CHAPTER 11.

8.6K 108 0
                                    

Brianna POV’S

“ hindi pa pwedeng magpahinga ka na muna anak? baka kasi mas lalong makakasama sayo kung papasok ka pa sa trabaho mo ” saad ni mama sakin.

“ hindi naman po ma saka mag iingat naman po kami ni baby ” ngiti kong sambit sa kanya.

“ basta mag ingat ka palagi anak ” tugon ni papa sakin. Tumango kagad ako sa kanila.

After ko kumain ay tumuloy na ko sa trabaho ko. Umupo agad ako kung san ang table ko.

“ bessy! kamusta? pati ’yang inaanak ko? ” tanong nya sakin sabay nguso sa tyan ko. “ okay lang kami bumalik ka na nga sa table mo ” saad ko sa kanya.

Inirapan nya naman ako at saka sya bumalik sa table nya. Ma attitude talaga ’tong babae na to. Sarap batukan talaga.

Ay naku! “ true ba? ngayon na ikakasal yung future ceo ng nylon group? ” tanong ni cherry kay nica.

Nylon group? teka si carter yon diba? nagsitinginan naman kami ni shayla, siguro nakuha nya ang topic ng dalawang chismosa na ’to.

“ oo sis! naku bagay naman sila! ” tuwang saad ni nica. So kasal ni carter ngayon? hindi nya talaga kami pananagutan ng anak nya.

Pumunta naman si shayla sakin. “ diba yun yung — ” hindi ko na sya pinatuloy at tinakpan ko ang bibig nya.

Pinagdilatan ko naman sya ng mata. “ oo alam ko kaya tumahimik ka na lang okay? ” irita kong saad ko sa kanya.

Kahit kailan talaga, napa ingay ng bibig nitong babae na to, sa once na malamab nila kung sino ang ama ng dinadala ko, malamang sa malamang kakalat sa buong building na ’to.

Kay nica at cherry na nga lang marites na, yung iba pa kaya na nandito.
Saglit ako napahinto at iniisip na mangyayari.

Wala talaga syang kwentang lalaki! Hindi nya talaga kami inisip mas inuna nya yung kagustuhan nya.

Diba ginagamit lang naman sya ng babae? sige magpagamit sya tutal deserve nya naman ’yon.

Bagay na bagay nga silang dalawa, yung isang sinungaling yung isa walang kwenta. Tandem talaga silang pareho.

Tinapos ko na lang ang ginawa ko at hindi ko na lang muna yon inisip.
Nang matapos ko na ang lahat sakto naman na lunch break na.

Inaya naman ako ni shayla na kumain sa lumabas kaya pumayag ako dahil gutom na rin naman na ko.

Naka order na si shayla ng pagkain namin at saka umupo sya sa harapan ko. “ you okay? mukhang hindi ka okay sa lagay mong yan bessy ” sambit ni shayla sakin.

“ okay lang ako, bakit mo natanong? ” tanong ko sa kanya. Hindi na sya sumagot sa tanong ko at kumain na lang din kami.

Pagkatapos namin kumain ay tinignan ko ang oras, maaga pa kaya binuksan ko na lang muna ang phone ko.

Nakita ko kagad na may message ako sa ig. Sino naman ’to? kinalikot ko agad at pagtingin ko sa message.

“ help me please! ”
“ hurry girl! i don’t know your name”
“ please! i’m begging you! im carter ”
“ pananagutan ko yang dinadala mo ”
“ i’m here at ************  ****** **** ” huli nyang message sakin.

Napatayo agad ako at kinuha ko ang bag ko saka tumakbo sa labas. Hindi ko na muna pinakinggan si shayla kailangan kong bilisan baka nag umpisa na.

Nagpara naman kagad ako ng taxi at sumakay saka ko sinabi ang address.
Pagdating ko roon ay nagbayad na ko at pumasok sa loob.

Pero bago man ’yon ay nagulat ako kung sino ang humawak sa wrist ko. “ andrew? ” gulat kong saad sa kanya.

“ what are you doing here? ” tanong nya sakin. Binitawan ko naman agad ang paghawak nya sakin. Saka ako umalis sa harapan nya.

At tumakbo, may humarang naman na sakin ulit at dahil desperada na ko ay tinadyakan ko ang b*yag nya gamit ang paa ko kaya pumasok agad ako.

“ habulin nyo sya! ” duro nya sakin. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa nakarating ako kung san ang pintuan.

Nakita ko na papalapit na sila sakin kaya pumasok agad ako sa loob. Pagtingin ko roon ay nakita ko si carter na hawak ang kamay ng babae.

Tinignan ko ang paligid at madami ang tao na nakatingin sakin na naghihintay na sasabihin ko. Madaming nagtataka kung bakit ako nandito at bigla bigla pumapasok.

Nakita ko na pumasok na yung mga bodyguards at hinawakan sa magkabilang braso. “ bitawan nyo nga ako! ” sigaw ko sa kanila.

Inayos ko ang sarili ko at tumingin kay carter. “ carter sandrino!!!!!!!!!! ” sigaw ko sa venue kung saan ginanap ang kasal nila.

ACCIDENTALLY PREGNANT WITH A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now