CHAPTER 8.

9.4K 117 1
                                    

Brianna POV’S

Pagdating ko sa bahay ay pumunta agad ako sa kwarto ko at umupo sa kama. Iniisip ko ang sinabi nung babae kanina.

Ginagamit nya si carter para makuha ang lahat? inalog ko naman ang sarili ko. Wala na kong pake kung ano ang problema nya basta sakin ang anak ko at ang sarili ko ang iisipin ko.

Huminga ako ng malalim at saka humilata sa kama. Napangiti ako dahil nasabi ko rin ang nasa dibdib ko.

Bagay lang yon sa kanya, kulang pa nga e dapat paulit ulit ko syang sabihan ng walang kwenta para mas lalo syang mainis.

Hindi ko nga alam kung bakit binuhay pa ni god ang ganung tao kasi diba maraming masasaktan si carter sa mga sinasabi nya.

Hayss, deserve naman nya ’yon. Hinawakan ko naman agad ang tyan ko. Magpapa check up pala ako bukas.
Sasamahan ako ni mama at taliya.

Since sabado naman bukas at walang gagawin. Kapag linggo kasi sumasamba naman kami. Bawas kasalanan.



“ anak bukas check up mo, maaga kang magising dahil madami ang nakapila dahil sabado bukas ” saad ni mama habang naghahanda ng hapang kainan.

Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya. “ yieee! excited na ko ate na makita si baby ” sambit nya sakin. “ ako rin naman ” ngiti kong saad sa kanya.

Mas excited pa ’tong si taliya kaysa sa ina. Actually pareho sila ni shayla araw araw binabanggit na excited na sya.

Kulang na lang sya na lang ang mabuntis at ipasa ko sa kanya lahat.
Kumain naman na kami at saka niligpit ni mama ang lahat.

Gusto ko pa nga sanang tumulong kaso hindi na ko pinakilos ni mama dahil baka mabinat ako. Noon kasi tinutulungan ko si mama kumilos sa bahay.

Ako yung nandito sa puder nila mama at papa pero ako pa yung pabigat sa kanila dahil nga sa sitwasyon ko.
Napabuntong hininga na lang ako.

At nag ready na para bukas. First check up ko kaya kailangan ready ako.

— KINABUKASAN —

Okay naman na siguro ’tong suot ko kaya bumaba na ako at kanina pa ko hinihintay ni mama sa labas.

“ anong oras na brianna, tara na ” pag ayaya nya sakin kaya kumapit ako sa braso nya at saka kami umalis.

Pagdating doon ay sakto kunti lang ang pila. Medyo hindi kami nalate ni mama, umupo na muna ako at hindi ko kaya tumayo magdamag.

Nang kami ay pumasok kami sa loob at pinahiga na ako ni doctora. Mula sa screen ay kita ko ang pitus.

“ here’s your baby ” turo nya sa screen habang ini ultrasound nya ko. Napangiti naman ako at maski ako excited na makita ang anak ko.

Tinignan ko si mama at nakangiti rin sya. Pagkatapos ng pag check up namin ay may binigay syang picture sakin.

Picture ng ultrasound kay baby. “ naku ang apo ko ” ngiting saad ni mama sa litrato na hawak ko.

Saka kami umalis sa hospital at kumain na muna kami bago kami tuluyang umuwi sa bahay.

Nagutom kasi agad ako kahit naman na bago kami umalis ni mama ay kumain kami kanina.

Pagkatapos namin kumain ay saka kami umuwi ni mama. Si taliya ay tapos na rin mag review dahil exam na raw nila sa lunes.

Mataas naman grade nito kaya wala kaming problema kay taliya kaso kapag mataas ang grade na nakukuha nya ay pinapasyal namin sya sa mall.

Kapalit daw yon sa husay nya sa pag aaral parang ako noon. Si kuya naman ay tahimik lang ayos nga lang daw sa kanya kahit biscuit lang ang regalo ni mama at papa sa kanya noon.

Iba na talaga ang panahon ngayon pero atleast mabuting tao si taliya at pinalaki kami ng maayos ng magulang ko.

ACCIDENTALLY PREGNANT WITH A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now