CHAPTER 3.

12.5K 150 0
                                    

Brianna POV’S

Pagkagising ko ay agad akong tumayo dahil sa pagsusuka ko. Lumapit sakin si mama para hiludin ang likod ko habang si taliya ay binigyan ako ng tubig.

“ okay ka lang ba anak? ” tanong nya sakin. Tumango naman ako at pinunasan ang gilid ng labi ko.
Gusto kong hanapin yung lalaki na ’yon at pagbabayarin nya ang ginawa nya sakin.

After non ay nagpahinga na muna ako saglit, umalis sila mama at taliya saglit dahil namelengke sila at si papa ay nagtrabaho.

Kumilos na ko agad, naligo at nagbihis . Aalis ako ngayon gusto kong bumalik sa bar kung saan nangyari lahat yon.

Baka sakaling mahanap ko sya at matyempuhan ko sya na naroon. Nakapantalon lang ako at naka t-shirt.

Okay na ’to, hahanapin ko lang naman sya. Umalis na ko kagad sa bahay at baka madatnan ako ni mama na aalis ako, malamang sa malamang hindi ako papayagan ni mama.

Sumakay lang ako sa jeep at naglakad ng kaunti, bali nasa dulo kasi ang bar na yon, tago kasi ang bar na yon pero marami pa ring dumadayo doon.

Pagkarating ko roon ay tinignan ko ang labas ng bar, huminga ako ng malalim at saka pumasok roon.

Pagkapasok ko, walang pinagbago ganun pa rin ang mga usok kaya’t napaubo na lang ako at tinakpan ang bibig ko gamit ang panyo kong dala.

Pumasok ako sa kwarto kung san nangyari yon pero pagkapasok ko may naghahalikan kaya’t napa atras na lang ako.

Umalis na ko roon at lumabas ng tuluyan sa bar na ’to. Grabe natiis ko yung mga amoy nila sa loob nung araw na yon siguro dahil sa broken din ako kaya hindi ko namalayan na ganun ang amoy nila sa loob.

Pano ko kaya mahahanap ang lalaking ’yon? wala man lang bakas para makilala ko kung sino yon.

Bigla naman kumalam ang tyan ko kaya naghanap ako ng kainan dito mabuti na lang at hindi ganun kalayo kaya umupo agad ako at saka nag order ng dalawang putahe at saka kanin.

Ewan ko pero gutom na gutom ako, gusto kong kumain ng marami. Siguro dahil sa buntis na rin ako kaya ako ganito.

Oo nga pala, ako nga pala si Brianna Leah Pimentel. May trabaho naman ako pero nag excuse lang ako sandali sa sir ko pero hindi ko sinabi na buntis ako.

“ balita ko, ikakasal na yung ceo ng nylon group ” saad ng isang babae na kasing edad ko i think. “ ay oo jusko, bagay naman sila actually ” saad nung babaeng mas matanda siguro sakin.

Sa sobrang lakas ng pag uusap nila kulang na lang ibahagi na nila sa buong mundo ang pinag uusapan nila.

“ grabe si sir carter ” saad ulit ng babae, agad naman ako napatigil sa sinabi ng babae. Carter? Agad naman ako umupo tabi ng babae.

“ carter? may kilala kayong carter? ” tanong ko sa kanila. Tumango naman sila at may halong pagtataka sa mga mukha nila. “ ano full name nung lalaki? ” tanong ko ulit.

“ Carter Sandrino ” saad nung babae, agad naman sya hinampas ng isang babae. “ teka sino ka ba? at bakit mo tinatanong kung sino si sir carter? ” tanong ulit ng babae.

“ tapos na tayo, tara na nga baliw ata yan ” saka sila tumayo at umalis ng tuluyan.

Carter Sandrino? baka hindi sya pero carter kasi talaga. Ano ulit yung group na sinabi nila? Mylon? oo nylon group.

Pagka punta ko sa bahay ay saktong wala pa rin sila mama at taliya kaya’t umakytat ako sa kwarto ko at binuksan ang laptop ko.

Pagkabukas non ay sinearch ko sa google ang Nylon Group at agad naman ito lumabas.

Nag scroll lang ako hanggat sa nakita ko ang mukha ng carter. Pilit ko alalahanin ang lahat ng nangyari sa gabing yon pero hindi ko talaga maalala ang mukha nya.

Kilala ang Nylon Group sa pilipinas, sila ang maraming shares kumpara sa ibang kompanya.

Nag scroll lang ako at nakita ko rin na ikakasal na nga ito sa babae. Maganda naman ito at sexy kaya pasok sa mindset ko ang babaeng to.

Napasapo naman ako sa noo ko, paano ko malalaman kung sya ba talaga yung lalaki na yon? eh hindi ko nga sya matandaan. Kahit ipilit ko sa sarili ko.

ACCIDENTALLY PREGNANT WITH A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now