CHAPTER 31.

6.2K 82 0
                                    

Brianna POV’S

Tumingin naman ako sa tyan ko at tinaas ang damit ko. Hinawakan ko ito gamit ang makinis kong palad.

Napangiti ako dahil hindi ko akalain na magkakaroon ako ng anghel sa buhay ko.

“ ready ka na ba bessy? ” tanong nito sakin napalingon naman ako sa kanya at tumango.

Nag m-moment yung tao, biglang bigla sumisingit tong kaibigan ko. Pupunta kasi kami sa mall at mamimili ng clothes ko.

Yes, clothes ko mismo hindi na kasi kasya sakin yung mga damit at dress na sinusuot ko dahil nga sa lumalaki na ang tyan ko.

Niyaya nya ko na ko lumabas kaya’t nagready na ko at saka lumabas ng tuluyan. Hindi na muna kami pumasok ni shayla sa trabaho.

Oh ’diba? pati yung kaibigan ko nadamay sa pag absent sa work. Well since busy si carter si shayla na muna ang sasama sakin.

Buti na lang walang topak ’tong si shayla ngayon at good mood ngayong araw.

Nang makapunta na kami sa mall ay pumunta agad kami sa mga dress. Pinili ko yung oversize na dress para hindi na ko bibili ulit kapag sobrang laki na ng tyan ko.

Bali tatlo ang dress na binili ko, di naman ako araw araw nag d-dress. Mas marami pa rin ang damit at short or pantalon.

Niyaya naman ako ni shayla sa mga damit. Tatlo lang din ang binili ko kagaya nga ng sabi ko kanina madami akong damit at yung iba kasya pa naman sakin.

Pagkatapos naming mamili ay nakaramdam ako ng gutom. Niyaya ko naman agad si shayla.

“ wait bessy, wag tayo dito kumain ” paghinto nya sakin sa harapan ng mang inasal.

“ eh, saan? ” tanong ko sa kanya. Hinila nya naman ako palabas ng mall at huminto kami sa isang restaurant.

“ teka dito tayo kakain? ang mahal naman dito ” sabay turo ko sa harapan namin. “ ay naku bessy! don’t worry treat ko okay? ” saad nito sakin at saka nya ko hinila papunta sa loob.

Pagkapasok namin ay agad kami umupo at nag order sya. “ hindi ba pwedeng doon na lang tayo kumain shayla? ” bulong ko sa kanya.

Umiling naman sya at saka sya nagsalita “ no bessy, makatikim naman tayo ng mamayamang food ” saad nya sakin.

“ alam mo bang sikat yung restaurant na to sa internet, pasok kasi sya sa mga budget ng mga filipino, hindi katulad ng ibang restau na mamahalin duh ” pag arteng anya ni shayla sakin.

Kaya pala nang libre kasi mura yung mga pagkain dito. Dumating naman agad ang order namin at amoy pa lang ay masarap na.

“ ano diba masarap? ” tanong nito sakin. Tumango naman ako sa kanya.
“ sarap nga ” sabay higop ko pa ng sabaw dito.

I think para syang lommi pero napaka special ng lasa nito. Habang kumakain ay bigla may nagsalita samin.

“ wait, you look familiar miss ” saad nito samin. Tinignan ko naman sya at namumukhaan ko rin sya.

Hindi ko lang matandaan kung saan ko sya nakita non. “ ako ba naalala mo? ” turo ni shayla sa sarili nya.

Pinigilan ko naman si shayla sa ginagawa nya. “ i remember you miss, nagkita na tayo sa grocery at ikaw yung babaeng tinulungan ko ” saad nya sakin.

Whaaa, sya nga yon “ oo ikaw nga ’yon ” anya ko sa kanya. “ nice too meet you again miss i’m redge canicosa ” sabay lahad nito ng kamay nya.

Kaya tinanggap ko at nakipag kilala na rin ako sa kanya. “ btw ang sarap ng pagkain nyo dito ” saad ni shayla kay redge.

“ yes saka pasok sa budjet ng mga pilipino ” anya naman nito kay shayla.
“ aalis ba kayo agad? sakto kakagawa ko lang ng dessert namin balak ko sanang kayo ang una tumikim non ” saad ni redge samin.

“ ay o— ” di na ko nakapagsalita ng sumingit si shayla. “ di pa naman kami aalis ” ngiting sambit ni shayla.

Kinurot ko naman si shayla at napa smirk sakin. “ okay wait for me here, kukunin ko lang yung dessert ” saad nito samin.

Saka sya umalis sa harapan namin. Nagpapa cute naman si shayla kay redge. “ hoy babae! ano ba kakahiya ” anya ko kay shayla.

“ ay naku bessy, pogi na yung lumalapit satin, sayang naman kung tatanggihan natin ” pag arte nitong saad sakin.

Jusko naman ’tong kaibigan ko, kapag pogi talaga matic sa kanya. Agad naman na lumabas si redge at dala dala yung dessert.

Nilapag nya naman kagad to at saka pinatikim samin. “ ang sarap sobra ” sambit ni shayla samin. “ masarap ba brianna? ” tanong nya sakin.

Tumango naman ako at ngumiti naman sya sakin after ng pag uusap namin ay lumabas na kami ng restau ni shayla.

Nagpaalam naman na sakin si shayla dahil pagdating sa kanto ay nagkahiwalay na kami ng daan.

Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si carter na hindi mapakali sa isang lugar. “ carter ” tawag ko sa kanya.

Bigla nya naman ako niyakap ng nakita nya ko. “ i’m glad your okay, where have you been ba brianna? ” tanong nito sakin.

Lumayo naman ako sa kanya at saka nilapat ang palad ko sa noo at leeg nya at pati sakin. Wala naman syang lagnat ganun din ako.

“ what are you doing? ” tanong nya ulit sakin. “ may nangyari bang maganda sayo? ” tanong ko sa kanya.

Mukhang natauhan naman sya at umupo sa sofa. “ n-nothing, n-nag alala lang ako sa anak ko ” saad nya sakin.

Anak nya? umupo naman ako sa tabi nya at kumapit sa braso nya. “ anak mo? tinatanggap mo na? ” ngiti kong anya ko sa kanya.

Tinanggal nya naman ang pagkakapit ko sa braso nya at pumasok sa loob. “ hoy tinatanong kita! ” bulyaw ko sa kanya.

Tignan mo to! tinatanong ko umalis! napaka bastos talaga nito kahit kailan.
Bakit nya ko kaya niyakap? may magandang nangyari siguro sa kanya ngayon.

ACCIDENTALLY PREGNANT WITH A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now