Kabanata 7

2.8K 100 1
                                    

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to, saya, tuwa at ang gaan sa pakiramdam habang pinagmamasdan ko ang kapaligiran na nadadaanan namin. Matataas at magagandang puno, maluwag na kapaligiran, mga iba't ibang klase ng bulaklak sa kapaligiran, mga ibon at paru-paro na nagliliparan, at ang simoy ng hangin ay napakasarap sa pakiramdam.

Hindi katulad sa mundo ko, mga naglalakihang gusali, mga maiingay at mausok na sasakyan. May mga lugar pa din naman na katulad nito pero unti-unti na rin nawawala dahil sa mga taong patuloy na pinuputol ang mga puno, pinapatay at hinuhuli ang mga nananahimik na mga hayop.

"Is this your first travel?"

Napatingin ako kay prince Zyke, walang emosyon ang mukha niyang nakatingin sa 'kin habang abala ang kamay niyang hinahaplos ang buhok ng batang prinsipe.

"Hm.."  i just answered then binalik na ang atensyon sa labas ng karwahe. Halos limang oras na namin nilalakbay ang kagubatan at hanggang ngayon wala pa din ako makitang bayan.

"Hey.. Uhm.."  napatingin ulit ako sakanya   "Thank you again, for healing me"

"Like what I said, ang kapatid mo ang may gusto na pagalingin kita."

"But still, thank you. Pagdating natin sa palasyo I will pay you"

" You don't need to"

" Nah, I insist."

I sit comfortable while crossing my arms and legs

" But I don't need money or whatever wealth you have"

" Then just tell me what you want"

Saglit akong tumingin sakanya

" I'll think about it" sabi ko at tumingin ulit sa labas. Habang ini-enjoy ko ang mga nadadaanan namin iniisip ko na kung ano pwedeng hingiin sakanya. Hindi ko naman kasi kailangan ng kayamanan nila.




"We're here"


Napatingin ako sa labas ng karwahe nang sabihin ni prinsipe Zyke 'yon. Napanganga ako nang makita ang labas, hindi pa kami nakakapasok ng kaharian pero kita ko na ang laki at lawak nito. Yung palasyo nila sa subrang laki ay kita ko ang halos kabuohan nito. Hindi na ako nakapagsalita dahil sa mangha lalo na nang makapasok na kami sa kaharian. Bago makapasok ng gate, makikita mo ang malaking hugis ng clover sa taas ng gate. May mga guard din doon na nagbabantay.


Bumungad sa amin ang dikit-dikit na mga bahay pero maayos at hindi magulo, para itong isang subdivision, magaganda ang mga bahay. Madaming tao na abala sa kani-kanilang mga gawain, para itong palengke. May mga nakahilirang tindahan na iba-iba ang mga binibenta, mga gulay, karne, prutas, mga accessories, iba't ibang klase ng mga gamit at may mga nagtitinda din na mga street food.  I can't wait to try it!


Nang malagpasan namin 'yon may nadaanan kaming isang malawak na ilog, may iilang mga tao ang namamangka doon. Sa maluwag na tulay kami dumaan at nang tumingin ako sa harapan nakita ko ang kabuohan ng palasyo na mas nagpanganga sa 'kin. Napakalaki nito at napakaganda. Paglagpas namin ng tulay may mga bahay ulit kaming nadaanan at mga shop naman ang nandoon, parang mall kung saan iba-ibang item ang tinitinda nila. May mga restaurant din and coffee shop.


D*mn! I can't wait to try their food!



Excited akong humarap kay prince Zyke




"Alam ko na kung paano mo ako mababayaran" excited na sabi ko




"W-What?" 



Mukhang nagulat pa siya sa biglaang pagsalita ko



"Let's have a date"

"Huh?" 

"A date, just the two of us,spending time together in this city. You don't know that?"

" I...I know...it just that--"

"Then great!! Let's have a date tomorrow!"

" Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong niya

" Mukha ba akong nagbibiro?"


"No"

" Then I'm serious"

I smirked when he just nodded and look away. Actually, like what I said gusto ko lang masigurong okay si papa. Pero naisip ko, since andito naman na ako why don't spend the three days, having fun and wandering in the kingdom with him.


Ngayon palang nai-excite na ako sa mga mangyayari. Noong nasa mundo ko pa ako lagi akong gumagala kung saan-saan kasama mga barkada ko. Kapag sa mall kami pumupunta hindi kami namimili ng mga kung ano-ano, nanggugulo lang kami sa mall.  Honestly na-miss ko ang pagiging Hannah Geron, pero nagugustohan ko na ang mundo na 'to at ang mga taong nasa village namin.

Parang sila yung naging kapalit sa pamilyang nawala sa 'kin at sa mga mahahalagang tao na naiwan ko sa mundo ko. Sila Mama at Papa, sila yung naging kapalit nila Mom and Dad. Parang bumalik ako sa naging buhay ko dati bago ako naging gangster. The villagers who treated me like a family like how my co-gangsters support and treated me also as part of their family.

I'm still thankful even my death is just an accident, kasi napunta naman ako sa magandang pamilya at sa lugar kung saan walang mapanghusgang mga tao. Despite of what I did last time, they didn't say anything. Wala akong narinig at nakita sa mga mata nila na kinamumuhian nila ako, na takot sila sa 'kin.

Hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa kanila, pero sisiguruhin ko na kapag nakabalik na kami ni papa doon hihingi ako ng tawad at babawi sa kanila. Ayukong sirain yung tiwala nila, ayukong magkaroon ng lamat ang relasyon ko sakanila.


Maya-maya lang nakarating na kami sa harap ng palasyo. Nang makababa na kami hindi ko na maitikom ang bibig ko, sa malayo palang mangha na ako sa ganda at laki nito pero ngayon na malapitan ko na ito nakikita mas lalo lang ako namangha na halos mahilo na ako sa laki nito.


"Welcome to our palace" prince Zyke said




"Kuya, can I bring ate Scarlet in my room?" Prince Ryne asked



"Later, they need to meet father first"



Prince Ryne pouted



"Mister Darven, miss Scarlet...general Romero will accompany you in the throne room. We take a leave first, see you later" he formally said. Papa bow his head.


" See you tomorrow prince Zyke" nakangiting sabi ko


Papa and the general look at me confused, while the prince just nodded and he walk out with prince Ryne.


"What is that?" Takang tanong ni papa


"It's nothing pa"


Nanliliit ang mga matang tumingin si papa sa 'kin, nginisan ko lang siya at tinapik ang braso niya.


"Wag mo na isipin 'yon pa, pasok na po tayo at baka hinihintay na tayo ng hari. Nakakahiya naman kung paghintayin natin sila"  sabi ko at nauna ng sumunod kay general Romero.


"Mag-usap tayo mamaya"  sabi ni papa. Lihim akong napangiti at umiling.

The Gangster Princess (Isekai Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon