsinungaling sa harap ng hari? Sinusunod ko lamang po ang batas"


" Scarlet" bulong ni papa sa 'kin pero hindi ko siya pinansin



"Sa iyong edad, nakakamangha na alam mo ang mga batas na meron sa kaharian na ito. Ngunit maaari ko bang malaman kung bakit ayaw mo tulungan ang mga taong galing sa maharlikang pamilya?" Tanong ng hari



" Bago ko po sagutin ang tanong niyo, maaari po bang magtanong sainyo?"




" Go ahead"




" Totoo po bang binibili niyo ang aming nayon? At dahil ayaw po pumayag ni papa at ng mga tao na taga doon, nagpapadala kayo ng mga tauhan para takutin at sapilitan kaming paalisin?"




" A-Ano?"




" Ilang pamilya na po ang nawalan ng ama, ina at anak dahil po sa sunod-sunod na pagpatay niyo sa mga taga-nayon namin."




" Tumigil ka! Wala kang karapatan na pagbintangan ang hari!!" Sigaw ng reyna




" Paumanhin po pero tulad po ng sinabi ko, sinusunod ko po ang batas niyo. Hindi po ako nagsisinungaling."




" May patunay ka ba na ginawa nga iyon ng hari?" Tanong ng isa sa mga taong nakahilira sa gilid




"Wala po akong sinabing ang hari ang may kagagawan, pero may ebidensya ako na nagpapatunay na galing sainyo ang mga taong pumupunta sa nayon namin at pati na rin ang mga taong nagtangka sa buhay ng dalawang prinsipe"



"Imposeble 'yang sinasabi mo, sino naman ang matatangkang pumatay sa mga prinsipe?"  Tanong ng reyna


Bumuntong-hininga ako at nilapag ang suot kong backpack at binuksan 'yon. Kinuha ko ang dalawang kutsilyo doon at naging alerto ang mga bantay at tinutukan ako ng spear.


"This is the evidence I have"



"Knife?"






The Gangster Princess (Isekai Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon