Kabanata 4

3.1K 137 1
                                    

"Anak..."


Napatingin ako kay papa at mama na nasa bungad ng pinto ng kwarto ko. Pagkatapos ng nangyari kanina pinagpahinga muna nila ako, gusto ko nga sana na humingi muna ng tawad sa kanila at magpaliwanag pero sa dami ng nangyari at yung pagpapagaling ko kay papa naubos yung lakas ko, kaya napagdesesyonan ko na magpahinga na muna at makakapag-isip din ako kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ang nangyari.

"Ma, Pa"

Naupo si papa sa gilid ng kama ko habang nakatayo lang si mama, binaba ko ang librong binabasa ko at naupo ng maayos.

" Anak gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mo, thank you for healing me and for saving your mother and the others"

" Pa, I should apologize for what I did. I'm sorry for killing those people"


" No anak..." He hold my hand  "You just did the right thing, you saved us and there's nothing wrong with that"

" Your father is right, hindi mo kailangan isipin 'yon dahil naiintindihan namin ng papa mo at ng mga kababayan natin ang nangyari. Sa katunayan nga ay nagpapasalamat sila sa ginawa mo"


" Salamat po Ma, Pa"  sabi ko at niyakap si papa at niyakap din kami ni mama


" Pero anak..."

Humiwalay sila pareho sa 'kin


" Paano mo nagawa 'yon? Nakakagamit ka ng apoy at ang bilis mo pa kumilos tapos napagaling mo pa ang papa mo"  takang tanong ni mama


Tinitigan ko sila at huminga ng malalim bago ako nagpaliwanag. Sinabi ko sakanila na matagal ko ng alam ang ability ko which is fire, healing and teleportation.  Hindi ko na sinabi ang tungkol sa strength ko dahil normal na ability lang naman 'yon, sinabi ko nalang na palihim akong nagsasanay sa pakikipaglaban.


"Masaya ako para sa mga nakuha mong ability anak, pero hindi pa rin ako makapaniwala lalo na't bihira sa tao ang magkaroon ng tatlong ability."

" Kapag may nakaalam tungkol dito sigurado ako na pagkakaguluhan siya lalo na ng mga mahaharlika"


" Anong gagawin natin? Ayukong mapahamak ang anak natin" natatakot na sabi ni mama

" Ma, hindi niyo naman po kailangan mag-alala sa 'kin, kaya ko po ang sarili ko"


" Anak, alam ko at kitang-kita ko naman na kaya mo makipaglaban pero hindi biro makalaban ang mga taga maharlika"


" Wag kang mag-alala mahal, as long as walang nakakaalam tungkol sa kakayahan niya walang mangyayari sakanya"


" Pero paano sila aleng Mara at ang iba pa?" Nag-aalalang tanong ko



" Hindi mo dapat alalahanin 'yon, kakausapin ko sila at ipapaliwanag ang lahat"




Nagyakapan ulit kaming tatlo and I felt relieved for what he said.



"Darven"



Napatingin kami sa bungad ng pinto ng kwarto ko, pumasok doon si aleng Mara at halata itong kinakabahan at pagod.


"Ano 'yon?"



"May dumating na mga taga palasyo"



" Ano?"



" Andito sila para doon sa batang dala kanina ng mga tulisan"


Rinig ko ang buntong-hiningang ni papa habang si mama ay napayakap sa akin.



" Naibigay niyo na ba sakanila ang bata?"




The Gangster Princess (Isekai Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon