Kabanata 18

2.4K 91 5
                                    

Limang taon ang nagdaan, madami na ang nangyari. Simula nong nangyari five years ago sunod-sunod na ang mga hindi inaasahang pangyayari.

We stayed in the cave for almost a month while we're looking for our new home. After what happen years ago nagkahiwa-hiwalay na kami, may iba na sa clover kingdom pumunta, yung iba sa ibang kaharian para doon maghanap ng matitirihan at ng pwedeng hanap-buhay. Meron din na nagdesesyong maging adventurer at 'yung mga batang nawalan ng magulang ay inampon ng iba at isa kami sa nag-apon, si Rozy. She's three years old and now she's eight.  She's sweet, kind and beautiful.

Kami naman, we went somewhere far from the clover kingdom. We found a small village, para itong village namin dati pero medyo maluwag ito ng kunti. Pero hindi kami sa mismong village nakatira, we found a space na hindi ganun kalayo sa village na 'yon. Binili ni papa ang maliit na lupain na 'yon at doon nagtayo ng hindi ganun kalakihang bahay. Nagtayo din kami ng sarili naming taniman ng mga gulay at prutas at kapag nakakapag-ani kami binebenta namin 'yon sa nayon tapos yung iba naman ay para sa amin. We are in peace, hindi magulo at walang gulo. Mababait kasi ang mga tao dito.

While me, abala parin sa pag-iinsayo at sinasamahan din ako ni papa. Ang galing niya makipaglaban actually, he's a general before sa Crystal kingdom. Umalis lang siya nong nagsama na sila ni mama. 

"Ate!" 

Abala ako sa pagdidilig sa mga tanim namin nang tawagin ako ni Rozy

"Careful, baka matumba ka" 

Tumatakbo kasi siya

"Tawag ka po ni papa"

"Nakabalik na siya?"

Last week kasi umalis siya at pumunta sa crystal kingdom at may inayos na kung ano.

Iniwan ko yung pandilig sa isang tabi at sabay na kaming bumalik ni Rozy sa bahay. Pagpasok namin naabutan namin si papa at mama na naghahalikan kaya agad kong tinakpan ang mata ni Rozy.

"Ma! Pa! Ano ba naman 'yan?! Kung maghahalikan kayo don kayo sa kwarto!" Inis na sabi ko pero tinawanan lang nila ako

"Ito naman, na-miss ko lang ang mama mo"

"Kaya nga sa kwarto kayo, kita niyo ng may bata"

" O'sha pero bago 'yon, hali ka muna dito at may mahalaga akong sasabihin"  sabi niya at naupo sa single chair.

Naglakad na ako papunta sa sofa at naupo, si Rozy naman ay naupo sa hita ko.

" Ano po ba 'yon?" Tanong ko habang hinahaplos ang buhok ni Rozy. Gusto ko talaga hinahaplos ang buhok niya dahil ang dulas at ang lambot, saka gusto niya din na hinahaplos ko ang buhok niya.

" Habang nasa Crystal kingdom ako nagkita kami ng isa kung kaibigan, she's a professor."

" Babae?" Mapang-asar na tanong ko at nakakalokong tumingin sakanya

" Yes, what's wrong with that?"

" Is she beautiful?"

" Huh? Bakit mo tinatanong?"

" Wala naman..." Nakangising sagot ko at tumingin kay mama na ngayon ay nakasimangot na.

" Scarlet, wag ka gumawa ng issue"

" So ano nangyari? You meet your beautiful friend and?"

Bumuntong-hininga si papa at tinignan ako ng masama, ako naman pinigilan ang tawa.

"Nakwento niya na magkakaroon daw ng digmaan sa pagitan ng Crystal kingdom at Emerald kingdom.  Malaking kaharian ang Emerald at madami silang sundalo kumpara sa Crystal, kaya ngayon naghahanap sila ng mga taong pwedeng sumama sa kanila sa digmaan. Ang hinahanap nila ay yung may kakayahang makipaglaban pero sasabak parin sila sa training at mga pagsubok."

The Gangster Princess (Isekai Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon