CHAPTER 33

5.9K 88 1
                                    

Carter POV’S

Nandito ako ngayon sa kwarto, tulog pa rin hanggang ngayon si brianna.
Tinignan ko sya habang tulog.

Nakita ko sya na kumilos kaya bumalik ako sa ginagawa ko. Nakatapat kasi ako ngayon sa laptop.

At hinahanap yung taong hinahanap ko. Hindi ko talaga sya mahanap kahit anong gawin ko.

Ginalaw ko yung phone ko at tumawag sa bodyguard ko. “ hello, where are you? ” tanong ko dito.

“ nandito po sa building sir, may iuutos po ba kayo? ” tanong naman nito sakin. “ may papahanap ako sayo, is-send ko yung details sayo okay? ” saad ko at umu-oo naman sya.

Then saka ko binaba yung call, sinend ko na rin ang lahat ng details nung lalaki na ’yon.

Kailangan ko na sya mahanap dahil 2 days na lang, mag u-umpisa na ang party.

Yes, party puro mga may kompanya at may shares ang pupunta doon. So kailangan ko ng chef na maayos sa pagluluto.

At may sinuggest si daddy sakin na isang tao pero hanggang ngayon hindi ko pa rin sya nahahanap.

“ teka si redge yan ah? ” agad naman ako lumingon sa nagsalita. Gising na pala yung bruha.

“ do you know him? ” anya ko sa kanya. Tumango naman sya sakin at nagsalita. “ kilala ko sya, natandaan mo ba yung lalaking nasa grocery? yung tumulong sakin? ” saad nya.

Inaalala ko naman at hanggang sa nagulat ako. Sya yung redge? sa daming dami kong pwedeng makitang tao yung gunggong pa.

“ yeah, i remember that ” tango tango ko sa kanya. “ ano pala ang kailangan mo sa kanya? ” tanong nya sakin.

Wait kilala nya yung pangalan non? “ paano mo sya nakilala? ” tanong ko sa kanya. “ actually nakita namin sya ng kaibigan ko sa isang restau, doon kasi kami kumain at sya yung chef doon ” ngiti nyang saad sakin.

Nagkita pala sila ulit tapos may pangiti ngiti pang nalalaman. “ kailangan ko sya sa bussiness ko, saang restau yon? ” tanong ko ulit sa kanya.

Tinuro nya naman sakin kagad at pina google map nya pa. Sinabi ko naman agad sa kanya na pupuntahan ko ngayon.

At nangungulit pa na sumama sakin pero di ako pumayag. Gustong gusto nya makita yung redge na yon.

Nag asikaso naman kagad ako at saka pumunta sa restau na ’yon. Pagdating ko roon ay pumasok agad ako at umupo.

Nagtaas ako ng kamay at may pumunta naman sakin  yung waiter. “ yes sir? what’s your order po? ” tanong nito sakin. Pinakita ko yung picture sa kanya.

“ do you know him? ” tanong ko. Tumango naman sya sakin. “ nandito ba sya ngayon? ” tanong ko ulit.

“ yes sir, nagluluto po sya ngayon ” anya kagad nya sakin. “ can i talk to him? pasabi hinahanap ko sya ” sabay bigay ko sa kanya ng isang card bussiness ko.

Agad naman sya nag excuse sakin at saka pumasok sa loob. Tinignan ko ang kabubuang restau nya at malaki nga at tinignan ko rin ang menu.

Ang c-cheap naman nito puro mura ang bilihin dito. Ang hina nya naman sa bussiness kung ganun.

Nakita ko naman na lumabas na yung waiter pero hindi kasama yung redge na yon. “ sir busy po raw sya ngayon, sa susunod na lang po raw ” saad nito sakin.

Tumango naman ako at ngumiti. Binilog ko naman ang kamao ko, sinusubukan ata ako nung redge na ’yon.

Sa daming dami pwedeng i-suggest ni daddy na pwedeng chef, yung redge na yon pa talaga. Umalis na ko sa restau nya at umuwi sa bahay.

Pagdating ko ay sinalubong agad ako ni brianna. “ nakausap mo ba sya? kamusta? ano sabi? pumayag ba? ” sunod sunod nyang tanong sakin.

Tinignan ko lang sya at saka pumasok sa kwarto. Nilock ko yon dahil alam kong kukulitin ako ng babaeng ’yon.

Kung hindi lang talaga kailangan yung redge na yon, hinding-hindi ko pipilitin yung gunggong na ’yon.

Mamaya na lang ulit ako pupunta. Kung ayaw nya ako na mismo ang hihila sa kanya.

ACCIDENTALLY PREGNANT WITH A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now