CHAPTER 50

5.5K 75 0
                                    

Brianna POV’S

Nasa mall kami ngayon ni carter, si daddy muna raw ang hahawak ng kompanya nila dahil gusto ni carter na sumama muna sakin.

Natandaan ko yung nag mall kami noon ni carter, that time namimili rin kami ng damit ng bata at dito ko rin nakilala si redge.

Akala ko talaga nag aaral sya noon pero pinasuot daw sya ng kapatid nya ng uniform nung araw na yon.

Tinaas ko ang isang damit na nagustuhan ko. Mukhang ayos to sa baby boy ko.

Sinabi ko rin na may mga napili na ko para sa anak namin kaya mas nauna si carter na lumabas kaysa sakin at sumunod na lang din ako.

Hindi ko alam kung san kami pupunta ni carter hanggang sa huminto kami sa gitna ng mall.

Tumalikod na muna ako dahil may mga star sa taas ng mall na naka display, ng biglang namatay ang ilaw ng buong mall.

Nakita ko na nagsisigawan ang lahat ng tao ngunit biglang tumapat ang isang ilaw sakin. Naramdaman ko na lahat ng tao ay nakatingin sakin.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa mall na to, Pilit kong umatras pero sakin talaga nakatutok ang ilaw na to.

Hanggang sa nakita ko si carter na naglalakad palapit sakin. May hawak syang flower, naguguluhan ako pero kinikilig ng sobra.

Kaya napangiti ako sa kanya at nakatingin lang sya sa mata ko. Bigla naman nag romantic song ang mall.

At nang makalapit sya sakin ay lumuhod sya at may kinuha na ano at saka ito nilahad mismo sakin sa harapan ko.

“ brianna ” tawag nya sakin. Tumingin lang ako sa mata nya “ will you marry me? ” tanong nya sakin.

Hanggang sa binuksan ang mga ilaw ng mall at nakita ko roon ay ang buong pamilya ko at kasama ang mga kaibigan ko na hawak ang bawat letra ng pag p-prose.

Napangiti ako at napaiyak sa saya tumango ako “ yes, yes na yes carter ” pagkasabi ko non ay bigla nya kong niyakap ng mahigpit.

At saka sinuot ang singsing sakin, hinalikan nya ko pero smack lang at saka ko rin sya niyakap.

Nakita ko na palapit ang mga relatives at kaibigan ko. “ kinikilig ako sa inyo! ” saad ni shayla sakin. “ congrats both of you ” saad ng daddy ni carter.

Nagpasalamat ako sa kanya. Grabe ang engrande naman ng pag p-prose ni carter sakin.

Pwede naman simple lang pero worth it naman ngayon. Nakita ko na niyakap ni shayla si redge.

Kaya napa simangot na lang ako. “ hoy shayla! anong yakap yan?” tanong ko sa kanya.

“ hayaan mo na bessy, minsan lang may pogi sa harapan ko ” saad nito at napatawa naman si redge sa kakulitin ni shayla.

Nakita ko si andrew at si carter na nag uusap kaya sumingit na lang ako. “ andrew ” tawag ko sa kanya. Ngumiti naman ako sa kanya.

“ thankyou for saving me at sa pag s-save sa ibang tao ” saad ko sa kanya. “ okay ka na ba? kumusta yung sugat mo? ” tanong ko sa kanya.

“ im fine always brianna and you're welcome always ” anya nya at sabay ngiti sakin.

Tinignan ko ang mga buong pamilya ko. Masaya ako at nakikita ko na lahat sila ay nagkaayos kahit may mga nakaraan kami noon.

Sana hindi to magbago, sana araw araw ang ganitong sitwasyon. Yung walang problema at pasakit na gulo samin.

ACCIDENTALLY PREGNANT WITH A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now