CONTINUED IN CHAPTER 22.

6.7K 93 2
                                    

Brianna POV’5

Pagkapara ng taxi ay bumaba agad ako. Sa nylon group kami magkikita. Sa building non mismo.

Hindi naman siguro ako makikita ni carter dahil busy yon ngayon at baka may meeting na rin sila.

Pagkapunta ko roon ay tumuloy ako sa office nya. Bumuntong hininga na muna ako at saka tuluyang umupo.

Nakita ko syang naka upo sa sofa habang hinihintay nya ko. Mukhang nakaramdam naman sya na nandito ako at tumayo sya agad.

Pumunta sya sa harapan ko at tinignan nya ko. “ i miss you brianna ” sabay yakap nya sakin. Kumalas naman ako sa pagkayakap nya sakin.

“ ano bang kailangan mo sakin? hindi ba’t tapos na tayo? tinapos mo yung tayo ” saad ko sa kanya. “ i’m really sorry for what happened that day brianna but i’m still love you ” anya nya sakin.

“ sorry? sorry lang sayo? alam mo bang nasaktan ako ng sobra sa ginawa mo! at ng dahil sayo nangyari ang sitwasyon ko ngayon pero thankyou dahil may dumating na anghel sa buhay ko at sya ang nagkapagbago na maka move on sayo! ” saad ko sa kanya.

“ brianna look at me and listen to me, im really really sorry gulong gulo na ko that time kaya yun ang ginawa ko pero i’ll promise you hindi ko ginusto ang ginawa ko sayo noon ” anya nya sakin.

“ pls comeback to me brianna, iloveyou so much at ’yang dinadala mo kaya kong panagutan yan kahit hindi ako ang tatay ” saad nya sakin ulit.

Hinawakan nya naman ang dalawa kong kamay kaya tinapik ko agad. “ naririnig mo ba ang sinasabi mo sakin andrew? minahal kita oo kaso noon yon pero ngayon nagsisisi ako dahil minahal ko ang lalaking katulad mo ” sambit ko sa kanya.

“ why brianna? dahil ba mahal mo si carter ngayon kaysa sakin? pinagpalit mo na ko ngayon kaysa sa kanya? o dumidikit ka lang sa kanya dahil gusto mo lang mapanagutan ka nya? ” tanong nya sakin.

Hindi ako makasagot sa sinabi nya sakin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Mahal ko ba si carter? ang totoo naman gusto ko lang mapanagutan nya ko, kaming dalawa ng anak ko at wala ng ibang malisya yon.

“ kita mo brianna? hindi ka makasagot sakin dahil alam kong hindi mo pa sya mahal kaya pls comeback to me imissyou so much ” saad nya sakin.

Niyakap nya naman ako ng mahigpit. Bakit hindi ko man lang sya maisagot sa mga tanong nya sakin? Agad naman may nagbukas ng pintuan at nakita ko si carter na tumingin samin.

Kaya pumunta sya samin at bigla na lang nya sinuntok si andrew kaya napatumba si andrew sa kanya. “ ano ba carter! ” pag aawat ko sa kanya.

“ hindi ba’t sabi ko? wag na wag kang didikit sa asawa ko ” pagduduro nito kay andrew, bigla nya naman ako hinila palabas.

Tinignan ko lang sya at pumasok kami sa office at saka nya ko binitawan. “ damn! brianna what are you doing ” tanong nya sakin.

Nakatingin lang ako sa kanya at galit ang awra nya ngayon. “ really brianna? nakipag yakapan ka sa ex mo while na may asawa ka? hindi ka ba talaga nag iisip? ” tanong nya sakin.

Napapikit naman ako at napabuntong hininga. “ nakipag usap lang sakin si andrew yun lang carter, wala kaming ginawa na kakabalaghan ” tugon ko sa kanya.

“ walang ginawa? halos nakadikit na nga ang mga katawan nyo tapos wala pa rin kayo ginagawa? what if someone saw you? what will they think of you?” sunod sunod nyang tanong sakin.

“ bigla nya kong niyakap, hindi ko alam na ganun ang gagawin nya sakin carter at saka wag mo syang suntukin! wala kaming ginagawa na kahit ano ” sambit ko sa kanya.

Napahilamos naman ang mukha nya dahil sa sinabi ko. “ you don’t understand me brianna, isip bata ka talaga ” saad nya sakin.

Napatingin naman ako sa kanya. Ano raw isip bata ako? ay wow! “ sa susunod kung pupunta ka rito sabihan mo ko para mapabantayan kita sa bodyguards ko ” saad nya sakin.

Baliw ba to? hindi naman ako bata para pabantay nya ko. “ hoy carter! hindi na ko bata para magpabantay bantay sa bodyguards mo! ” bulyaw ko sa kanya.

“ hindi ka bata pero isip bata ka, kaya sa kung sa ayaw’t gusto mo, ipapabantay kita ” diin nya sakin.

“ teka nga, bakit mo ba to ginagawa? wala ka ngang pake sakin noon halos ang sama sama nga ng ugali mo sakin ” sambit ko sa kanya.

Napatingin naman sya sakin. “ bakit? may dumi ba mukha ko? ” tanong ko sa kanya “ para hindi na makalapit sayo si andrew ” anya nya sakin.

“ ewan ko sayo! saka last na namin na pag uusap yon dahil binuhos ko lang ang galit ko sa kanya ” saad ko sa kanya. Binuksan nya naman ang laptop nya habang kausap ako.

Tignan mo to, kausap nya ko tapos kung san nakabaling. “ na may halong yakap yakap ” dugtong nito sakin. “ ang kulit mo naman carter! ” pagr-reklamo ko sa kanya.

Binaba nya naman ang laptop nya at saka tinignan nya ko ulit. “ brianna? ” tawag nya sa pangalan ko kaya napatingin ako sa kanya.

“ bakit? tawag ka nang tawag kanina p— ” hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil agad akong namula sa sinabi nya sakin. “  I'm jealous, especially when I saw you hugging each other ” sabay tingin nya sakin.

Napalunok ako ng ilang beses sa sinabi nya at hindi ako makagalaw. Gusto ko magsalita pero biglang natuyot ang lalamunan ko.

Bigla naman may tumawag sa kanya at tumayo. “ after mong umuwi sa bahay, maligo ka baka kasi amoy andrew ka ” anya nya sakin saka sya umalis sa harapan ko.

Pagka alis nya ay umupo ako sa sofa at pinaypayan ang sarili ko. Grabe ang init dito. Wala bang aircon dito? ano raw nagseselos sya kay andrew?

Napangiti naman ako at hinahampas hampas ang sofa nya dahil sa kinikilig ako.

ACCIDENTALLY PREGNANT WITH A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now