CHAPTER 29.

6.2K 83 0
                                    

Brianna POV’S

Hanggang ngayon, namumula pa rin ako sa ginawa ni carter sakin. Tuwing titingin ako sa salamin, hinahawakan ko yung lips ko.

“ hoy bessy! ganda ng mood natin ah? ngumingiti ka kasi mag isa dyan, kung hindi pa kita kakausapin siguro aakalain nila baliw ka ” saad nya sakin.

Agad naman ako napatingin sa kanya at sabay sumimangot. Panira naman ng moments tong babaita na to. Alam ng nag m-moments ako dito e.

“ wala naman ” anya ko sa kanya. Kiniliti nya naman ako at pumapalag ako dahil sa kiliti na nararamdaman ko.

Naikwento ko na sa kanya ang lahat lahat at napapangiti sakin. “ baka nagselos sya sa inyo ni andrew ” anya nya sakin. “ sabi nya nagseselos daw sya pero alam mo yung sobrang gulo nya as in ” saad ko sa kanya.

“ paanong gulo ba? ” tanong nya sakin. Naikwento ko ulit ang nangyari lahat. “ i think, inlove na sya sayo ” agad naman ako napatigil sa ginagawa ko.

Siniseparate ko kasi yung mga papel na hindi na gagamitin at sinamahan ako ni shayla para tulungan nya ko rito.

“ inlove sya sakin? abno ka ba bessy? hindi sya inlove sakin gaga kung inlove sya sakin sana hindi sya masungit at suplado sakin ” saad ko sa kanya.

Humarap naman sya sakin. “ ano ba brianna! ang lalaki torpe yan okay? hindi madali sa kanila ang sabihin na totoo na nararamdaman nila sa isang tao ” anya nya sakin.

Napa irap naman ako sa kanya. “ ay naku shayla, tigil tigilan mo nga ako! walang pake yon sakin! ” sabay bitbit ng mga papel. “ heto dalhin mo, tapon na natin ” saad ko sa kanya saka ako umalis sa harapan nya.

Paanong maiinlove sya sakin kung ganun trato nya? saka sabi nya iba ang type at taste nya sa isang babae.

So kahit kailan, hindi yon maiinlove sakin napaka suplado at masama ugali nung kumag na yon sakin.



Pagkauwi ko samin ay wala pa si carter. Overtime siguro sya sa trabaho nya ngayon.

Nagluto na muna ako ng makakain since nakapag grocery naman na ako nung isang araw.

Pagkatapos kong magluto ay sakto dumating si carter pero tuloy tuloy lang sya pumasok sa kwarto.

Parang tanga, hindi nya ba ako napansin na nandito ako?! sya na nga ang yayain ko tapos ganyan pa sya sakin!

Bahala sya magutom, uubusin ko to lahat since gutom na rin ako. Kaya umupo na ko sa lamesa at kumain nang kumain.

Halos tinitignan ko lang ang pintuan ng kwarto baka kasi lumabas sya biglaan. Matigas talaga ulo nito. Bahala sya dyan!

Ano kaya ang nangyayari sa kanya? may problema kaya sya sa kompanya nila? sincere lang ako about sa kompanya nila, hindi sa gunggong na yon mismo.

Nakita ko na may parang tumitingin sa kanya kaya napatingin ako sa gawi kung saan ang kwarto nya bigla nyang sinarado ang pintuan nung lumingon ako.

Baliw ba sya? habang nakatalikod ako nakatingin sya sakin? may sasabihin ba sya na hindi nya masabi sakin? kaya tumayo na ko at pumunta sa pintuan ng kwarto.

Huminga na muna ako ng malalim at saka ako kumatok.

Tok! tok! tok!

“ carter, okay ka lang ba? ” tanong ko sa kanya. Hinihintay ko syang sumagot pero wala akong narinig mula sa kanya. Kaya kumatok ulit ako at nagsalita.

“ may nangyari ba sa kompanya nyo?” tanong ko ulit pero wala pa rin talaga kaya dinikit ko yung tenga ko sa pintuan.

Sobrang tahimik baka tulog na siguro sya. Pagod lang ata sya syempre mahirap ang maging ceo ng kompanya kaya.

Lahat na sayo nakadepende at kailangan mo rin na maayos ang paghahandle nito.

Kaya umupo na lang ako sa sofa at saka natulog na lang.

ACCIDENTALLY PREGNANT WITH A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now