Hoy mga kababayan! Basahin niyo to! Haha
~~
ARLENE PASCUAL **
Tumatakbo ako papunta sa coffee shop na pinagta-trabahuan ko,kahapon lang din ako tinanggap kaya ayoko sanang ma-late,kelangan kong magpakitang-gilas muna. Ayokong unang araw ko pa lang dito,ang pa-panget na nang mga pinagsasabi nila sakin.
Maya-maya pa nakarating na ako sa coffee shop.
Nginitian ko naman yung mga ka-trabaho ko at mabuti na lang talaga,mababait sila dito. Sana ang manager ay hindi masungit,lalaki daw kasi ang manager dito.
Nagbihis na ako nang uniform ko at lumabas na,waitress ako dito,na pwede ding maging cashier kung kukulangin sila dun. Ay oo nga pala di' pa pala ako nagpapakilala. I'm Arlene Togatog. Pascual hindi na ako nakatapos nang kolehiyo dahil kailangan ang mga kapatid ko muna ang mag-aral bago ako. Ako kasi ang panganay sa aming tatlong magkakapatid.
"Ms.Arlene! Pakihatid naman to sa table number 24 " lumapit naman ako at kinuha ang tray at ibinigay dun sa table 24
"Wala na po bang kulang? " umiling sila kaya kinuha ko na ang number.
"Pag may kailangan pa po kayo,pakitawag na lang po ako. Arlene po ang pangalan ko salamat po." Saka ako tuluyang umalis dun at isinuli ang tray.
"Ms.Arlene paki-linis yung table salamat.." Kumuha muna ako nang panglinis at pumunta ulit dun sa table na lilinisin ko.
Inilagay ko na sa basurahan ang mga kalat pero puno na pala kaya inialis ko na ang plastic at idinala sa basurahan sa likod na ako dumaan para di ko maambala ang mga kumakain.
"Arlene Togatog. Pascual !! " lumingon naman ako dun s sumigaw at si Ara lang pala. Itinapon ko muna ang basura sabay nagpagpag nang kamay at nakipag beso sa kanilang tatlo.
Etong tatlo ang bestfiend ko lahat sila mayaman ako lang ang hinde. Si Ara Javier, Bianca Rivera at si Rein Lim.
"Sama ka lalaboy kami,Tara na! "-Rein
"Libre ka namin! " -Bianca
"Sasama na yan,uy sasama na yan! " - Ara
Hinihila na nila ako pero pumiglas ako. Kaya kumunot ang noo nilang tatlo.
"Sorry,di' ako makakasama kahit ilibre niyo pa ako. Kelangan ko talaga nang trabaho para sa pag-aaral nang mga kapatid ko. " lumungkot naman ang mga muka nila. Kahit gustong-gusto kong pumunta ay hindi pwede,kailangan kong magtrabaho para may pangkain kami mamaya. At syempre para may baon araw-araw ang mga kapatid ko.
