CHAPTER 23.

6.7K 98 1
                                    

Carter POV’S

Kasalukuyan akong nasa kwarto magdamag. Halos hindi ko maisip yung ginawa ko kagabi sa kanya.

Maski kasi ako hindi ko alam kung ano na ba talaga ang nangyayari sakin. Nasabi ko yung totoo kay brianna na nagseselos ako.

Oo, nagseselos talaga ako lalo na yung nakita kong magkayakap silang dalawa pero pinagtataka ko, bakit ba ako nagkakaganito?

Ayokong isipin na may nararamdaman ako kay brianna. Hindi ko nga type yung babae na ’yon mukhang dragon kapag sumisigaw.

Tok! tok! tok!

“ hoy carter! ano ba hindi mo ba ’to bubuksan?” sigaw nito sa labas ng pintuan. Katulad nito mukha nanaman syang dragon.

Kanina pa kasi ako hindi lumalabas ng kwarto. Ayoko syang harapin dahil nahihiya ako sa sinabi ko sa kanya. Ginulo ko naman ang buhok ko dahil sa kung ano ang nararamdaman ko.

“ bubuksan mo to o sisirain ko to? ” tanong nya ulit. “ as if naman na kaya mo ” tugon ko sa kanya na may halong pagyayabang.

Maya maya ay wala na kong narinig na may gumagalaw sa doorknob. Mabuti na lang tumigil na sya.
Mamaya na ko lalabas kapag nakatulog na sya sa sofa.

Narinig ko na may pumupokpok sa doorknob, ano yon? agad ko naman ito binuksan at nakita ko na may hawak na martilyo si brianna.

“ oh ano? akala mo hindi ko kaya ” sabay dila nito. Napasapo naman ako sa noo ko dahil sa isip bata nito. Bakit ba ko pumayag na magsama kami sa iisang bahay?

Daig nya pa yung kapatid nya. “ ano bang ginagawa mo sa loob at ayaw mo ko papasukin? ” tanong nya sakin.

Tumingin naman sya sakin at agad akong umiwas. Sh*t bakit ganun? natutunaw ako sa tingin nya. Ano ba carter.

“ ayoko ng makulit sa kwarto ” anya ko agad sa kanya. “ wala ka bang pasok ngayon? ” tanong ko sa kanya. Umiling naman sya sakin.

Kaya pala nandito sya magdamag, “ eh ikaw? wala rin ba? ” tanong nya pabalik sakin. “ nah, si dad na muna raw ang hahawak ng kompanya dahil may aasikasuhin sya don ” saad ko sa kanya.

Bigla naman kumalam ang tyan nya. “ ay oo nga pala, kaya gusto ko lumabas ka magpapaalam pala ako ” anya nya sakin. “ edi umalis ka, gusto mo wag ka na bumalik ” saad ko sa kanya.

Inapakan nya naman ako kagad sa paa kaya napaupo ako sa sakit. “ papalag ka? napaka sama talaga ng ugali mong baliw ka! ” bulyaw nya sakin.

What the f*ck! baliw ako? “ damn! brianna! ” sigaw ko sa kanya. “ bawal ba ako magpaalam sayo? baka mamaya dumating sina mama at hanapin ako, yun ang pinupunto ko ” saad nya sakin.

Palagi na lang sya nanakit. “ this is harrashment brianna, nanakit ka na palagi ” anya ko sa kanya. “ napaka sama kasi ng ugali mo ” saad nya ulit sakin.

“ what are you saying? ako masama ugali ko? ” tanong ko sa kanya. Tumango naman kagad sya sakin. Hays bwiset na babaeng to.

“ nagugutom kasi ako, may iba akong gustong kainin nag c-crave ako sa mangga na may toyo at bagoong ” anya nya.

Nagpaalam na sya sakin at saka umalis tuluyan. Umupo naman ako sa kama at tinignan ang daliri ko sa paa. Kulang na lang gulpuhin nya ko.

Teka saan ulit sya pupunta? hindi nya man lang sinabi sakin kung san sya pupunta? ano bang pake mo carter kung saan sya pupunta?

Talagang babae na yon. Sinuot ko naman agad ang pantalon ko at saka jacket saka sumunod sa kanya.

Pagkalabas ko ay hindi pa sya nakakalayo. “ brianna wait ” anya ko sa kanya na kakalabas lang nya sa gate. “ huh? bakit nakabihis ka? ” she ask me.

“ i want to go with you okay? akin na bag mo ” saad ko sa kanya saka ko kinuha ang bag nyang bitbit.

hinampas nya naman ako ng mahina sa braso. “ naks anong pumasok sa isip mo at sumama ka sakin? ” tanong nya.

Ano nga ba? bakit ko ba sya sinamahan? “ ah-may b-bilhin din kasi akong gusto ko ” pagdadahilan ko sa kanya. Hindi na sya nagtanong at napabuntong hininga ako.

Binuksan ko ang kotse ko at pinatigil nya naman ako. “ hep hep! teka ” pagtigil nya sakin. “ what? ” tanong ko sa kanya na may halong pagtataka.

“ mag c-commute tayo ” saad nya sakin saka sya ngumiti. “ what? no, meron naman ako sasakyan brianna ” sambit ko sa kanya.

“ aba aba! para alam mo kung ano kalakaran naming mga ordinaryong tao ” anya nya sakin. Hinila nya naman ako palabas.

Nakatingin lang ako sa kamay nyang nakahawak sakin, ewan ko pero nakangiti ako. Agad nya naman ito binitawan dahil nasa kanto na pala kami.

Napa ubo naman ako biglaan dahil may usok na tumama sa mukha ko. Natawa naman sya sakin.

ACCIDENTALLY PREGNANT WITH A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now