Kabanata 13

2.5K 98 2
                                    

Nag-teleport kami papunta sa plaza, sumama lang ako sakanya dahil hindi naman niya alam na kaya ko din mag-teleport. Hindi ko alam kung saan kami una pupunta since wala naman akong alam na pwedeng puntahan dito.

Since nasa plaza na din naman kami nanood nalang kami ng mga nagpe-perform doon.  May banda na nagtutugtog, mga nag-i-story telling, mga nagmamagic tapos may parang concert ng isang sikat ata na performer, parang K-pop lang.

"Doon tayo"  turo ko sakanya doon sa nag-i-story telling.  May stairs bench doon kung saan doon nakaupo ang mga nanonood habang nasa baba naman yung nagke-kwento.  Mukhang nag-uumpisa palang.


"Binabati ko po kayong lahat at nagpapasalamat po ako sa inyong pagpunta dito para makinig ng aming panibagong istorya. Sana po ay maibigan niyo." Sabi nong babae at nag-bow sa harapan namin.

"Noong unang panahon..."

Inumpisahan niya ang story, siya ang nagke-kwento habang may umaarte sa gitna. Sa umpisa palang alam ko na agad ang mangyayari, this story looks familiar. At dahil alam ko na ang story na 'to at alam ko na ang mangyayari tumayo na ako at hinila si prince Zyke paalis don.

"Hindi mo gusto yung kwento?" Tanong niya

"Hindi naman, alam ko na kasi mangyayari don"

"Huh? Really? I mean, ngayon ko lang narinig ang kwentong 'yon"

" I know that, mamamatay ang mga bida diyan"

" What?"

" Dahil nga di ba uminom yung babae ng potion para makatulog siya at isipin ng mga tao na nagpakamatay siya, at ayon din ang akala nong lalaki kaya ayon nagpakamatay yung lalaki tapos nong magising yung babae patay na yung lalaki at dahil patay na yung lalaki nagpakamatay din yung babae"  paliwanag ko   "Gets mo?"

Wala siyang sinabi at nakatitig lang siya sa 'kin tapos pareho kaming napatingin sa nagpe-perform nang biglang umingay yung audience. Ito yung last part na nagpakamatay yung babae.

" See? I told you"

"How did you know the story?"

"Dahil nabasa ko na 'yan at napanood ko na rin"

"Saan?"

" Daming tanong ha! Basta! Hali ka na, doon tayo. Nood nalang tayo concert"

" Concert?"

" Basta doon!"

Hinila ko na siya don sa may kumakanta na mga babae habang sumasayaw. Para silang girl group. Sa malaking stage sila nagpe-perform habang mga nakatayo lang ang mga nanonood.  I'm not familiar with the song they're singing, pero ang ganda at nai-enjoy ko yung kanta at napapasigaw pa ako at napapatalon.  Para akong isang fan na nakapanood ng concert ng favorite artist ko.

Tinapos namin yung buong performance nila, feeling ko nga magiging fan na nila ako. After nga ng performance nila may mga nagtitinda ng mga parang merch nila, at dahil mayaman ang kasama ko nagpalibre ako.

"Thank you prince--"

Hindi ko natapos sasabihin ko nang takpan niya ang bibig ko gamit ang palad niya.

"Don't call me that, magkakagulo mga tao dito" sabi niya at inalis ang kamay sa bibig ko.

Nakalimutan ko na hindi pala dapat malaman ng mga tao na pagala-gala siya dito sa city. And by the way, he also wearing a cape para hindi siya makilala.

"E ano itatawag ko sa 'yo?"


"Anything, just don't call me prince or by my name"

Napanguso ako at nag-isip ng pwedeng itawag sakanya. Napangiti ako nang may kalokohang pumasok sa utak ko.

The Gangster Princess (Isekai Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon